CHAPTER 3

1762 Words
YLLOLA Tatlong araw na rin ang nakalipas. Naging mabuti na rin ang pakiramdam niya. Mag-isa lamang siya sa silid niya dahil gusto niyang mapag-isa. Kahit na nagpupumilit si Elena na samahan siya ay pinipilit niyang magpahinga ito. Mabuti naman ang pakiramdam niya kaya okay lang sa kanya na siya lang mag-isa. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kanyang paboritong recliner chair na malapit sa sliding door kung saan ang teresa niya. Tanaw din niya ang swimming pool dito sa teresa nila. Nasa kaliwang bahagi rin ito ng silid niya, at ang kanyang bintana ay nasa kanang bahagi lamang ng silid niya. Nilapag niya muna sa table ang kanyang diary bago siya tumungo sa bintana. Binuksan niya ang kurtina, at binuksan niya rin ng bahagya ang bintana niya upang may hangin na pumasok sa silid niya. Kahit paano ay gusto niya ng sariwang hangin galing sa labas, at napapalitan ng natural na hangin galing sa labas ng silid niya. Akmang tatalikod na sana niya nang napansin niya ang lalaki na nasa teresa nito. Katapat lang pala ng bintana niya ang teresa nito. Umiinom ito ng kape habang abala ang mga mata nito sa laptop nito. Wala pa itong damit pang Itaas. Napailing na lamang siya. She won't deny how defined his body is. Hindi siya tatanggi roon dahil totoo naman. Hindi nga rin niya makita kung ano ang nakita ni Ate Shanti sa lalaki. Maliban na matikas ang pangangatawan nito ay hindi pa siya na attract sa isang lalaki. Siguro, may special na nakita si Ate Shanti kay Isaac kaya nahuhumaling ang kapatid niya. Kumibit-balikat na lamang siya. Bakit ba niya pinapakialaman ang soon-to-be couple? Wala naman siyang balak makiamot. Tumalikod na siya, at nagsimula na sana siyang maglakad nang bigla na lamang niyang narinig ang boses ni Ate Shanti. “Isaac!" Tumingin ulit siya sa labas ng bintana niya. Hindi naman siya makikita nito sa labas kaya malaya lamang niyang makita ito. Nakita niyang napalinga-linga si Isaac. Nakita niyang napahinto ang tingin nito sa kaliwa. Dahil sa kuryuso siya sa pinag-uusapan ng dalawa, nakinig siya sa pinag-uusapan ng mga ito. “Gusto sana kitang imbitahan for dinner, Isaac. Kung okay lang naman sa'yo?" Hindi siya makapaniwalang si Ate Shanti pa talaga ang nag-aya. Walang sinabi sina Mama’t Papa tungkol dito. Naniningkit ang kanyang mga mata. Matagal na ba silang magkakilala? Napatigil siya. Biglang sumagi sa isip niya ang napag-usapan nina Papa at Ate sa sala. Classmate nga pala ni Ate Shanti si Isaac. Sinara na lamang niya ang bintana upang may privacy sila. Tumalikod na siya, at lumapit sa mesa kung saan niya nilapag ang diary niya. Kinuha na rin niya ang sketch pad niya, at lapis. Gusto niyang gumuhit ulit. Isang taon na rin pala na hindi na siya gumuhit dahil abala siya noon sa pag-eensayo. Lumabas na lamang siya patungong teresa. Ito lang naman ang mga bagay na kinahihiligan niya simula nang malaman ang kondisyon niya. Hindi rin naman niya magagawa ang ballet. Umupo siya sa upuan niya. Pagtingala niya ay agad niyang hinarang ang kanyang braso dahil nasisinagan siya ng araw. Inusog niya ang upuan niya upang maayos ang kanyang pagguhit o puwesto. Agad na siyang nagsimulang gumuhit. Isang paraiso ang ginuhit niya, at isang babaeng malayang sumasayaw habang mga dahon, at bulaklak ay sumusunod sa saliw ng hangin. Nakasuot ng isang ballet dress ang babae. Iniisip niya’y siya ang babaeng ang sumasayaw. Kahit man lang sa guhit ay nagagawa niya ang kanyang kinahihiligan, at iyon ay ang ballet. Ang lawak ng ngiti niya habang gumuguhit. Kahit paano ay gumagaan ang pakiramdam niya. “Miss!” Napatigil siya sa pagguhit nang marinig niya na may tumatawag. Napaangat siya ng tingin. Hinahanap niya kung sino ang tumawag. Nakita niya ang lalaki na nasa teresa. Wait! Ang bilis naman nitong lumipat sa kabila. Kanina ay kausap nito si Ate Shanti tapos ngayon ay nandito na naman sa kabilang teresa nito. Sa kaliwang bahagi ay kay Ate Shanti na teresa, at sa kanan naman ay teresa rin niya. Kakaiba talaga. Nagtatakang tiningnan niya ito. Close ba sila para pansinin niya ito? Umiwas siya ng tingin dito. Nagpasya na lamang siya na aalis na sa teresa. Tumayo siya, at kinuha na lamang niya ang kanyang mga gamit. “Kapatid ka ba ni Shanti?” Lumingon siya rito. “Oo,” tipid niyang tugon dito. “Sige, papasok na ako sa loob.” Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag-iling nito. May kaunting ngiting nakarehistro sa mga labi nito. Ano naman ang nakakatawa para ngumiti ito? Tumalikod na siya rito upang hindi na hahaba pa ang usapan nila. Napahawak siya sa kanyang ulo ng sumasakit na naman. “Aalis ka na agad?" Hindi na siya sumagot dito, at pumasok na sa loob ng silid niya. Bitbit niya ang mga gamit niya, at nilapag sa maliit na mesa katabi ng recliner niya. Napaupo na lamang siya sa recliner niya. Kaagad din niyang pinikit ang kanyang mga mata. Pumipintig na naman sa sakit ang ulo niya. Napahawak siya bigla sa kanyang ulo dahil unti-unti iyong lumala sa sakit. Hinihila na niya ang kanyang buhok, at napakagat-labi siya upang doon niya ibaling ang sakit. Ayaw niyang sumigaw. Ayaw niyang makarinig sila Mama. Napaiyak na lamang siya, at nahulog siya sa kanyang inuupuan. Napahiga na lamang siya sa sahig, at iniinda ang sakit sa ulo niya. She wanted to shout, but she won't do that. Kakayanin niya ito. Ayaw niyang mag-alala ang pamilya niya. Nakarinig na lamang siya ng pagbukas ng pinto. Hindi niya iyon nilingon. Iniinda pa rin niya ang sobrang sakit ng ulo niya. “T-tama na, please!” Umiiyak na siya sa sakit. Hindi na niya kinaya kaya napasigaw na siya. “Ma’am Yllola!" Dinaluhan siya nito. “Josephine,” tinulungan siya nitong tumayo, pero umiling siya rito, “ibigay mo sa akin ang gamot ko,” nanginginig ang kanyang boses habang inuutusan niya ito. “K-kukunin ko, ma’am,” natatarantang sabi nito. Nagmamadali rin naman itong kinuha ang kanyang gamot sa drawer niya. Ilang segundo lamang ay bumalik na rin ito. Lumuhod ito sa harapan niya, at ibinigay sa kanya ang gamot, at isang boteng tubig. Kaagad din niyang ininom ang kanyang gamot. Kahit paano ay nakakatulong na maibsan ang sakit sa ulo niya. Hindi man ganoon mabilis na umepekto ay ilang minuto ay alam niyang mawawala rin ito. Nagpasalamat siya rito nang matapos niyang uminom ng gamot. Sumandal siya sa recliner niya habang hawak niya ang kanyang ulo. “Ma’am, tatawagan ko ba ang Mama mo?” Umiling siya rito. Gusto niyang makapagpahinga si Mama. Madaling araw na itong nagbabantay sa kanya kaya hindi pwedeng disturbuhin ito. “Pwedeng tawagin mo si Elena?” Tumango naman ito sa kanya. “Tulungan mo muna kitang umupo sa recliner mo, ma’am.” Kahit na masakit pa rin ang kanyang ulo ay tumingin siya rito. “Pwedeng tulungan mo na lang akong maglakad patungo sa kama?" Tinulungan nga siya nito patungo sa kama niya. Sa totoo lang, gusto na niyang sumuko. Tumitindi ang sakit ng ulo niya. Tumango siya rito. Tinulungan nga siya nitong tumayo. Muntik na siyang mabuwal kung hindi siya nito hinawakan kaagad sa kanyang balikat. — ISAAC Napangiti na lamang siya. She’s really fierce. Iba sa pag-uugali ni Shanti. Jolly na tao si Shanti, at ang kapatid naman nitong si Yllola ay maldita. Halata sa kilos, at pananalita nito. Nagtataka lamang siya kung bakit sobrang payat nito, at nagsusuot ito ng bonnet. Hindi naman sa nangingialam siya kaya lang summer ngayon, at hindi winter season. Putlang-putla rin ito. May sakit ba ang kapatid ni Shanti? Biglang naalala niya ang pinag-uusapan nila ni Shanti. Hindi siya sigurado kung pupunta ba siya o hindi. Hindi na nga niya alam na magkapitbahay pala sila ng dating kaklase niya. Nabigla na lamang siya nang makita niya ito noong nakaraang araw. Kumunot ang noo niya nang makarinig siya nang malakas na sigaw. Iyong sigaw na nasasaktan. Wait! Iyong kapatid ba ni Shanti ang sumigaw? Nabaling na lamang ang atensyon niya sa kanyang tumunog niyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone katabi lamang ng laptop niya. Sinagot niya ang tawag. He’s on call right now. Siya ang humahawak ngayon sa team niya. Kahit na wala siya sa ospital ay kailangan ready to answer siya kapag may tumatawag sa kanya tungkol sa trabaho niya. [Dok, tungkol po pala sa isang pasyente natin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinepermahan ang tungkol sa operation niya. Tumawag na po ako sa pamilya ni Mr. Dalman, pero nagdadalawang-isip pa rin silang permahan iyon.] “Sinabi ninyo ba na kailangan niyang operahan agad? Hindi pwedeng patagalin ang operasyon dahil baka huli na ang lahat. Komplikado ang sakit niya kaya kailangan nilang magdesisyon.” [Yes, dok. Sinabi na nga namin sa pamilya niya, pero parang nagdadalawang-isip sila. Natatakot silang ituloy.] Bumuntong-hininga siya. Napatayo siya, at lumapit sa railings. Napatingin siya sa kalawakan. Naintindihan niya ang nararamdaman ng pamilya ng pasyente nila. Kaya lang, kung pinapatagal pa lalo ang sitwasyon ay may tiyansa na hindi kakayanin ng pasyente. Hindi naman naiiwasan na hindi mag-alala ang mga ito. “Bigyan mo ako ng contact number ng pamilya ni Mr. Dalman.” [Yes, dok.] Ibinigay na nga nito ang numero ng pamilya ni Mr. Dalman. Kaagad din niyang tinawagan ang pamilya nito nang matapos niyang makausap ang assistant nurse niya. [Sino po ito?] “Ako po pala ang doktor ni Mr. Dalman. Gusto ko lang malaman, bakit ayaw ninyo kaagad ipa-opera si Mr. Dalman?” [Nakaramdam po kami ng takot baka hindi na namin makakasama si Papa.] “I know. Kapag pinapatagal ninyo ay mas lalo lamang pong lalala ang sakit ni Mr. Dalman. May gastric cancer ang ama ninyo. Kapag hindi kaagad naagapan ay baka mahuli po ang lahat. Gastrectomy which means tatanggalin namin ang parts sa tiyan niya.” [Kapag po ba naging successful ang operasyon niya ay may pagbabago po ba ang life cycle? O babalik sa normal po ba?] “Oo. May pagbabago po. Iyong mga nakasanayan niya sa pagkain ay may pagbabago. Mabilis na siyang mabusog kapag kumain ng solid food. Masasanay din siya sa mga bagong gawi sa pagkain. Kaya ako sa inyo, kailangan ninyo ng magdesisyon sa operasyon ng tatay ninyo. Huwag ninyong patagalin. Maghihintay ako sa sagot ninyo, Miss Dalman. Bigyan ko kayo ng dalawang araw na magdesisyon.” Pinatay na rin niya ang tawag, at bumalik na sa kanyang upuan. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa sa case ng isa pa niyang pasyente. Napabaling siya sa teresa kung saan nakita niya kanina ang kapatid ni Shanti. Ano bang nangyayari sa kapatid nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD