ISAAC
Pagpasok niya sa gate ng mga Hernandez ay sinalubong kaagad siya ni Ashanti. Bigla itong umabrisyete sa kanya. Nabigla siya sa ginawa nito. Napatingin siya sa kamay nitong nakaabrisyete sa braso niya.
“Buti na lang dumating ka. Akala ko’y tatanggi ka sa pag-aya ko sa’yo. Ilang ulit mo na akong tinatanggihan.”
He tilted his head. Wala siyang maalala na naging close sila.
Tumikhim siya, at pasimple niyang tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Ngumiti lamang ito sa kanya. Pasimple siyang dumistansya rito. Hindi naman sila ganoon ka-close upang ganoon ito umabrisyete sa kanya. Alam niya na may gusto ang babae sa kanya dahil nagsabi ito kung ano ang nararamdaman nito sa kanya. Sinabi niya kay Ashanti kung ano ang nararamdaman niya, at iyon ay wala siyang feelings dito. Focus siya sa kanyang trabaho, at ayaw niya ng distraction. Oo, nasa tamang edad na siya kaya lang wala pa sa isip niyang mag-asawa.
“Ayoko naman na tumanggi dahil inaya ako ng magulang mo.”
Sumimangot ito sa kanya.
“Kapag ako ang nag-aya, talagang tatanggi ka kaagad. Halatang ayaw mo sa akin.”
Hindi kaagad siya nakasagot dito dahil biglang dumating ang magulang nito.
“Mr. Rivera!”
Nakangiting humarap si Mr. Hernandez sa kanya. Sa pagkakaalam niya’y magaling itong scientist. Pharmaceutical scientist. Kilalang scientist ang ama ni Ashanti also known as Shanti.
“I'm so glad na nakarating ka!" Bigla siya nitong kinamayan, at malugod naman niya itong tinanggap. “Ako pala ang ama ni Ashanti. Just call me Tito Alex o Alex.”
Tipid na ngumiti siya rito. "I prepare to call you, Mr. Hernandez.”
"Don't be so formal, Isaac. Kaibigan ka ni Ashanti kaya tawagin mo na lang ako sa pangalan ko.”
Napatitig siya rito. Hindi sila close para tawagin ito sa pangalan nito. Kagalang-galang itong tao. Malaki ang respeto niya sa mga taong gumagawa ng medisina. Dahil sa kanila, tinutulungan nilang mapagaling ang may sakit, at mga doktor.
“Malaki ang respeto ko sa inyo, Mr. Hernandez. Hanga ako sa isang katulad mo na magaling sa paggawa o mag-diskubre ng gamot upang makatulong sa mga may sakit.”
Napansin niya ang ekspresyon nito na pagkagulat. Mahina siyang natawa.
“Dapat na ba akong masanay sa papuri mo, Isaac?”
Pareho silang natawa sa pasaring nito.
“Oh siya! Hali na kayo upang makakain na.”
Doon na siya napabaling sa isang ginang na nasa likod lang pala ni Mr. Hernandez. Unang kita pa lang niya rito ay magaan na Ang loob niya rito. Ngumiti siya sa ginang.
“Magandang gabi po, Mrs. Hernandez,” nakangiting bati niya rito.
Sumilay ang ngiti nito sa mga labi. Habang nakangiti ito’y nakikita niya na kahawig nito ang isa pa nitong anak. Iyong supladang nakausap niya sa balcony. Iyong kapatid ni Ashanti.
“Talagang kahawig ninyo po ang isa ninyo pong anak, Mrs. Hernandez,” patuloy niyang sabi sa ginang.
Nabigla ito sa kanyang sinabi. Siguro, hindi nito inaasahan na nakita niya ang pangalawang anak nito.
“Hijo, paano kayo nagkakilala ng anak kong si Yola?”
“Nasa teresa kasi siya kaya nakita ko siya, Mrs. Hernandez,” tugon niya rito sabay linga sa paligid.
“Hinanap mo ba si Yola?”
Napatigil siya. Mahina siyang natawa, at agad na tumanggi. Umiwas kaagad siya ng tingin dito.
“Pumasok na tayo sa loob, at kumain na,” nakangiting paanyaya nito, at nauna nang maglakad patungo sa tahanan nito.
Sumunod na rin siya, at hindi na rin pinansin si Ashanti na panay papansin sa kanya. Talagang hindi pa rin ito tumitigil sa kanya.
“You know what…boto sa’yo si Papa. He likes you to be his son-in-law.”
Tumigil siya, at naniningkit ang kanyang mga matang tiningnan ito.
“Act like a lady, Ashanti. Hindi iyong kulang na lang ay ibigay mo na sa akin ang katawan mo.”
Natawa ito. Bigla siya nitong tinampal sa kanyang dibdib.
“Ang seryoso mo talaga. Kahit kailan… ang boring mo.” Umingos ito sa kanya.
Napailing na lang siya, at iniwan niya ito. Ipinagpatuloy nang lamang niya ang paglalakad patungo sa tahanan nito. Akala niya’y titigilan na siya nito, subalit nagkakamali pala siya. Bigla na naman itong umabrisyete sa kanya.
“Buti na lang gusto kita kaya okay lang na boring kang tao dahil ako ang magbibigay kulay sa mundo."
He raised his brows.
"No need to do that. Hindi tayo magkaano-ano o kaibigan kaya tumigil ka na sa ginagawa mo."
Umismid ito, at sumimangot sa kanya.
" Talagang walang filter iyang bibig mo.”
" This is me. Kaya masanay ka na," pasupladong sabi niya rito.
Nang makapasok na sila sa loob ng bahay ay pasimple niyang tinanggal ang kamay nito na nakaabrisyete sa kanang braso niya.
Kaagad niyang inilibot ang kanyang tingin sa loob ng bahay. Maganda ang ambiance ng loob. Tumatango-tango siya. Maganda ang taste nila sa pagpili ng mga kagamitan. Nakaramdam siya ng warmth sa loob ng bahay ng Hernandez.
“Elena, kumain na ba si Yola?”
“Ma’am, wala pong ganang kumain si Ma’am Yola. Sinusuka niya po lahat ng kinakain niya,” rinig niyang sabi ng isang babae.
Base sa suot nito ay isa itong nars.
“A-ano?"
Nagmamadali ang mag-asawang umalis, at pumanhik sa pangalawang palapag ng bahay.
Ramdam niya ang pagkabahala sa boses ni Mrs. Hernandez. Gusto sana niyang tanungin ito ay napahinto siya dahil sa bigla siyang hinila ni Ashanti papalayo sa mga ito.
“Don't mind them."
Kumunot ang noo niya. Hindi ba ito nag-alala sa kapatid nito? Bakit wala siyang nababakasan na pag-alala?
“Your sister is sick, Ashanti. Hindi ka ba nababahala sa kalagayan niya?”
Kahit hindi niya kaano-ano ay makaramdam talaga siya nang pag-alala. Nasa harap na sila sa dining area nang huminto. Kaya napatigil na rin siya. Binitawan nito ang kanyang braso. Humarap ito sa kanya. Nabigla siya nang makita niya ang pamumula ng mga mata nito, at malungkot na ngiti.
“Alam mo bang pinipilit kong magpakatatag upang hindi ako kainin ng lungkot, at sakit sa nangyayari sa kapatid ko?”
Nakonsensya siya sa kanyang sinabi.
“I’m sorry.”
Mapait na ngumiti ito sa kanya.
“Kahit na nasasaktan na kami sa nangyayari sa kanya ay pinipilit namin na hindi magpakita sa kanya ng kahinaan. Ayaw ng kapatid ko na iparamdam o ipakita sa kanya ang awa. Mas lalo lamang siyang lalayo sa amin.”
May bonnet itong suot sa ulo nito. Maputla ang mukha, at payat. Sa itsura pa lang ng dalaga ay may cancer ito. Kaya ba mailap sa tao ang kapatid ni Ashanti dahil sa sakit nito?
"Is it okay if I check on her?"
Walang pagdadalawang-isip na tumango ito sa kanya. Tumungo nga sila sa silid ng kapatid nitong si Yola.
Pagkapasok niya ay bumungad sa kanya ang sigaw, at iyak. Nakita niyang yakap ni Mrs. Hernandez si Yola. Nakasabunot ang dalaga sa buhok nito.
“Can I check on her?”
Kaagad naman tumango si Mr. Hernandez sa kanya. Lumapit siya sa kama ng dalaga kung saan ito nakahiga upang tingnan ito kaya lang biglang dumating ang isang lalaki.
“Dok,” rinig niyang sabi ni Mr. Hernandez.”
Napatingin siya sa doktor. Kaagad siyang dumistansya, at bigyan daan ito.
“Dok, bakit hindi pa rin epektibo sa kanya ang gamot na binibigay? Panay sakit na lang ng ulo niya. Sumusuka pa rin siya.”
“Siya ang doktor ni Yola.”
Napatingin siya kay Ashanti nang nagsalita ito. Nasa tabi na pala niya ito. Hindi man lang niya namalayan dahil nakatutok ang atensyon niya kay Yola na namimilipit sa sakit.
“M-ma, a-ang sakit.”
Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib nang makita niyang nagkaganito ito. Bakit siya nasasaktan nang makitang nasasaktan ito?
“Isaac, halika na. Bumaba na tayo.”
Humugot na lamang siya ng hangin, at tumango na lamang. Lumabas na nga siya sa silid ni Yola. Isang sulyap muna sa dalaga. Nakita niya ang pagod sa mga mata nito nang napatitig ito sa kanya.
“Pasensya ka na sa nangyayari ngayon.”
Napaiwas na lamang siya ng tin kay Yola, at sinara na niya ang pintuan nito.