YLLOLA
Napapangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ibon na nasa puno. Nakaupo siya sa kanyang rocking chair habang nasa hita niya ang kanyang diary. Ninamnam niya ang sinag ng araw na tumama sa balat niya.
“Ma’am Yola, nandito na po ang pagkain ninyo.”
Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig niya ang boses ni Ate Elena. Ngumiti siya rito. Dala nga nito ang tray na naglalaman ng pagkain. Napabaling ang kanyang tingin sa braso nito. May nakasampay na puting balabal, at sweater. Agad na umaaliwalas ang mukha niya nang napansin niya ang kanyang ama na nasa likuran ni Ate Elena. Nakasuot na ito ng black suit. Papasok na siguro ito sa trabaho. Nilapag na ni Ate Elena ang dala nitong tray, at agad siyang nagpasalamat dito.
Nilapag niya muna ang diary sa mesa bago tumayo.
“Pa!” Excited na sinalubong niya ito nang yakap.
“Ang baby ko!" Niyakap siya nito pabalik kaya humigpit ang pagkakayakap niya rito. Humilig siya sa dibdib nito. Naramdaman na lamang niya ang paghalik sa tuktok ng ulo niya. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
"Mabuti naman, Pa.”
"I'm sorry. Wala ako palagi sa tabi mo, anak. Gusto ko man na manatili sa tabi mo ay tambak naman ako sa trabaho.”
“Pa, it’s okay. Naintindihan ko."
Bumuntong-hininga ito. "Magpapakalusog, at magpagaling ka. Huwag mo kaming iwan ni Mama mo ah! Pupunta pa tayo sa magandang lugar na gusto mo like Paris, England, Spain, at Switzerland. Magagawa mo rin soon ang gusto mong makamit, Yola.”
Napakurap ang kanyang mga mata. Nagsisimula na naman nagtutubig ang mga mata niya.
“Papa naman!" reklamo niya sabay punas ng kanyang luha.
“Nagpa-schedule na ako para sa’yo. Sa ibang bansa ka magpapagaling. Nakahanap na ako ng magaling na doktor para sa’yo.”
"Sorry, Pa," hinging paumanhin niya. Parang may malaking bagay ang nakadagan sa dibdib niya. “Nang dahil sa akin ay nahihirapan kayo."
Bigla siyang nilayo nito, at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
"Huwag kang humingi sa amin ng patawad. Gusto lang namin ay gumaling ka. Iyan lang ang kahilingan namin ni Mama mo. Makakaasa ba kami sa’yo, baby?”
Tumango siya rito. Naiiyak na naman siya. Hindi niya alam kung matutupad ba niya ang kahilingan nito. Humugot siya ng malalim na hininga, at nagpakawala ng hangin.
Naluluha siya habang ngumiti siya rito. Ngumiti ito sa kanya, at masuyo nitong hinaplos ang buhok niya.
“Take care, okay? Kumain ka ng masustansya, at magpahinga. Huwag pagurin ang sarili mo,” paalala nito kaya tumango siya rito.
“Opo, Pa."
Akmang sasagot na sana ito nang biglang tumunog ang cellphone nito na nasa loob ng coat nito. Kinuha nito sa bulsa ng coat nito, at sinagot ang tawag.
“Hello, Mr. Jimenez? Yes. About the contract—" Huminto sa pagsasalita, at hinalikan siya ulit nito sa ulo. Sinenyasan siya nitong aalis na. Kumaway lamang siya rito. Tinalikuran na siya nito, at lumabas na ito sa silid niya.
“Ma’am Yola, halika na at kumain,” aya sa kanya ni Ate Elena.
Tumungo na siya sa teresa, at umupo. Nagsimula na siyang kumain. May mga nakalatag sa mesa niya. Egg, slice mango, strawberry smoothie, at whole wheat bread.
“Ate, pwedeng kunin mo ang cellphone ko sa drawer? Sa left side drawer,” utos niya rito.
Inabot niya ang strawberry smoothie, at ininom ito. Sumandal kaagad siya sa kanyang upuan, at inabot ang balabal na nakasabit sa katabi niyang upuan. Nilagay niya sa hita niya ang kanyang balabal. Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa kanyang balikat kaya nagsuot siya ng long sleeve, at sweater.
Bumlaik na nga si Ate Elena. Bitbit na nito ang kanyang cellphone. Binigay nito sa kanya. Nagpasalamat siya rito, at agad naman siyang naghanap ng movie para manood.
“Kukunin ko muna ang mga gamot na kailangan mong inumin, Ma’am Yola.”
Tumango siya rito. Nang makahanap siya ng magandang movie ay agad niyang kinuha ang cellphone stand, at nilagay ang cellphone niya roon. Nagsimula na rin siyang kumain, at nanood. Biglang kumirot ang dibdib niya nang makita niya kung gaano nahihirapan ang babae sa nangyayari sa buhay nito. In life, we face ups and downs. Hindi puro saya lang, at tinatakasan ang problema.
“Hey!"
Napahinto siya sa kanyang pinanood nang marinig niya ang boses ni Isaac. Hinahanap niya ito. Nakita niyang nasa teresa ito. Nakatukod ang siko nito sa railings habang may hawak itong mug. Ganito pala ito kapag naka sando lang. He looks fresh.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Napatagilid ang ulo niya. Kailan pa sila naging close para tanungin siya kung kumusta na siya?
Natawa ito sa kanya. Natigilan siya nang maalala niya ang binigay nito sa kanyang pagkain.
“Thank you pala sa binigay mo sa akin.”
He smiled at her.
"No problem as long as busog ka ay masaya na ako roon. So, hindi mo sinagot ang tanong ko sa’yo.”
"Okay naman ako.”
Umiwas na siya ng tingin dito. Hindi niya alam ang sunod na sasabihin kaya binaling niya ulit ang tingin sa kanyang pinanood.
"Balita ko, gusto mong maging professional ballerina?"
Pati ba naman ang buhay niya ay gusto nitong malaman? Napatingin siya rito.
“Paano mo nalaman?"
"Ashanti.”
Napabuntong-hininga siya. Ang daldal talaga ng kapatid niya. Pati ba naman siya ay pinagchismisan nito?
“Ah okay. Boyfriend ka ba niya?"
Napaubo ito sa diretsang tanong niya kaya bigla siyang nakaramdam nang pag-alala. Tinapik-tapik pa nito ang dibdib nito.
“Are you okay?" Napatayo siya, at lumapit sa railings kung saan katapat lang ng direksyon nito.
Nang mahimasmasan ito ay bigla nitong iwinasiwas ang kamay nito.
“Don't worry. Okay lang ako. Nabigla lang ako sa tanong mo. Hindi kami ni Ate mo. Kaibigan ko lang siya."
Kaibigan ba talaga? Napangiti siya. May feelings si Ate kay Isaac. Ang tanong, nag-confess na ba si Ate Shanti rito? Sa kapal pa naman ng mukha no’n ay hindi na siya magugulat kung umamin si Ate Shanti sa lalaki.
“Mas maganda ka pa pala kapag nakangiti ka,” diretsahang pagkakasabi nito sa kanya kaya bigla siyang naging seryoso sa sinabi nito.
Napangiwi ito.
"Ayan ka na naman. Bigla ka na naman nagmamaldita ang itsura ng mukha mo," reklamo nito.
Napailing na lamang siya rito.
“Hindi tayo close kaya salamat na lang. Hindi ko alam kung bakit feeling close ka sa akin eh hindi naman tayo magkakilala o magkaibigan.”
Bumalik na siya sa kanyang upuan, at pinagpatuloy ang naudlot niyang kinain. Pinindot niya ang kanyang pinanood.
—
Isaac
Napangiti na lamang siya habang pinagmasdan ang babae. She's actually cute. Hindi talaga ito nahihiyang sabihin sa kanya kung ano ang nasa isip nito.
“Okay! Ako pala si Isaac. Anong pangalan mo, Miss?”
Napatigil ito sa pinanood nito, at bumaling ito sa kanya. Nakita niya ang pag-angat ng gilid ng labi nito.
“Tumigil ka nga.”
Halatang ayaw talaga siya nitong makausap. Ang sarap talaga nitong asarin. Kung hindi naman niya ito inaasar ay hindi siya nito papansinin.
Naagaw ang atensyon niya nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa mesa, at sinagot ang tawag. Day off niya ngayon kaya malaya siyang gumala ngayong araw na ito.
“Helix, napatawag ka?”
Bumalik siya sa kanyang puwesto, at nakatalikod na sumandal siya sa railings.
[Wala ka bang plano ngayon?]
“Wala. May mga dapat pa akong gagawin.”
[Really?]
Kumunot ang noo niya sa tono ng boses nito.
“Bakit kakaiba iyang tono ng boses mo?”
[Balita ko, palagi kang tumatambay diyan sa teresa mo pati na rin ang nakaw tingin mo sa babaeng gusto mo.]
Napasapo na lamang siya ng kanyang noo. Hindi nito malalaman kung hindi sinabi ni
Elijah.
“I like her kaya wala naman masama kung tinitigan ko siya.”
[Alam niya na gusto mo siya?]
Umayos siya nang tayo, at humarap sa direksyon ni Yllola. Napangiti siya. Ang sarap panoorin si Yllola na nasasarapan sa pagkain nito.
“Hindi pa. Soon, sasabihin ko sa kanya. Gusto ko munang i-enjoy ang palihim na nararamdaman ko sa kanya. Unti-unti ko siyang gustong makilala.”
[That's my man!]
Nagtataka siya na biglang narinig niya ang maingay nitong background. Napailing siya. Alam na niya kung saan ito ngayon.
“Nasa bahay mo sila ngayon?"
[Yup! Kaya tinawagan kita para ayayain ka na gumala sa nightclub. Mamayang alas otso! Hindi ka na dumalaw sa club natin kaya kailangan nandoon ka rin. Isa ka nga sa may-ari ng club, pero parang wala kang pakialam.]
"Ayoko. Mas nai-enjoy ko pang nandito sa teresa kaysa sa club.”
Umingos ito.
[Huwag ka ngang kj! Nandito sina Maricar, at iba pa nating kasamahan kaya huwag kang tumanggi! Hihintayin ka namin sa Night Club.]
He groaned. Kaya ayaw niyang sumama sa gala ng mga kaibigan niya dahil sa isa niyang kasamahan doktor. Umamin si Doktora Maricar sa kanya na gusto siya nito. Matagal na siyang gusto nito noong college pa sila. Maganda ang babaeng doktora kaya lang ayaw niya. Alam niya sa sarili niya na hindi niya ito magugustuhan.
“Enough, Helix. Hindi ko siya gusto, okay? Kaya please, huwag mo akong itulak sa kanya."
[Common, man! Come, and join us!]
He sighed. “Okay, fine! I'll be there."
[Iyon oh! Pumayag na si Isaac!]
Napaikot siya ng kanyang mga mata dahil sa narinig niyang hiyawan ng nasa background. Napailing na lamang siya, at pinatay na niya ang tawag.
Bumaling ulit siya kay Yllola. Nakita niyang nagpupunas na ito ng kamay. Inabot nito ang lapis, at isang sketch pad? Alam nitong gumuhit? Mas lalo tuloy siyang napapahanga sa babae.
“Anong ginuhit mo?"
Huminto ito, at tumingin sa kanya.
“Trees, birds, clouds, and sun.”
“Why?"
Hindi siya nito sinagot bagkus ngumiti lamang ito sa kanya, at pinagpatuloy ang ginuguhit nito. Kumibit-balikat na lamang siya, at pinagmasdan na lamang niya ito. Hindi na lamang siya nangulit dito baka maiinis lamang ito sa kanya. It's better to be this way than pestering her. He’s smiling like a fool while watching her beautiful smile. Alam naman niya na ayaw siya nitong makausap kasi hindi ito sanay sa ibang tao. Introvert itong tao kaya naintindihan niya ito. Someday, unti-unti rin itong mag-open up sa kanya. Hindi man sa ngayon, pero umaasa siya na magustuhan siya nito.
“Gusto mo ba iyong smoothie?"
“Ah yes?" Napabaling ito sa kanya.
Inulit niya ang tanong dito.
Tumango ito sa kanya. " Strawberry smoothie tapos minsan naman avocado.”
“Every morning mo siyang inumin?"
“Hindi naman. Bakit ba ang daldal mo? Bakit tinatanong mo sa akin kung ano ang gusto kong smoothie?"
“Gusto ko lang malaman kung ano ang gusto mo. You know, kung interesado ako sa isang babae ay kukulitin ko talaga siya."
Tinaasan siya nito ng kilay.
“Anong pinagsasabi mo?"
He just shrugged his shoulders.
“Nothing. Sige, aalis na ako para ma-enjoy mo Naman ang kinain mo."
"Sana kanina pa,” pagsusungit nito sa kanya sabay iwas ng tingin.
Imbes na ma-offend sa sinabi nito ay natawa na lamang siya. Natulalang napatitig siya kay Yllola. Nakangiting kinunan nito ang mga ibon na nagkukumpulan sa puno. Her smile is really captivating. His gaze was fixed on her. Tinapat niya ang kanyang cellphone sa direksyon nito. Kinuhanan niya ito ng larawan habang ito’y abala sa pagkuha ng litrato, at ginawa niyang wallpaper ito sa cellphone niya.
Naka-side view ito sa direksyon niya.
—
Bandang alas site ng gabi ay agad siyang lumabas ng bahay, at dumiretso sa kotse niya. Binuksan niya ito, at pumasok na siya sa loob. Pinaandar niya ang makina. Ilang minuto lang ay agad niyang pinaharurot Ang kotse patungong nightclub. Nilagay niya ang kanyang cellphone sa car phone holder na nakadikit sa harapan niya. Binuksan niya ito. Napangiti siya nang makita niya ang mukha nito. Kahit na naka side view ito ay nakikita niya kung gaano kaganda ang ngiti Ng dalaga. Nakangiti siya habang nagmamaneho. Good mood siya ngayon dahil kinausap siya ni Yllola kahit na nagsusungit ito sa kanya. At least, hindi na ito ilang na makipag-usap sa kanya. Alam niyang hindi ito madaling makakausap. He's making every effort to speak with her. He's grinning wildly. Nakaramdam siya ng saya dahil sa nakita niya ito, at nakausap.
After twenty minutes of driving, nakarating na rin siya sa mismong club na sinasabi ni Helix sa kanya. Naghanap muna siya ng parking lot upang iparada ang sasakyan niya. Nang makaharap siya ay agad niyang hininto ang sasakyan niya sa parking lot, at kinuha niya muna ang cellphone sa car phone holder bago lumabas ng sasakyan. Tumungo na siya sa Night club.
Nang nasa tapat na siya ng
club ay sumaludo sa kanya ang bouncer, at guard.
“Boss!"
Ngumiti, at tumango siya rito. Tumungo siya sa itaas, at kung saan ang private room nila. Alam niya na doon patungo ang mga ito. Lumiko siya sa kanan. Madali lamang niyang makikita ang silid dahil nasa dulo ito, at nasa sentro. Sila lang ang makakagamit nito. May sampong VIP room sila rito sa Night club. Lahat iyon ay occupied na.
Tahimik na naglalakad siya patungo roon. Habang naglalakad papunta sa VIP, may humarang sa daan kaya napahinto siya. Nakita niya si Maricar. Maaliwalas ang mukha nito nang makita siya.
“Isaac, akala ko hindi ka darating.”
"Wala akong choice rito dahil kay Helix."
Bigla na lamang itong umabrisyete sa kanya.
"Maricar," pagod niyang pagtawag sa pangalan nito. Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakaabrisyete nito sa kanya.
Narinig niya ang pag-ismid nito.
“Palagi mo na lang akong binabalewala, Isaac,” nakasimangot nitong sabi sa kanya kaya napabuntong-hininga siya.
"Alam mong hindi kita gusto, Maricar."
Pagod niyang tinitigan ito. Nakapameywang ba ito sa harapan niya.
“I know. I just want to try, okay? Bigyan mo naman ako ng pagkakataon, Isaac.”
“Ayokong isisi mo sa akin kung bakit nasaktan ka sa bandang huli. Una pa lang, sinabi ko na sa’yo iyon. Ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo para sa akin,” pagtitimpi niyang sabi. Nauna na siyang naglalakad patungo sa silid na iyon.
Narinig niya ang yapak nito na nakasunod sa kanya. Hindi na niya ito pinansin dahil pagod na siyang intindihin ito. Ilang ulit na nitong pinipilit ang sarili nito sa kanya. Ayaw niyang umaasa ito sa wala. She deserves someone better.
Huminto na siya sa tapat ng pinto. Akma na sana niyang bubuksan nang magsalita ulit ito.
“Bakit ayaw mo sa akin?"
“I like someone else, Maricar," diretsahan niyang sagot.
Narinig niya ang pagsinghap nito.
“Who is she?"
Hindi na niya ito sinagot, at pinihit na niya ang doorknob. Pumasok na sa loob. Bumungad sa kanya ang mga kaibigan niya. Ang laki ng ngiti ni Gregg habang may katabi itong isa sa kamahan nilang doktora. Apat na lalaki ang nasa loob ng silid, at apat na babae kasama na si Maricar. Mga kasamahan nila ngayon ay mga doktor.
Tumungo siya sa bakanteng upuan, at umupo na. Tumabi sa kanya si Helix na parang baliw kung nakangiti sa kanya. Inabot nito ang isang boteng alam, at nilagyan ang walang baso na nasa harapan niya. Nilapag niya sa mesa ang cellphone niya. Bigla na lamang itong umilaw. Bumungad sa cellphone niya ang mukha ni Yllola. Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Helix.
“Wait! Si Yllola iyan!"
Ngumiti siya rito sabay abot ng baso na nilagyan nito ng alak.
“Yes!" proud na proud niyang sagot dito.
“Talagang hindi na mapipigilan ang pagkahumaling sa kanya.”
Kumibit-balikat siya, at nilagok ang alak. Sumandal siya sa upuan, at naka dikwatro.
“Sino si Yllola, Isaac?!" galit na tanong sa kanya ni Maricar. "Maaari mo bang bigyan pansin ang nararamdaman ko, Isaac?”
Here we go again! Napansin niya ang pamumula ng mga mata nito. Kaya nga ayaw niyang nandito siya dahil nandito ang babaeng ito. Tumingin siya kay Helix. Alam na nito ang gagawin. Uminom na lamang siya ng alak, at inabot ang cellphone niya sa mesa.
“Ano ba!" sigaw ni Maricar nang hinila na ito papalabas ni Helix.
Mga ilang minuto na lamang ay bumalik si Helix. Napapailing na lamang itong lumapit sa kanya.
“Pati ako nadamay sa babaeng nagkagusto sa’yo!"
Imbes na pansinin ang sinabi nito ay iba ang sinabi niya rito na ikinabigla nito.
“Helix, can you give me her number?"
“What?! Akala ko ba naging close na kayo? May pagkain ka pang bigyan tapos—"
Napatigil ito sa pagsasalita nang binato niya ito ng unan sa mukha. Natatawang sinalo naman nito iyon.
“Ibigay mo na nga sa akin. Ang dami mo pang satsat!”
Nangingiting sumandal ito sa upuan nito, at nakadipa pa ang isang kamay nito.
“Bakit nga?!" pangungulit nito.
Nasisiyahan na lamang si Gregg na pinagmasdan silang dalawa ni Helix. Pati na nga ang ibang kasamahan nila ay natatawa na lamang sa kanila.
“You know what I mean."
Napangisi na lamang ito sa kanya, at agad nitong inabot ang cellphone sa mesa.
“Hulog ka na nga sa kanya,” natatawang wika ni Helix sabay bigay nito phone number ni Yllola.
“Sino si Yllola?” nagtatakang tanong ni Gregg.
"Kapatid ni Ashanti."
Hindi ito makapaniwalang napatitig sa kanya.
“Oh common!"
Napailing na lamang siya, at agad niyang tinawagan si Yllola.
Ilang segundo ay sumagot ito sa kanya.
[Hello, sino ito?]
Para siyang tuod. Hindi siya agad nakatugon dito. Sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya ay hindi na siya mapakali.
F-ck! Why now?!