CHAPTER 5

1642 Words
ISAAC Napabuntong-hininga na lamang siya nang umiwas siya ng tingin sa dalaga. Gusto niyang ibsan ang sakit na nararamdaman nito, pero alam niyang hindi niya magawa iyon. Sa pagkarinig niya ay hindi na epektibo ang gamot na iniinom nito. “Ano ba ang sakit niya?" tanong niya nang makababa na sila sa hagdan ni Ashanti. “Brain tumor ba?" sunod niyang tanong dito sabay tingin dito. Mabigat na nagpakawala ito ng hininga. "Yes. Hindi namin malalaman kung hindi namin nakita ang resulta galing sa ospital,” mahinang wika nito. Iyong pananalita nito ay halatang pinipilit nitong hindi umiyak sa harapan niya. “Pwede kang umiyak, Ashanti.” Napatitig ito sa kanya. Namumula ang mga mata nito, at may namumuong luha. Kahit hindi nito sabihin ay ramdam niya na nasasaktan ito. Malungkot na ngumiti ito sa kanya. “Maraming nagbago simula nang magkaroon siya ng sakit, Isaac. Ang masayahin, at madaldal kong kapatid ay naging aloof na sa lahat. Bata pa siya, Isaac. May gusto pa siyang dapat makamit, pero dahil sa traydor niyang sakit ay hindi na niya magawa.” Napabuntong-hininga siya. “Ano ba ang gusto niyang makamit?" “She wants to be a famous ballerina, Isaac. Alam mo dahil sa iniidolo niya ay ginawa ang lahat upang mapansin siya? Dahil sa pagpupursige niya ay napansin siya ng isang famous ballerina, at iyon ay binigyan siya ng chance na sumali. Binigyan din siya ng regalo, at iyon ay ballerina bracelet. Paano niya magagawa iyon kung bigla na lamang naudlot iyon dahil sa sakit niya?" Ballerina bracelet? Natigilan siya. It's the same woman he saw a year ago. Ang babaeng malayang sumasayaw na parang nasa sariling mundo sa mismong hardin ng ospital. Nakita niya ito sa mismong bintana ng clinic niya. Tinapik niya ang balikat nito. Hindi nila hawak ang tadhana nila kaya kung ano ang plano ng Panginoon ay talagang hindi nila iyon mababali. “That's her fate." Pagak itong natawa. "Fate? Can we change our fate?” "No. Kailangan natin tanggapin na hindi natin hawak ang kapalaran natin." Nagpahayag siya ng isang katotohanan. Tumingin ito sa kanan, at nakita niya na tinaas nito ang kanang kamay. Kinuha niya ang kanyang panyo sa bulsa niya. “Here." Kinuha niya ang kamay nito, at nilapag ang hawak niyang panyo sa kamay nito. Nagpasalamat naman ito sa kanya, at agad nitong pinunasan ang basang pisngi nito. Akmang magsasalita na sana siya ay biglang may tumatawag sa kanya. Iyon ay isa sa kasamahan niyang doktor. Napatingin siya kay Ashanti. “Work." “Maaari kang umuwi, Isaac. Sagutin mo na rin iyan baka importante." Tumango siya rito, at nagpaalam na. Pagkabalik niya galing sa bahay ng mga Hernandez ay agad siyang dumiretso sa teresa. Bitbit niya ang pinag-aralan niyang medical case sa isang pasyente niya, cellphone, at ang laptop niya. Nilapag niya ang kanyang mga gamit sa bilog na rattan table, at umupo na. Magsisimula na sana siyang basahin ang kaso ng pasyente niya ay narinig na lamang niya ang pangalan na Yola. “Yola! Anong ginagawa mo riyan? Alam mong gabi na, at malamig ang simoy ng hangin. Baka magkakasakit ka niyan." Kaagad siyang napatayo, at lumapit sa railings upang makita niya si Yola. Napangiti siya nang makita niyang nakaupo ito sa duyan. Nakatingala ito sa langit. Tinaas nito ang kanang kamay, at halatang binibilang nito kung ilan ang mga bituin. Sumilay ang ngiti niya sa labi habang pinagmamasdan niya ito. “Interesado ka ba sa kapatid ni Ashanti, Kuya?" Muntik na siyang mapamura sa gulat dahil sa pagsulpot ng kanyang kapatid na lalaki. His younger brother Elijah. Hawak niya ang kanyang dibdib, at masamang tiningnann ito. “Bakit ka ba biglang sumulpot?” Natawa ito sa kanya. “Kuya, kanina pa ako rito. Kanina rin ako nagsasalita, pero hindi mo ako pinapakinggan.” He snorted, and rolled his eyes. “Yeah, right." Nakapamulsa ang kanang kamay nito, at ang isang kamay naman nito ay may hawak na beer can. Lumapit ito sa railings, at ilang layo lamang ang distansya nila. “Hindi mo sinagot ang tanong ko, Kuya.” Salubong ang kilay niya. Nagtataka siyang tiningnan ang kanyang kapatid. “May tanong ka ba?” Humalakhak si Elijah, at itinuro ang daliri sa kung saan. Tiningnan niya kung saan ang tinuro nito. “It’s obvious, Kuya.” Elijah smiled as if he knew something. “Gusto mo siya.” Ngumiti siya kay Elijah. Hindi siya tumugon o sumang-ayon sa sinabi nito. Tumingin na lamang siya sa dalaga na nasa duyan pa rin habang nakatingin sa langit. Bumalik na lamang siya sa kanyang kinauupuan, at pinagpatuloy ang kanyang pagbabasa sa kaso ng kanyang pasyente. Hindi na niya pinapansin si Elijah na nasisiyahan sa iniinom nito. Inaabala na lang ang kanyang sarili sa pagbabasa. “Kuya." "Hmmm?” tugon niya habang hindi pa rin tumingin dito dahil abala siya sa kanyang binabasa. May mga nakalatag pa na suturing kit, at suturing pad sa mesa. Pati na rin ang iba pang files na kailangan niya rin matapos. “Kilala mo na ba ang babaeng gusto nila Mama para sa’yo?” Natigilan siya. Bakit ba nawala sa isip niya ang tungkol doon? Napatingin siya sa kapatid niya. “Hindi. Bakit?” Tinigil niya muna ang pag-aaral niya sa kaso ng pasyente niya. May maliit na ngiti ang nakarehistro sa mga labi nito, at nakatutok ang atensyon nito sa ininom nito. “Papayag ka ba na maikasal sa hindi mo gusto?” Natawa siya rito. “May magagawa ba tayo?” “Wala.” Sumimangot ito. “Para naman kasi sa atin iyon,” nakangiting tugon niya, at binalik ulit ang kanyang atensyon sa kanyang binabasa. “Para sa atin? Hindi ba nila naisip na maaari tayong magkagusto sa ibang babae? Hindi nila hawak ang nararamdaman natin, Kuya." "So?” Wala naman kasing masama kung ang pamilya niya ang mamili. Wala rin naman siyang plano na makipag-date sa iba kasi busy din siya. Gusto niya iyong hindi nagging wife o di kaya nakikialam sa buhay niya. "Hindi ka ba against sa desisyon nila?” Kumibit-balikat siya, at tumayo na. Kinuha niya ang mga nakalatag sa mesa. Sa silid na niya tatapusin ang trabaho niya kasi may maingay dito. Hindi niya matapos-tapos ang trabaho niya. Tinalikuran na niya ito nang matapos niyang nakuha ang gamit gamit niya. “Saan ka pupunta, Kuya?” "My room.” Pumasok na siya, at hindi na hinintay ito. Nilapag kaagad niya sa study table niya na nasa kanan ang mga nitbit niyang gamit. Umupo kaagad siya, at pinagpatuloy ang naudlot niyang pagbabasa. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi nito. Gusto niya ba talaga ito? Yes. Alam niya kung ano ang nararamdaman niya. Kilala niya ang kanyang sarili. Kailangan pa ba niyang sabihin kung halata naman na interesado siya sa babae? Mas lalo lamang siyang natuwa nang malaman niya na ito ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Interesado siya rito, at iyon ay matagal na. Hindi niya akalain na ito ang may ari ng bracelet na nahulog nito sa mismong hardin. FLASHBACK Nasa tapat siya ng bintana niya. Maraming nakadikit sa dingding tungkol sa pasyente niya. Hindi na rin kasi kasya sa whiteboard niya dahil may mga nakadikit din roon, at sino-solve niya kung paano mapabilis, at maging successful ang operasyon niya sa kanyang pasyente. Bawat oras ay mahalaga sa kanya. Hawak niya ang kanyang ballpen habang nilalaro niya ito sa kanyang labi. Naagaw ang kanyang atensyon sa mismong babaeng malayang sumasayaw sa hardin. Sumasabay din ang tuwid, at itim nitong buhok habang sumasayaw nito. Hindi niya namamalayan na natulala na pala siya habang nakatanaw sa dalaga. Kung hindi lamang may tumikhim mula sa kung saan kaya hindi niya iyon namamalayan. “Dr. Rivera, ang laki ng ngiti natin ah,” sabi ni Dr. Saavedra na may halong pang-aasar. Isa ito sa kaibigan niyang doktor. Nasa gilid na pala niya ito. Ang laki ng ngiti na para bang may misteryoso sa ngiti niya. Tumikhim siya, at iniba ang tingin niya. “Now, I know." Hindi niya ito pinansin, at hindi rin siya tumugon dito. Halatang inaasar siya, at ayaw na niyang patulan pa. "Magaling talagang ballerina ang isa sa pasyente ko, Isaac.” "So?” tipid niyang tugon dito habang inaalisa niya ang binilugan niyang papel na nakadikit sa dingding. "Puntahan ko siya, at sabihin na natulala ka sa ganda niya.” Walang pagdadalawang-isip na inabot niya ang isang folder, at hinambalos sa ulo nito. “Tungaw. Huwag ka ngang gumagawa ng kuwento.” Umismid ito. " Hindi raw. Hindi naman halata sa mga mata mo na kulang na lang luluwa na sa kakatitig sa diwata.” Napahilot siya sa kanyang noo sabay sabi, " Oh! Shut up!” Natawa na lamang ito, at umalis na. Narinig niya ang pagsara ng pinto niya. Napabuha na lamang siya ng hininga nang wala— “Isaac, I will tell her that you like her!” Inabot niya kung ano ang nadampot niya, at binato ito. Natatawang sinara nito ang pinto kaya hindi na ito natamaan. Bakit ba hindi niya sinara ang pinto? Oh common! Doktor siya, at wala siya sa bahay para isara ang pintuan niya. Walang araw na hindi siya nito binubuwisit. Bumaling na lang siya ulit sa bintana niya. Pagkakita niya sa dalaga ay nakita na lamang niya na papaalis na ito. Napansin niya’y may nahulog mula sa palapulsahan nito. Malapit sa malaking puno ito nahulog. Umalis na ito, at hindi man lang nito napansin na may nahulog. Kaya napagdesisyonan niyang lumabas sa clinic, at tumungo sa hardin. Natagpuan niya na wala na ito. Hinanap niya ang nahulog nitong bracelet. Natagpuan niya malapit sa puno ang bracelet. Ballerina bracelet ito. Kaagad niyang hinanap ang babae, pero hindi na niya ito natagpuan. End of Flashback Si Yllola, ang may ari ng ballerina bracelet na natagpuan niya sa mismong hardin ng hospital na tinatrabahuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD