CHAPTER 1

1785 Words
Six months later YLLOLA Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa kanyang balat nang lumabas siya sa teresa. Yakap-yakap niya ang kanyang diary habang tanaw niya ang madilim na paligid. Napaangat siya ng kanyang tingin. Napangiti siya nang makita niya ang bituin na kumikislap sa langit. Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa mga labi nang makita niya na may bumagsak na bituin. Sabi nila, kapag nakakita ng falling star ay agad na humiling dahil matutupad ang hinihiling. Agad niyang pinagsalikop ang kanyang mga kamay, at pumikit. Tahimik na humiling siya. Sana gumaling na ako sa sakit ko. Anim na buwan na pala ang nakalipas. Sa anim na buwan na iyon ay unti-unti nang nagbabago ang takbo ng buhay niya. Sa totoo lang, nangangapa siya. Ang nakasanayan niya noon ay hindi na niya magawa. Mapait siyang napangiti. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya. “Ma’am Yola, nandito pala ang hinihingi mong tsaa." Iminulat niya ang kanyang mga mata. Tumingin siya kay Ate Josephine. Nilapag nito sa maliit na mesa ang tray. “Salamat po, Ate." “May kailangan ka pa po ba?" Ngumiti siya rito, at umiling siya rito. “Wala na po, Ate." “Ma’am Yola, sa loob ka na lang po kaya?" mahinahon na wika nito. Ramdam niya ang pangamba sa tono ng boses nito. “Ate, okay lang po ako." “P-Pero—" “Ate, gusto ko lang dito sa labas. Papasok din ako kaagad." “Sure ka po, ma’am?" Bumuntong-hininga siya. Ito ang pinakaayaw niya. Iyong tingnan siya nito na naaawa sa kanya. Ayaw niyang iparamdam sa kanya na ganoon. Iyong awa sa mga mata habang tinitigan siya. “Ate, hayaan mo muna ako,” mariin niyang bigkas dito kaya wala na itong nagawa. Alam na nito kapag ganoon ang tono ng boses niya. Lumabas na rin ito, at hindi na nangulit pa. Inaayos niya ang balabal niya bago siya umupo. Nilapag niya ang talaarawan niya sa mesa. Kaagad na rin siyang nagsalin ng tsaa sa tasa niya. Napatingin siya sa talaarawan niya. Inabot niya ito, at pati ang ballpen niya. Binuksan niya ito. Sa loob ng anim na buwan, ang talaarawan ay palaging kasama niya. Isinulat niya ito sa tuwing nalulungkot siya o kahit na galit siya. Nakalagay sa diary ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Dear Diary, Ngayong gabi ay may nakita ako sa langit na falling star. Alam mo ba kung ano ang hinihiling ko? Iyon ay ang gumaling ako sa sakit ko. Gusto ko pang humaba ang buhay ko upang makasama ko pa sila Mama nang matagal. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap na nagkaganito ang buhay ko. Iyong hindi ko na magawa ang nakasanayan ko. Date: 07/06/20** Napaangat siya ng tingin. Tumingin siya sa madilim na kalangitan. Napangiti na lamang siya dahil sa ganda ng kalangitan. Bigla na lamang siyang nabulabog sa malakas na tahol galing sa kapitbahay. Agad siyang tumayo, at hinahanap niya iyon. Gusto niya ng tahimik na gabi, pero nabulabog lamang siya sa ingay niyon. Malalim na ang gabi baka nabulabog na rin ang ibang tao. Hinanap niya iyong ingay. Sa tingin niya’y katabi lamang ng bahay nila ang may ari ng aso. Hindi lang aso kung ‘di ilang tao ang nag-uusap. Sa sobrang ingay niyon ay talagang may makarinig, at nabulabog ang nagpapahinga na. Palipat-lipat siya ng puwesto upang hanapin ang ingay na iyon. Napahinto siya nang natagpuan niya kung saan ang ingay. Nakita niya ang mga tao sa kabila na naghahakot ng mga gamit. “Oh! May bago pala kaming kapitbahay." “Oo, Yola. Isang batang doktor ang bagong kapitbahay natin,” rinig niyang sabi ni Mama kaya napalingon siya rito. Nakita niyang may bitbit itong isang makapal na balabal. "Hindi ba niya alam na gabi na, at sobrang ingay nila?" Natawa ito sa komento niya. Lumapit ito sa kanya, at pinasuot sa kanya ang makapal na balabal. Kaagad siyang nagpasalamat dito. “Ikaw talaga.” Natatawang kinurot nito ang pisngi niya kaya napangiwi siya. “Intindihin mo muna sila dahil kalilipat lang nila.” Napailing na lamang siya, at bumalik siya sa puwesto niya upang uminom ng tsaa. Muntik na niyang makalimutan na nagsalin siya ng tsaa sa tasa niya. Inabot niya ito, at ininom. Buti na lang ay mainit-init pa ito. Habang umiinom siya ay narinig na lamang niya ang kanyang ina na may tinawag. “Hijo, ikaw ba ang bagong nagmamay-ari sa bahay na iyan? Apo ka ba ni Mrs. Rivera?” katamtamang lakas ng boses ni Mama na tanong sa kapitbahay nila. "Yes po, ma’am. Ako nga po." Naudlot ang pag-inom niya nang marinig niya ang malalim na boses nang nagsalita. He has a deep voice. Kapag malalim ang boses ng isang lalaki ay madalas na nakikita bilang kaakit-akit, malakas, at nangingibabaw. Napatango siya. Minsan lang siya nakarinig na ganoon ang lalim ng boses, pero malakas ang impact sa kanya ang tono ng boses. “What's your name, hijo?" “Isaac!" Isaac? Bagay sa—Pinilig niya ang kanyang ulo. Bakit ba siya nakikinig sa pinag-uusapan nila? “Nice name!" “Salamat. Kailangan ko na muna pong pumasok." Napabahing siya kaya naagaw niya ang atensyon ni Mama. "Yola, pumasok ka na sa loob. Alam mong madali kang magkasakit.” Nagmamadali itong lumapit sa kanya, at inaayos nito ang bonnet niya sa ulo. Tumango na lamang siya rito, at pumasok na sa loob. Lahat bawal na sa kanya. She deeply sighed. Para naman ito sa kalusugan niya. “May schedule tayo bukas para sa chemotherapy mo." Lumingon siya rito, at tumango. "Matulog ka nang maaga." “Opo, Ma." — Pagkagising niya pa lang ay agad siyang tumungo sa banyo. Dumiretso kaagad siya sa sink, at sumuka. Morning, noon or afternoon routine na siyang ganito. Sinusuka niya lahat ng mga kinakain niya. Nagmugmog kaagad siya. Nagpahinga muna siya sandali bago maligo. Ilang minutong pagpapahinga dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Nang mahimasmasan siya ay kaagad din siyang naligo. Umabot din ilang minuto bago siya natapos. Hindi naman siya nagtagal sa loob ng banyo kaya kaagad siyang nagbihis ng susuutin niya. Pupunta sila ngayon sa ospital. Sasamahan siya ni Mama patungo roon. This is her third session. Masakit man, pero kailangan niyang magpalakas, at magpagaling. Umupo siya sa tapat ng kanyang dressing table. Inabot niya ang kanyang suklay, at agad na sinuklayan niya ang kanyang buhok. Habang nagsusuklay siya ay pinagmamasdan niya ang kanyang kabuuan sa salamin. Sobra ang binagsak ng timbang niya. Kahit nga hindi siya gumamit ng timbangan ay halata naman sa katawan niya. When she saw her hair, she felt a sharp pain in her heart. Nanlalabo na naman ang kanyang mga mata. Iyong makapal niyang buhok ay unti-unting numinipis, at lumalagas. Kahit na anong gawin niya ay hindi niya mapigilan na hindi masaktan sa nangyayari sa kanya. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata. “Anak.” Nagmamadali niyang pinunasan ang luha niya sa kanyang mga mata. Napatingin siya sa reflection nito sa salamin. Nakita niyang nasasaktan ito. Tumikhim siya bago siya nagsalita. “Ma, kanina ka pa riyan?” Tumango ito sa tanong niya. Lumapit ito sa kanya. Hinawakan kaagad nito ang magkabilang balikat niya. “Huwag kang panghinaan ng loob, anak.” Napakagat-labi siya upang doon ibaling ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya maiwasan na hindi mapaghinaan ng loob. “Hindi ko maiwasan, Ma. Para akong nawalan nang pag-asa. Tingnan mo ang itsura ko. Parang walang improvement, Ma,” puno ng desperada ang tono ng boses niya. Third session na niya ngayon. Sana, may magandang maidudulot ang chemotherapy niya. Bigla na lamang siya nitong niyakap. Nabigla siya nang makita niya sa reflection nito sa salamin ang pamumula ng mga mata nito. “Ma." Nasaktan na naman niya si Mama. Alam niyang pinipigilan nito ang hindi umiyak sa harapan niya. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya, at umayos ito nang tayo. “Maghihintay na lamang ako sa’yo sa sasakyan, anak.” Tumango na lamang siya rito. Pinikit niya ang kanyang mga mata, at bumuntong-hininga. Iniiwasan niya ang hindi magpaapekto o kaawaan ang sarili, pero unti-unti na naman siyang paghinaan ng loob nang makita niya ang reflection sa salamin. Iminulat niya ang kanyang mga mata nang huminahon na siya. Tinapos na rin niya ang pag-aayos sa kanyang sarili. Sinuot na rin niya ang bonnet niya dahil ayaw niyang makita na sa kaliwang bahagi ng buhok niya ay kalbo. Mabilog iyon kaya kailangan niyang itago. Bumaba na rin siya dahil naghihintay na si Mama sa sasakyan. Pagkababa niya ay nadatnan niya si Papa na kausap si Ate Shanti. Napailing na lamang siya na panay hikab si Ate. Siguro, ngayon pa lamang ito umuwi, at nagpagabi na naman sa office nito. Workaholic talaga. Mana kay Papa. “You know what, Pa, nandito na ang classmate ko sa college na si Isaac. Natandaan mo ba siya?” Napansin niya sa mukha ni Papa na umaaliwalas ang mukha nito nang marinig ang pangalan na Isaac. “Oo naman. Sinong hindi makakilala sa batang iyon kung maraming achievement? Siya iyong crush mo noong bata ka pa. Talagang sinabi mo pa sa amin na gusto mo siyang pakasalan paglaki mo,” natatawang saad ni Papa. Pansin niya ang pamumula ng pisngi ni Ate Shanti. Ngayon lang niya alam na may crush pala ito. Akala niya’y wala itong balak magka nobyo. Tumikhim siya upang agawin ang atensyon ng dalawa. Natigil naman ang pag-uusap nila. “Baby, come here," aya ni Papa sa kanya. Sinenyasan siya nito na lumapit. Lumapit naman siya rito, at nagmano. “Aalis ka na ba?" “Oo, Pa. Naghihintay na nga si Mama sa sasakyan." Bumuntong-hininga ito. “Gusto ko sanang sumama, pero may business meeting ako ngayon. Si Mama na muna ang kasama mo, anak,” sabi nito sabay mahinang tapik sa ulo niya. “Magpakalakas ka, okay? Hindi ka namin pababayaan ni Mama mo." "Ako na lang ang sasama. Magbibihis lamang ako,” singit ni Ate Shanti sa pag-uusap nila ni Papa. Bumaling siya sa Ate Shanti niya. Sa itsura pa lamang nito ay pagod na. Halatang puyat sa trabaho. Hindi na naman ito natulog. “Huwag na. Disturbo ka lang do—" Napatigil siya sa pagsasalita nang mahinang pagpitik nito sa noo niya. “Ang tabil talaga ng bibig mo.” Napangisi lamang siya rito. “Ma’am Yola, aalis na raw po tayo.” Napabaling siya sa likuran niya. Nakita niya ang kanyang personal nurse na naghihintay na sa kanya. Nagpaalam na nga siya sa kanila Papa, Ate. Lumabas na siya kasama si Elena. Pagkalabas nila ay nadatnan niya ang kotse na nasa tapat lamang ng bahay. Pinagbuksan kaagad siya ng pintuan, at pumasok na sa loob ng kotse. Agad na silang bumiyahe patungong hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD