NANG UMALIS sa harap ko ang kasambahay muli akong napa-isip, hanggang sa mawisyuhan ko na lang na naglalakad na pala ako pababa ng hagdan. Walang masamang ginawa si Daddy Ninong sa akin para hindi ko siya samahan sa hapag kainan. Isa pa hindi naman masama na umiwas siya sa akin kung nagiging problema na iyon. Dalaga na nga naman ako at nagbabago ang anyo bilang babae, mas maraming pwedeng gawin o sabihin na masama ang mga tao sa amin. Inalagaan lang ni Daddy Ninong ang kapakanan naming dalawa. Pagdating ko sa dining area nakaupo si Daddy Ninong sa kabisera ng bigla itong tumayo at pumihit. Nagulat pa nga ito ng makita ako. “Tapos na po kayo?” magalang na tanong ko. Ang lalaki naman ay tumitig lang sa akin. “Daddy Ninong,” tawag ko sa lalaki na tsaka lang kumurap. “No, hindi pa ako ku

