CHAPTER 8

1696 Words
YLLOLA “Hello? Sino ito?” Ilang segundong dumaan, pero walang sumagot sa kabilang linya bagkus ang ingay lamang ng nasa kabilang linya ang naririnig niya. Sa tingin niya’y nasa bar ito ngayon base sa tunog ng kanta, at ingay ng mga tao. Nagtatakang inilayo niya ang kanyang cellphone dahil wala namang sumagot sa kabilang linya. Kumibit-balikat na lamang siya, at pinatay ang tawag. Binalik na lamang niya sa drawer ang cellphone niya. Nasa kama siya ngayon nakaupo, at may maliit na mesa sa harapan niya. Napailing na lamang siya, at itinuloy ang pagsusulat niya sa kanyang diary. Baka prank call lamang iyon kaya ito tumawag. Ilang segundo lamang ang nakalipas ay kumerereng ulit Ang phone niya. Napabuntong-hiningang sinagot niya ang tumatawag. Same number pa rin. “Sino ka ba talaga?” Ilang segundo lang ay tumawag ulit ang parehong numero. She sighed. Wala na sana siyang balak sagutin kaya ang kulit nito. Ilang patay na niya ng tawag ay kumerereng pa rin ang phone niya. “Sino ka ba talaga?” Narinig na lamang niya ang mahinang tawa nito. Napailing ang ulo niya. “Baliw,” walang paligoy-ligoy niyang komento sa kausap niya. Mas lalo lamang itong natawa. “Wala ka bang magawa para buwisitin ako?" Tumigil ito, at biglang tumikhim. “Miss Yola." Kumunot ang noo niya nang makilala niya ang boses nito. “Isaac." Mahina itong natawa. " Magandang gabi sa'yo, Miss Yola.” Umikot ang mga mata niya sa tono ng boses nito. Halatang masaya ang loko. “Bakit ka napatawag? Saan mo nakuha ang phone number ko?" "Friend.” " Friend?" takang tanong niya. “Yes. Humingi ako ng number kay Helix para makausap ka.” "Dr. Helix?" “Oo." Napabuntong-hininga siya. “Wala ka na bang dapat sabihin?" “Wala, Miss Yola." “Okay, bye!" Pinatay kaagad niya ang tawag, at pinatay na rin niya ang kanyang cellphone para hindi na ito panay tawag sa kanya. Matutulog na nga siya. Nakaramdam na rin siya ng pagod. — Kinabukasan, napatakip na lamang siya ng unan dahil sa ingay ng aso sa kabila. Umuungol siya. Gusto pa niyang matulog. Pabaling-baling siya sa kanyang hinihigaan dahil sa gusto pa talaga niyang matulog. Napabuga na lamang siya ng kanyang hininga dahil na disturbo ang tulog niya. Bumaba siya sa kanyang kama, at tumungo sa bintana. Bakit ba kasi hindi ginawang sound proof ang silid niya? Nagsisi tuloy siya. Binuksan niya ang kurtina ng bintana niya. Agad siyang napakurap nang masilaw siya sa liwanag ng araw. Nang maging okay na ang paningin niya ay akma na sana niyang buksan ang bintana nang makita niya si Isaac na kalalabas lamang sa teresa. Nakahinga siya dahil nawala na rin ang ingay. Napagdesisyon niyang binuksan ng kaunti ang bintana niya upang makapasok ang hangin ang silid niya. Tumalikod na rin siya. Napagdesisyon niyang maligo na. Tumungo sa banyo. Naghubad siya ng kanyang damit, at tumungo sa shower. Binuksan niya ang shower, at naligo na. Ilang minutong naligo sa banyo ay agad na siyang lumabas, at nagbihis. Nagsuklay na rin siya ng kanyang buhok. Nakita niya sa mesa niya na may nakalatag na breakfast niya, at gamot na kanyang dapat inumin. Napabaling siya sa bintana niya. Nakita niya si Isaac na nakaipit ang cellphone nito sa tainga nito, at may hawak din itong isang folder. Seryoso ang mukha nito habang nakikipag-usap. Dahil sa kuryuso siya ay nakatalikod na sumandal siya sa bintana, at nakinig. “About my patient, Nars Amanda. Paki-update ang pamilya ni Mr. Dalman tungkol sa operasyon niya. Kung nakapagdesisyon na ba sila. Lampas na ang due date na sinasabi ko sa kanila. Dalawang araw na ang nakalipas, at pakiramdam ko ay ayaw nilang pahabain ang buhay ng ama nila.” Naudlot ang pakikinig niya nang biglang kumirot ang ulo niya. Napahawak siya sa ulo niya, at napapikit. Napadaing siya sa sakit nang tumindi ang pagkirot niyon. “Ma’am!" Dahil sa parang piniping-pong ang ulo niya, at hindi na niya nakayanan ang sakit ay natumba na lamang siya, at nahimatay. — Nagising na lamang si Yllola na sobrang ingay ng paligid niya. Pagbukas pa lamang niya ng kanyang mga mata ay nakita niya sila Mama. Napatingin siya sa kanyang kamay, at may suwero na rin ito. Nawalan pala siya ng malay. “Salamat naman! Gising ka, anak!" rinig niya ang boses ni Mama. Hindi siya makasagot dito dahil para siyang masusuka, at nakaramdam pa rin siya ng hilo. Nakita niyang may nilapag sa hita niya si Ate Elena, at agad siyang sumuka. Naramdaman na lamang niya ang paghagod sa likuran niya. Nang mahimasmasan siya ay agad siyang binigyan ng tubig, at nagmugmog. Sumandal siya sa headboard, at agad naman inaayos ni Ate Elena ang unan sa likuran niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa silid niya. Hindi lang sina Mama, at Ate Elena ang nandito. May lalaki silang kasama sa loob ng silid niya. “Ma,” tawag pansin niya kay Mama na may kinakausap sa phone nito. Napatingin naman ito sa kanya. Kaagad naman itong nagpaalam sa kabilang linya. Lumapit sa kanya si Mama, at umupo ito sa gilid ng kama. Nanghihinang tiningnan niya si Mama. “Mabuti na ba ang pakiramdam mo, Yola?" tanong nito sabay haplos nito sa buhok niya. Umiling siya rito. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng pagod, at p*******t ng katawan. “Gusto mo bang kumain?” Umiling siya rito. Wala siyang ganang kumain. “Kumain ka kahit kaunti lang para naman may laman ang tiyan mo.” “Ma, ayoko.” Akmang aangal na sana si Mama nang biglang may sumingit sa kanila. “Tita. Miss Yola.” Napabaling ang kanilang atensyon sa nagsalita. Nakita niya si Isaac na papalapit sa direksyon niya. Kumunot ang noo niya. Bakit ito nandito? “Miss Yola, kumusta na ang pakiramdam mo?" Tiningnan niya si Mama. Hindi ito sumagot sa kanya kaya sinagot na lamang niya ang tanong ni Isaac. “Okay lang ako,” tugon niya rito. Hinanap niya ang lalaki na kausap ni Isaac. “Ito.” Napatingin siya sa nilapag nitong isang stainless container. “Nutritious food iyan para sa’yo. Maganda sa kalusugan mo, at isa pa’y para may laman din ang tiyan mo.” Nagpasalamat naman siya sa lalaki, at agad niyang pinikit ang kanyang mga mata. “Ma, bakit siya nandito?” mahinang tanong niya sa kanyang ina habang nakapikit ang kanyang mga mata. “Humingi kami ng tulong sa kanya. Mabuti naman ay wala siyang duty ngayong araw ngayon. Dumating na rin ang doktor mo kanina, at sabi niya’y bukas na bukas ay kailangan mong magpatingin.” Napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig niyang kumerereng ang phone nito. Napatingin siya sa phone nito. Nakita niyang unknown caller ito. Bumaling si Mama sa kanya. “Kumain ka, anak. Kanina ka pang umaga na walang kain.” Akmang tutugon na sana siya nang sinagot nito ang tawag. “Hello, sino ito?” tanong nito sa cellphone nito. Bumaling ito kay Isaac. “Pwedeng pakainin mo siya, Isaac?” “Sige po, Tita.” Umalis na nga si Mama, at lumabas sa silid niya. Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Isaac nang bigla itong umupo sa gilid ng kama niya. “Anong ginagawa mo?” Kung may lakas siya ngayon ay kanina pa siya nagmamaldita. “Papakainin kita.” Hinanap niya si Ate Elena. Wala na ito sa loob ng silid niya. “Kung hinahanap mo si Elena ay sumama siya sa doktor mo upang kunin ang mga gamot. Ubos na rin ang stocks mo kaya kailangan niyang sumama, at bumili. Isa pa’y hindi mo na rin kailangan pumunta sa hospital upang magpa-chemo dahil pwede mo naman gawin sa bahay.” Hindi siya tumugon dito, at tumango na lamang. “Open your mouth, Miss Yola.” Hindi siya sumunod sa sinabi nito. “Ako na,” sabi niya. Akma na sana siyang aabutin ang container mula rito nang nilayo nito sa kanya. “Hindi ako aalis dito kapag hindi ka kumain.” Napabuntong-hininga na lamang siya nang hindi pa rin ito nagpatinag. Nagpaubaya na lamang siya, at binuka na lamang ang kanyang bibig. Nakita niya ang pagsilay ng ngiti nito sa mga labi. Sinubuan na nga siya ng lalaki. Wala siyang nalasahan kung ‘di parang tubig lang. “Masarap ba?” Napatitig siya sa mga mata nito. Ngayon lang niya napansin na maganda pala talaga ang kulay kayumanggi nitong mga mata. “Hindi. Wala akong nalalasahan.” Hindi na siya magtataka kung bakit wala na siyang panlasa. Ilang araw na rin niya itong iniinda. Wala rin naman siyang magagawa kung ‘di tanggapin na lang na ganito na talaga. Tumatango-tango ito sa kanya. Hindi na rin ito nagsalita pa. Tahimik lamang siya nitong sinusubuan. Habang ngumunguya siya sa kanyang kinakain ay hindi siya tumingin dito. Ramdam nga rin niya ang tingin nito sa kanya. Kahit na wala silang imikan ay hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa mga labi na ipinagtataka niya. “Bakit ka nakangiti?” Kumibit-balikat ito. “Wala lang. Masaya lang ako ngayon.” Hindi na siya nag-usisa pa. Inabot na lamang niya ang libro, at nagbasa. Hinayaan niya itong pakainin siya. Ito naman ang nagpumilit. “Ang ganda mo talaga.” Napaangat siya ng tingin. Nakita niya na sobrang lapit nito sa kanya. Napakurap ang kanyang mga mata dahil sa titig na titig ito sa kanya. Napatda siya nang bigla nitong inabot ang kilay niya. Napatitig siya rito. Hinintay niya kung ano ang gagawin nito. Kumilos ang kamay ni Isaac. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit hinayaan niya ang binata na hawakan nito ang kanyang mukha. Hinayaan niya ang daliri nito na i-trace ang kanyang mga kilay, patungo sa kanyang ilong. Kumakabog ang puso niya sa ginawa nito. “Pwede ko bang hawakan ang mga labi mo?” Doon na siya nahimasmasan. “Umalis ka,” matigas niyang pagkakasabi rito. Hindi ito makapaniwalang napatitig sa kanya. “Hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko, umalis ka na sa silid ko!” Hindi na ito umangal pa, at lumabas na sa silid niya. Nanghahapong kinapa niya ang kanyang dibdib. Sobrang lakas niyon na parang lalabas na ang puso niya sa lakas ng pintig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD