Yllola
Itinaas niya ang kanyang kamay. Binibilang niya ang kumikislap na mga bituin sa kalangitan. Napangiti siya. Maganda talaga pagmasdan ang mga bituin sa langit.
Pinikit niya ang kanyang mga mata. Alam niya na wala ng pag-asa na bumalik ang dating siya. Iyong masigla ang pangangatawan. Kahit na anong treatment ang ginawa sa kanya ay wala pa rin epekto. Habang tumatagal ay humihina ang kanyang pangangatawan. Ramdam niya, at alam niya kung ano ang nararamdaman niya ngayon.
Malungkot siyang ngumiti habang nakatingala siya. Hiding the sorrow behind a smile.
Pain is steadily digging into her body, soul, and heart, causing her to weaken.
Bakit? Bakit pakiramdam ko hindi ako sigurado kung saan ako nararapat?
Panginoon, gusto kong maging masaya ang pamilya ko. Kapag nasasaksihan ko ang kanilang kalungkutan habang nakatingin sa kanila, hindi nila alam kung gaano kakilakilabot ang nararamdaman ko tungkol doon. Maaari mo bang wakasan ang paghihirap na ito? Could you please make them happy while I'm gone? I despise being like this. I resent myself for making them sad and hurt because of me.
Tumulo ang kanyang luha habang sinasabi iyon.
She cried for mercy. Mercy to end her suffering. Napatakip siya ng kanyang bibig, at napaubo.
“Ma’am Yola, pumasok ka na po. Malamig sa labas kaya nakakasama sa kalusugan mo.”
Ramdam niya ang pagkabahala sa boses nito. Alam niyang mag-alala lamang ito sa kalusugan niya.
Nararamdaman na lamang niya ang paglagay nito ng balabal sa balikat niya.
“Salamat, Ate Elena.”
"Kagagaling ninyo lamang po sa sakit tapos dito ka pumunta. Mas lalo mo lang sinasagad sarili ninyo.”
Bumuntong-hininga siya.
"Sorry," sinsero na humihingi siya ng pasensya. “Baka hindi ko na kasi magawa ito, Ate Elena.”
Rinig niya na humugot ito ng malalim na hangin.
“Magagawa mo rin ang gusto mong tuparin, Ma’am. Huwag ka pong panghinaan ng loob."
Ngumiti lamang siya rito, at napagdesisyon na lamang na babalik na sa loob.
“Pasok na po tayo, Ate,” aya niya rito.
Tumayo siya, at inaayos niya muna ang kanyang balabal bago siya nagsimulang naglalakad patungo sa bahay. Ramdam din niya na sumunod din ito sa kanya.
Tahimik na naglalakad sila patungo sa bahay. Napatigil siya sa paglalakad dahil pakiramdam niya’y may nakatingin sa kanya.
“Okay lang ba kayo, Ma’am Yola?"
Napatingin siya kay Ate Elena. Napatigil rin ito sa paglalakad. Puno ng pagtataka ang namumutawi sa mukha nito. Ngumiti siya rito.
“Okay lang ako, Ate. Mauna ka na pong pumasok, at susunod lamang po ako sa inyo.”
Tumango ito sa kanya, at nauna na ngang naglalakad patungo sa bahay.
Kaya lumilinga siya sa paligid. Huminto siya nang makita niya ang lalaki sa kabilang bahay. Nasa teresa ito. Hindi ito si Isaac. Nasisinagan ito ng buwan kaya nakita niya na ngumiti ito, at itinaas ang hawak nitong baso. Kamukha nito si Isaac. Kapatid ba ito ni Isaac? Siguro kasi malaki ang resemblance ng dalawa.
Umiwas na lamang siya ng tingin, at sumunod na kay Ate Elena.
Kinabukasan, agad siyang ginising ng kanyang ina upang magpa- chemotherapy ulit. Ilang session na lang ay alam niyang matatapos na niya ang paghihirap niya.
“Maligo ka na dahil session mo na ngayon. Maghihintay ako sa’yo sa ibaba.”
Papungas-pungas siya ng kanyang mga mata habang bumaba sa kama niya.
"Ma, saan si Papa?"
“Kakaalis lamang niya, anak. Pumasok siya sa silid mo kanina, at nakita ka niyang tulog pa kaya hindi ka na niya ni disturbo sa pagtulog mo.”
Tumango siya rito. “Sige po, Ma. Maliligo na po ako."
Tumayo na siya, at tumungo na sa banyo. Siguro, kalahating oras din siyang natapos sa pagligo kasama na iyong pag-aayos sa kanyang sarili. Lumabas na rin siya sa kanyang silid, at bumaba na. Nagsuot kaagad siya ng mask bago siya bumaba sa hagdan. Nakasalubong niya si Josephine na paakyat sa hagdan. Binati siya nito.
“Magandang umaga, ma’am,” nakangiting bati nito sa kanya.
“Magandang umaga rin, Ate,” tugon niya bago tuluyan na bumaba sa hagdan.
Pagkababa niya ay nadatnan niya si Mama na naghihintay sa kanya sa sala. Napatayo ito nang makita siya.
“Ready ka na?"
Tumango siya rito. Inabot nito ang kanyang kamay. Magkahawak-kamay silang naglalakad palabas ng bahay. Kaagad niyang nakita si Manong na naghihintay sa kanila. Pinagbuksan kaagad sila ng pinto ng kotse, at pumasok na rin sila sa loob ng kotse. Pinaandar na rin ni Manong ang kotse patungo sa hospital.
Humilig kaagad siya sa balikat ng kanyang ina. Napatingin siya sa kamay nito nang inabot nito ang kanyang kamay. Mahina nitong tinapik ang likod ng kanyang palad.
“Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?”
“Okay naman, Ma,” tugon niya, at kaagad niyang pinikit ang kanyang mga mata dahil nakaramdam siya ng antok.
Naramdaman na lamang ang pag-akbay nito, at paghaplos nito sa kanyang buhok. Napangiti na lamang siya sa paghalik nito sa kanyang ulo.
“Hold on, anak. Huwag kang susuko dahil alam namin na hindi ka pababayaan ng Diyos.”
Hindi siya tumugon dito dahil hinihila na siya ng antok.
Naramdaman na lamang niya ang mahinang tapik sa pisngi niya. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanyang tingin si Mama.
“Ilang oras akong nakatulog, Ma?”
Ngumiti ito sa kanya, at inaayos nito ang magulo niyang buhok.
“Mga kalahating oras, anak. Kaya okay lang kasi may ilang minuto naman tayo bago ang appointment mo.”
Humihingi siya ng sorry dito dahil sa paghihintay sa kanya.
" Sorry. Naghintay tuloy kayo nang matagal dahil sa akin."
“It's okay," malumanay nitong sabi sabay tapik sa palad niya.
Lumabas na nga ito ng kotse.
"Halika na?" aya ni Mama sa kanya.
Tumango siya rito. Inaayos niya muna ang kanyang sarili bago lumabas ng kotse. Agad siyang hinawakan sa kamay ni Mama, at inakay patungong ospital.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Napahinto siya ng tingin sa hardin. A year ago, nandito siya sa hardin upang mag-practice ng ballerina. Every month ay may check up sila sa doktor kaya palagi silang nandito.
She sighed. Isang taon na rin pala nang nawala ang kanyang ballerina bracelet na bigay ng iniidolo niya. Bumalik siya noong oras na nawala iyon, pero hindi na niya nakita pa. Kung nasa mabuting kamay ang bracelet niya ay nagpapasalamat siya sa kung sino ang nakakita.
Umiwas na lamang siya ng tingin sa hardin, at tinuon na lamang ang kanyang tingin sa kanyang nilalakaran. Pagkapasok nila sa hospital ay dumiretso agad sila sa oncology ward.
Nang nakarating sila sa nursing station ay agad silang tinanong ng nars.
“May appointment po ba kayo, ma’am?"
“Oo, nars. 9 am ang appointment namin kay Dr. Choa for chemo ng anak ko,” tugon ni Mama sa kausap nitong nars.
“Pangalan po ng pasyente?”
“Yllola Hernandez,” tugon niya.
“Teka lang po, Ma’am. Hahanapin ko lang po ang pangalan ninyo.”
May tinipa ang nars sa keyboard nito. Mga ilang segundo lamang ay agad din itong nagsalita.
“Infusion Area Room 3. Pumasok na po kayo roon, at tatawagin ko na po si Dr. Choa na nandito na po kayo.”
“Thank you, nars.”
Kasama niya nga si Mama patungong infusion area. Naglalakad sila sa hallway. Napatingin siya sa dinadaan nilang hospital room. Nakita niya ang iilang pasyente sa loob. May matanda, bata, at kaedad nila Mama.
Huminto sila sa tapat ng pinto kung saan ang room 3. Binuksan niya ang pinto, at pumasok na sa loob.
Humarap siya kay Mama.
“Ma, gumala ka muna. Balikan ninyo muna ako rito."
Bumuntong-hininga ito.
"Gusto kitang samahan kaya hayaan mo akong samahan ka."
Tutugon na sana siya nang makarinig sila ng tikhim mula sa likuran nila. Napalingon siya. Nakita niya ang kanyang doktor.
“Good morning, Ms. Hernandez, at sa’yo rin Mrs. Hernandez,” nakangiting bati ni Dr. Choa.
Napangiti siya nang makita niya ang kanyang doktor.
“Dr. Choa, magandang umaga rin sa’yo."
Ngumiti ito sa kanila kaya naningkit ang mga mata nito.
"Magsimula na tayo?"
Tumango siya rito, at umupo na kaagad sa recliner. Nakita niya ang pagpasok ng isang nars. Tulak-tulak nito ang dressing trolley. Nakita niya ang isang blood bag, at iba pang kagamitan.
“Good Morning, Miss Hernandez," bati sa kanya ng nars nang makalapit na ito sa kanya.
Ngumiti siya rito, at binati niya ito pabalik.
"Ready?" tanong ni Dr. Choa sa kanya kaya tumango siya rito.
—
ISAAC
Tutok ang kanyang atensyon sa monitor kung saan pinag-aralan niya ang sakit ng isang pasyente niya. Mamaya ay may surgery siya kaya habang naghihintay ay inaaral niya ulit. Hindi pwedeng magkamali dahil nakasalalay ang buhay ng pasyente niya. Isang maling galaw ay malaki ang pinsala.
Napatigil na lamang siya ng may kumatok sa pintuan niya. Nakita niya na nasa bungad ng pinto ang assistant nurse niya.
“Dok, papasukin ko na po ba ang last check-up po ng patient ninyo?”
“Name?”
“Leo Kim,” sagot nito.
Inabot niya ang isang folder, at hinanap niya ang pangalan na Leo Kim. Nang mahanap na niya ay kaagad niyang nilagay sa harapan niya.
“Papasukin mo na,” sabi niya sabay buklat ng folder.
Napatango-tango siya.
“Good Morning po, dok.”
Napaangat siya ng tingin. Nakita niya ang pasyente niya.
“Good Morning, Mr. Kim?”
“Yes po. Ako nga po.”
"Umupo ka." Sinenyasan niyang umupo ito sa tapat ng mesa niya kung saan may upuan.
"Mr. Kim, sa nabasa ko sa symptoms mo ay palagi kang sumusuka, diarrhea, at sumasakit ang tiyan mo." Tumayo siya, at nilapitan niya ito. "I-check mo na natin ang blood pressure mo, body temperature, at heartbeat mo, Mr. Kim."
Kaagad niyang kinuhanan ito ng blood pressure pati na rin ang mga dapat niyang i-check dito bago siya mag-perform ng endoscopy dito. Normal ang blood pressure nito pati na rin pulse rate nito. Wala rin itong lagnat. Bumaling siya sa assistant nurse niya.
“Pakihanda ang examination room dahil mag-perform ako ng endoscopy ngayon,” utos niya sa nars, at agad naman itong sumunod.
"Ilang araw mo ng iniinda iyan?" Tanong niya habang kinuhanan ito ng blood pressure.
"Pangatlong araw ko na po ito."
Napatango-tango siya. Nang matapos niyang kuhanan ang BP, at vital signs nito ay agad niya itong inaya.
"Halika? Kailangan kitang i-examine kung ano nga ba ang dahilan ng iniinda mo ngayon. Okay lang ba sa’yo iyon, Mr. Kim? Endoscopy test."
“Kung ano po ang makakapagpagaling sa akin ay gawin ninyo po, dok.”
Tumungo sila sa examination area.
“Kailangan kong tingnan ang nasa tiyan mo kung ano ba ang puno't dulo ng iniinda mo ngayon, Mr. Kim," wika niya. "Humiga ka na, at magsisimula na po tayo."
Humiga na nga ito, at siya naman ay umupo kaagad sa upuan na nasa gilid lamang ng hinigaan nito.
"Endoscopy po ang gagawin po ang gagawin natin ngayon, Mr. Kim. Kaya tumagilid kayo paharap sa akin."
"Endoscopy? Ano po iyon, dok?"
"Endoscopy po ay isang test kung saan tingnan natin ang nasa loob ng katawan mo. Mahaba at manipis na tubo na may maliit na camera sa loob, na tinatawag na endoscope. Kailangan kong makasigurado kung ano ang cause ng iniinda mo ngayon, Mr. Sisimulan na po ba natin?”
“Okay, dok.”
Nagsuot muna siya ng gloves bago niya inabot ang endoscope.
“Ibukas mo ang bibig mo, Mr. Kim.”
Hinawakan ng nars ang ulo ni Mr. Kim. Nang bumukas ang bibig nito ay agad niyang pinasok ang tubo sa bibig nito. Tiningnan kaagad niya ang monitor. May nakita siyang parasites sa tiyan nito. Hindi lang dalawa kung ‘di apat.
“Umiling ka lang, at tumango kapag tinanong kita, Mr. Kim.” Tumingin siya rito. “May kinain ka ba na hindi mo maayos na hinuhugasan, Mr. Kim?”
Parang napaisip ito.
“Like berries?”
Ilang segundo ay sumagot ito sa kanya.
“Strawberry, at blackberry, dok.”
Tumatango-tango siya rito, at tinapos na rin niya ang pag-eksamin sa tiyan nito.
“Bibigyan kita ng resita upang mawala ang parasites na nasa loob ng tiyan mo. Isa pa, kailangan ko rin ng stool test para malaman kung mayroon pa bang komplikasyon.”
Nang matapos siya ay agad niyang isinulat ang gamot sa resita nito, at binigyan niya rin ito ng stool bottle.
“Mebendazole 100 mg. Dalawang beses sa isang araw para sa tatlong magkakasunod na araw ninyo po siyang iinumin. Kaya huwag niyo pong kaligtaan o kalimutan. Balik po kayo after three days. Dalhin ninyo rin iyong stool ninyo, Mr. Kim.”
“Salamat, dok.”
Ngumiti siya rito.
"Walang anuman po, Mr. Kim.”
Nagpaalam na rin ito na aalis na. Binalik na rin niya ang kanyang atensyon sa monitor. Napatingin siya sa kanyang wristwatch. Isang oras na lang ay surgery na niya kaya may oras pa siyang i-review ang medical case ng pasyente niya.
Tumayo na siya, at lumabas na sa kanyang clinic. Pagkalabas niya ay may nakasalubong siyang nars.
“Good Morning, Dr. Rivera," maaliwalas ang mukhang bati sa kanya ng nars.
" Good Morning.”
Ilang mga nars, at doktor ang bumabati sa kanya, at binati rin niya pabalik. May iilan niyang pasyente, at pamilya ng pasyente niya na binabati siya.
Everything is going smoothly these days. Kahit pagod ay napapangiti siya ng mga pasyente niya.
Napataas ang kilay niya nang makita niya si Helix na nasa nurse station. Lumapit siya rito. Abala ito sa pakikipag-usap sa nars. Habang papalapit siya ay narinig niya na may binibigay itong instructions sa nurse.
“Isang oras na lang ay matatapos na rin si Miss Hernandez. Alam mo na ang gagawin, di ba? May pasyente pa akong dapat puntahan kaya ikaw na ang bahala.”
“Okay po, dok."
" May schedule next month si Miss Hernandez, ‘di ba? Ibigay mo rin sa akin ang patient information mamaya para bukas ay ready na.”
“Noted, dok."
Nang matapos nang mag-usap ang dalawa ay tumikhim siya. Napatingin sa kanya ang dalawa. Inaayos naman kaagad ni Helix ang salamin nito. Napangiti ito nang makita siya.
“Saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya.
“Canteen," tipid niyang tugon dito.
"Luckily, nakita kita. Napag-alaman ko mismo kay Gregg ay gusto mo ang bunsong anak ni Mr. Hernandez.”
Naniningkit ang mga mata niya sa makahulugang ngiti na namumutawi sa mga labi ng kaibigan niya.
“Kailangan ko pa bang sabihin sa inyo iyan?"
Napangiti ito, at natawa sa sagot niya.
"Hindi na. Sa kilos mo pa lang ay halata na."
“Saan siya?" he asked.
Gusto niyang makita si Yllola.
Napataas ito ng kilay sabay tanong, “Why?”
“You don't need to know."
"Wow!” Tumatango-tango ito. "Akala ko’y si Miss Ashanti ang gusto mo. Iyong kapatid niya pala. You have a good taste, Isaac. Nasa room 3.”
“Thanks!”
Tinalikuran na niya ito, at naglalakad patungo sa canteen. Lumiko siya sa kanang bahagi dahil nandoon patungo ang canteen. Ilang minutong paglalakad ay nakarating siya sa kanyang patutunguhan. Bumili kaagad siya ng makakain para kay Yllola, at sa kanya. Isang chicken sandwich, at isang coffee para sa kanya. Lentil soup, strawberry, at banana naman para kay Yllola. Namimili rin siya na kailangan din nitong inumin. May nakita siyang ginger tea kaya kumuha siya ng isang
Nang matapos siyang makapili ng bibilhin niya ay agad na siyang pumunta sa counter. Nilapag niya ang binili niya sa counter.
“Ito na po ba lahat ang bibilhin ninyo, dok?”
Napatingin siya sa mga nakahilira na nasa harapan niya. Nakita niya na may ginger tea kaya kumuha siya ng isang box.
“Miss, isama mo rin ito.” Nilapag din niya sa pinamili niya ang isang box ng ginger tea. “May thermo flask ka ba para ginger tea?”
“Yes po, dok."
" Pakilagyan na rin ng mainit na tubig, Miss.”
Tinalikuran na siya nito. Umalis na sa kanyang harapan upang kumuha ng thermo flask, at mainit na tubig. Naghintay lamang siya ng ilang minuto ay bumalik na ito. Bitbit na nito ang thermo flask.
“May gloves kayo?"
“Yes, dok. Isang box po ba?"
"Yes, please?”
Kaagad niyang inabot ang box, at binuksan ito. Kumuha siya ng dalawang gloves, at sinuot sa kamay. Inabot niya rin ang box ng tsaa. Kumuha siya ng dalawang tea bag, at tinanggal niya ang papel na nakakabit dito. Nilagay kaagad niya sa loob ng thermo flask ang tea bag. Nang matapos siya ay agad niyang binayaran ang pinamili niya, at umalis na. Bitbit na niya ang dalawang paper bag habang naglalakad papalabas ng canteen.
Tumungo siya sa chemo ward upang puntahan ang room 3. Nakangiti siyang naglalakad patungo roon. Alam niya na para siyang baliw kung nakangiti. Wala eh. Makikita na naman niya si Yllola.
“Ang ganda ng ngiti natin, Dok Rivera!"
Ngumiti lamang siya sa komento ng nakasalubong niyang doktor. Patuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa nakarating na rin siya sa tapat ng infusion area. May lumabas na isang nars kaya tinawag niya ito.
“Nars, pwede mo bang ibigay kay Miss Hernandez ito?" Pinakita niya ang bitbit niyang paper bag.
“Sure, Dok Rivera."
Napataas ang kilay niya sa makahulugang ngiti nito.
“Girlfriend mo, dok?"
“I wish."
Mahina itong natawa. Binigay niya rito ang paper bag, at nagpasalamat dito.
Bumalik na ito sa loob. Bitbit na nito ang paper bag. Nakapamulsang sumilip siya sa bilog na bintana ng pintuan. Nakita niya si Yllola na nakapikit.
Nang makalapit na ang nars kay Yllola ay nagising ito. May sinabi ang nars kay Yllola, at agad na tumingin ito sa pinto. Ngumiti siya rito, at tumalikod na.
—