FRIDAY na pala agad. Almost 1 week ng wala si Nanay Conching sa mansyon. Hindi na rin ito tumawag pang muli sa akin, na isa sa nagpa-lungkot sa akin. Naintindihan ko naman siya, kung ako ng nasa lugar niya baka nga hindi ko muna magawang maalala ang iba. Tama lang naman siguro na Sulitin n’ya ang mga araw na kasama ang kanyang tunay na pamilya. “Hi Jennie, congratulations nga pala.” bati ng isang grade 12 student sa akin. A head ito sa akin dahil grade 11 palang ako. I didn't know na kilala pala ako ng iba o baka naman nakilala nila ako because of the scene na ginawa ni Dad at Tita Je. Nagtataka man sa pagbati ay ngumiti na lang ako sa kanya. Kumaway pa ito sa akin at nagpatuloy ng paglalakad palayo. Ako naman ay gano’n din ang ginawa tumuloy na ako papunta ng garden. Habang naglalakad

