CHAPTER 2

1323 Words
Yllola Ilang oras pa lamang nang matapos siyang nagpa-chemotherapy, pakiramdam niya’y parang binugbog sa sobrang sakit ng katawan niya. Sobrang nanghihina siya. Masakit din ang kanyang ulo kaya kailangan niyang matulog. Gusto niyang lumubog sa kama. Kakauwi lamang nila galing sa hospital. Dumiretso lamang siya sa kanyang silid upang magpahingaa. Tinulungan siya ni Elena na maglakad dahil pakiramdam niya’y umiikot ang buong paligid. Ayaw niyang magpakarga kahit kanino kaya si Elena lamang ang nag-akay sa kanya patungo sa silid niya. Si Mama naman ay may kinuha lamang sa kotse. Tinulungan siya nitong umupo sa kama niya, at sumandal sa kama. “Elena, pwedeng ilagay mo sa likuran ko ang unan?” Kinuha nga nito ang unan, at nilagay sa likuran niya. She sighed in relief, nang lumapat ang likuran niya sa unan. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Gusto na niyang magpahinga. Para siyang nanlalata ngayon. “Anak.” Rinig niya ang pagtawag sa kanya ni Mama, pero hindi siya nagmulat ng kanyang mga mata. Ramdam niya ang pag-upo nito sa gilid ng kama. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Gusto mo bang kumain?” Umiling siya rito. “Gusto kong matulog, Ma." Inayos niya ang kanyang unan, at humiga. “Elena, pakihinaan ang air conditioner sa kwarto niya,” rinig niyang utos ni Mama kay Elena. Naimulat niya ang kanyang mga mata dahil bigla siyang nakaramdam na parang hinahalukay ang sikmura niya. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig. Para siyang masusuka. “Elena, dalhin mo ang maliit na planggana na nasa banyo ni Yola!” Rinig niya ang pagmamadali ni Elena na makuha ang inutos ni Mama. Ilang segundo lamang ay dumating din ito. Tumayo na rin si Mama upang dumistansya sa kanya. “Ma’am Yola, ito na po." Nang nilapag na nito sa hita niya ay sumuka siya nang sumuka. Nararamdaman niya ang paghaplos ni Mama sa likuran niya. This was what she despised the most. She vomited profusely and lost control of her body. Hindi na katulad noon na masigla siya. Ramdam niya ang unti-unting panghihina ng katawan niya. Nang mahimasmasan siya ay agad na pinunasan ni Mama ang kanyang bibig. Binigyan naman siya ng tubig ni Mama, at agad siyang nagmugmog, at niluwa sa planggana. Sinenyasan niyang kunin ang planggana kaya kinuha ito ni Elena. “Feeling better?" Pagod niyang tiningnan si Mama. Umiling siya. Naaawa na siya rito. Hindi na ito katulad dati na palaging nakangiti. Iyong sigla ng mukha nito ay unti-unting naglalaho. Kaya ayaw niyang makita itong nagkaganito. Gusto niyang lumayo sa kanila, ngunit hindi niya magawa. Hindi niya kayang makitang nasasaktan ang mga ito nang dahil sa kanya. “Ma, magpahinga ka muna. Nandito naman si Elena upang bantan ako.” Mother caresses her hair. “Gusto mo bang kantahan kita? Iyong gusto mo noong bata ka pa.” A little smile crossed her lips, and nodded. “In my daughter’s eyes I am a hero I am strong and wise.” She closed her eyes, and listened to her soothing voice. Habang pinapakinggan niya ang pagkanta nito ay unti-unti rin siyang hinihila ng antok. Dahil sa pagod ay mabilis siyang nakatulog. — Nagising na lamang siya nang marinig niya ang tahol ng aso. Their neighbor again. Napabuntong-hininga siya. Kinapa niya ang kanyang noo. Isang bimpo. Agad naman lumapit sa kanya si Elena, at kinapa nito ang noo niya. May inabot din ito sa bedside table niya. Nilagay nito ang thermometer sa kanang tainga niya. Nakita niya ang relief ng mukha nito. “Buti na lang bumaba na ang lagnat mo.” “Ilang oras akong tulog?” paos niyang tanong dito. "Apat na oras na po." May kinuha ito malapit sa kama niya. Iyon ay pinasuot sa kanya ang sweater. Nang matapos niyang suutin ang sweater ay akma na sana siyang babangon sana siya, pero nawalan siya ng balanse kaya napabalik siya sa pagkakahiga sa kama. “Pwedeng tulungan mo akong makatayo? Gusto ko lang tumingin sa bintana.” Tinulungan naman siya nitong makatayo. Hawak nito ang siko niya habang inaakay siya patungong bintana. “Kumusta na ang pakiramdam mo, Ma’am Yola?” tanong sa kanya ni Elena. “I feel tired. Pakiramdam ko’y wala pa rin improvement itong chemotherapy. Habang tumatagal, mas lalo lamang akong nanghihina,” mahinang tugon niya sa nars niya. Si Elena ay anak ng kanilang personal driver, at ni Manang. Mas matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Para na nga niya itong kapatid. Hanggang sa paglaki niya ay kasama na niya ito. They are blessed to have them in their family. Hindi sila iniwan hanggang sa lumaki na sila ng kapatid niya. Tinuturing na rin nilang pamilya ang mga kasama nila rito sa pamamahay nila. Binuksan naman nito ang bintana niya. Nakita niya ang lalaki na nakikipaglaro sa aso nito. “Hi, sissy!” Napalingon siya sa likuran niya. Nakita niya si Ate Shanti na naka-pajama lang. Humilata ito sa kama niya na parang welcome na welcome. Salubong ang kilay niya. “Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?” Tinaasan niya ito ng kilay. Napangisi ito naman ito. “Wala lang.” Bumangon ito mula sa pagkakahilata, at tiningnan siya. “Lumabas ka nga,” pagtaboy niya rito, pero natawa na lamang ito sa kanya. “Anong tiningnan mo riyan sa bintana? Nasa labas si Isaac?” Kumunot ang noo niya sa binanggit nitong pangalan. Sino naman Isaac? Bigla na lamang niyang naalala ang pag-uusap nina Mama sa isang lalaki kagabi. So, Isaac pala ang lalaking nakikipaglaro sa aso. “Sinong Isaac ang pinagsasabi mo riyan?” Bumaba ito sa kama. Lumapit ito sa kanya, at agad nitong nilapat ang likod ng palad nito sa noo niya. Napahinga ito. “Thank God! Wala ka ng lagnat,” nakangiting sabi nito. Inayos nito ang bonnet niya sa ulo. “Si Isaac ay iyong bagong kapitbahay natin. Sa narinig ko ngayon ay nasa labas siya, at nakipaglaro sa aso niya.” Tinuro niya ang labas ng bintana. Kung saan nakaturo ang hintuturo niya sa lalaki. “Siya ba si Isaac?” “Yup!” Napansin niya na maaliwalas ang mukha nito. Talagang malakas ang tama nito sa lalaki. “Crush mo siya?” Nakita niya ang biglang pamumula ng mukha nito. Napailing na lamang siya sa reaksyon nito. Bigla itong napatakip sa pisngi nito. “Halata ba?” Ngumiwi siya. Naweweirduhan niyang tiningnan ito. “Hibang ka na nga talaga.” Tumingin ulit siya sa lalaki na masayang nakikipaghabulan sa aso nito. Ano bang nakikita ni Ate Shanti sa lalaking ito? She saw nothing else from that guy; he looked too plain. “Hindi mo malalaman kapag hindi mo na nararamdaman itong nararamdaman ko ngayon,” nakangising tugon nito sa kanya. Inirapan niya ito. Pagod na nga ang isip, at katawan niya ay mas lalo lamang siya nawindang sa pinagsasabi nito. Bumaling siya kay Elena. “Gusto kong humiga.” Iniwan na nga niya si Ate Shanti na nakatanaw sa bintana niya. Bumalik na nga siya sa kama niya, at sumandal sa headboard niya. Inaayos ni Elena ang unan sa likuran niya. “Lalabas muna ako, ma’am. Kukunin ko ang pagkain mo habang nandito pa si Ma’am Shanti.” Ngumiti siya rito, at tumango. Lumabas na nga ito, at naiwan na sila ni Ate Shanti sa silid niya. Kinuha niya ang diary na nakatago sa drawer niya. Agad siyang nagsulat sa talaarawan niya. Dear Diary, Ito ang pangatlong session ko sa chemotherapy. Habang tumatagal ay mas lalo kong nararamdaman ang panghihina ng katawan ko. Hindi na ako katulad dati na magagawa ang lahat ng gusto ko.I tried hard not to feel emotion, but I couldn't. Ramdam ko na nasasaktan na si Mama sa nakita niya sa akin. Hindi ako manhid para hindi ko makita na naapektuhan na siya nang dahil akin. Kung mawala man ako sa mundong ito, ito lang ang masasabi ko kanila Mama, Papa, at ni Ate Shanti. Mahal na mahal ko sila. Date: 07/07/20**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD