CHAPTER 10
Nakakabanas na! Una yung manager ko nag freak out ng makita ang daplis kong sugat na malapit ng gumaling, second tong asyong s***h lolo s***h pms-ing s***h baklitang PJ. Apat na araw na ang lumipas mula ng sumabak ako sa first mission ko. Mula ng araw na iyon hindi na ako kinausap ni PJ.
Ilang beses ko na siyang iniinis pero hindi man ako kinikibo. Kahit batiin ako hindi niya magawa. Kahapon nga may dala akong Juice at sinadya kong itapon sa kaniya pero bumuntong hininga lang siya at nag palit ng damit.
Ano bang nagyari don?
Wala siyang ginawa nitong mga nakalipas na raw kundi mag drawing. May hawak siya na maliit na canvass lagi. Kapag lumalapit ako sa kaniya para tignan ang ginagawa niya ay mabilis niya iyong tinatago.
Bukas pa naman na ang birthday ko. Paano ako magiging masaya nito sa kaarawan ko kung ganitong hindi niya ako kinakausap? Kahit makipagbangayan lang siya sa akin okay lang.
Nakasimangot na nilingon ko si PJ na tahimik na namang gumuguhit. Napangiti ako bigla. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Mukhang hindi naman niya ako napapansin dahil busy na busy parin siya sa ginagawa.
Umangat ang kamay ko upang hilahin sana ang maliit na canvass na hawak niya ng bigla na lang niyang inilayo sa akin iyon. "What do you think you're doing?"
Sinimangutan ko siya. Buti naman nag salita din. After 42394394579749 years nagawa din niyang sipagin na kausapin ako ng direkta.
"Ano ba kasi yan?"
"None of your bussiness."
"Alam mo, lolo PJ, sa isang bussiness kailangan may kasosyo ka. Kaya i-share mo na sa akin iyan at ng mapakinabangan mo naman ang kagandahan ko."
Blangkong tumingin lang siya sa akin at pagkaraan ay binalik na ang atensyon sa ginagawa. Nagdadabog na kinuha ko ang bag ko at lumapit sa pinto. Nang maramdaman kong hindi niya ako pipigilan ay dumukot ako ng kung ano sa bag ko at basta na lang inihagis iyon sa kaniya.
"Tse! Diyan ka na nga. Uuwi na muna ako sa bahay ko bago pa ako magpakamatay sa sobrang boredom dito. Mapapanisan ako ng laway. MYGHOLAY!"
"Fine."
"I HATE YOU PARIS JAMES ROQAS!"
Napatingin siya sa akin at bago ko p[a mabasa kung ano ang nasa mga mata niya ay iningusan ko na siya at lumabas na ako. Dumiretso ako sa parking lot at pagkalipas ng ilang sandali ay pinatakbo ko na iyon pauwi sa bahay. Dahil sa wala namang traffic ay madali lang akong nakarating doon.
Binati ako ng aking mga katiwala at tinanguhan ko lang sila. Kailangan ko ng isang bonggacious na bubble bath ng mawala lahat ng stress na pinatubo ko sa aking precious mind nitong mga nakaraang araw. Kasalanan ni PJ iyon. Siya ang nagpunla ng mga ito sa akin.
Parang ang bastos pakinggan. Tigilan mo nga yang pagiging makata mo.
Hindi ko na ni lock ang pinto at tumuloy na kaagad ako sa bathroom. Sumampa na ako sa tub ng mapuno iyon ng tubig at bula. I really need to relax. Kahit nasabihing simpleng birthday party lang kasama ang mga agents ang ggawin ko ay hindi parin ako maaring mag mukhang problemadong zombie bukas.
Sumandal ako sa bath tub. Pumikit ako at huminga ng malalim. Nakakaantok naman. Oh well, at least narerelax ako.
***************************************************
PJ'S POV
Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na si Kat. Nahihirapan akong tapusin ang ginagawa ko dahil sa kakasulpot niya sa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinapatulan nitong mga nakaraang araw dahil nga busy ako.
May dalawang dahilan ako kung bakit ko siya nilalayuan. Una dahil sa may ginagawa ako para sa birthday niya. Pangalawa naguguluhan ako sa mga nangyayari sa akin. I always knew that I would never feel anything close to what I felt for Mishy. Pero mukhang mas malala pa ngayon ang nararanasan ko.
Lalong hindi matahimik ang sistema ko dahil hindi niya ako tinitigilan. Kapag ako nainis, isasali ko siya sa hunger games.
I sighed.
Kidding. Kahit ata merong totoong hunger games hindi kukunin ng mga yion si Kat. Mamaya magpakamatay lahat ang mga yon sa kunsumisyon.
"PJ!"
Napatingin ako sa pintuan. Si Mishy. "O anong nagyari?"
"Anong gift mo kay Kat?"
Napailing ako. As usual last minute na namang nag iisip si Mish ng regalo. Tamad kasi maghanap ng pangregalo ang taong yan. Kaya noon pa man ako lagi ang binubuliglig niya kapag may tao siyang kailangan bigyan niyon.
"Secret."
"Daya! Whatever. Mag suggest ka na lang."
"Ikaw itong babae tapos hindi mo alam ang ibibigay mo."``
Umupo si Mishy sa sofa at nangalumbaba. "Ang hirap naman kasi eh...hmmm....ammm....alam ko na!"
"Ano?"
"Bibigyan ko na lang ng nude picture mo si Kat! O diba, bongga?"
"No way."
"Wag ka ng pakipot PJ. Mag po-pose ka lang naman."
"No."
"Ang KJ mo! Fine...iba na nga lang."
Pinabayaan ko na lang siya at nagpatuloy ako sa pag guhit. Maya-maya naramdaman ko na dahan dahang lumalapit sakin si Mishy. Kung si Kat hindi nakalusot sa akin, ganon din siya. Napangisi na lang siya ng makita niyang nakita ko na siya. Nakanguso na umupo siya sa carpeted na sahig.
"What's that?"
"Elepante."
"Weh, di nga?"
Bumuntong hininga ako. "Mind your own bussiness. Anyway, I'll give you a suggestion. Wag mong bibigyan si Kat ng clothes dahil sawang sawa na yon sa damit, wag din jewelries dahil ilang beses na siyang nag model ng jewelries meaning sawa na rin siya don, wag kang bibili ng may hearts dahil kahit malayo ng isang buwan ang april sa february pakiramdam niya hinahalo ang birthday niya sa valentines day, wag din teddy bear dahil may isa siyang kwarto sa bahay niya na puno ng laruan. I suggest na bilihan mo siya ng pet. Wag tiger na alam kong una mong maiisip dahil alam kong malakas ang trip mo dahil sa huli mapipilitan siyang ilagay sa natural habittat nito iyon. Give her a pet na maalagaan niya at madadala kung saan-saan."
Nilingon ko si Mishy na walang kurap na nakatingin sakin pagkatapos ay ngumiti siya. Hindi iyong klase ng ngiti na nang-aasar kundi isang ngiti na animo sinasabing masaya siya para sa akin.
"Ang dami mong alam ah. Hindi ko akalain na ang dami mong alam kay Kat."
Binalik ko ang atensyon ko sa ginuguhit ko para maiiwas ko ang tingin ko sa kaniya. "Observant lang ako at isa pa, pareho nating bestfriend si Kat."
Nakangiting tumayo siya mula sa pagkakasalampak niya sa sahig at lumapit sa akin. Binigyan niya ako ng magaang halik sa pisngi. "I'm happy that finally, nagawa mo na siyang makita."
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"You don't need to deny it. Dahil alam kong alam mo sa sarili mo na wala ka ng kawala pa. It's different, right? Like there's a magnet pulling you to her, kahit pa na ikaw mismo ay pinipigilan na madala nito. But there's no way you can pull back, kahit anong pigil mo...bibitaw at bibitaw ka parin. Pagkatapos, wala ka ng kawala pa."
"Mishy."
Kumindat siya at naglakad na palabas. "Don't worry. I won't tell her. Bilisan mo lang dahil mamaya kung kelan ka magpasya na sabihin, wala ka na palang oras."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas na siya. I don't feel it anymore. The pain whenever she's near me. It's gone now.
"KATERINA VON, PLEASE KINDLY GO TO MY OFFICE."
Kinuha ko ang phone ko ng marinig ko ang announcement ni Poseidon. Tinawagan ko siya at kaagad naman niya iyong sinagot.
"Wala si Kat dito, Poseidon."
"Can you bring her here? Kailangan ko siyang makausap. Hindi siya sumasagot sa tawag ko."
"Okay."
Naglakad na ako palabas ng laboratory. Pumunta ako sa parking lot at naabutan ko pa doon si Ethan at si Mishy. Tinanguhan ko sila at binuhay ko na ang kotse ko.
"San ka pupunta?" tanong ni Mishy sa nakabukas kong bintana.
"Sa bahay ni, Kat. Pinapatawag siya ni Boss."
"Sama kami. May kukunin daw na files si Kuya kay Kat. Wala naman sa office niya kaya malamang nasa kaniya iyon."
"Hop in."
Sumakay na sila sa sasakyan ko. Hindi namankalayuan ang bahay ni Ka mula dito lalo na kung alam mo kung saan ka dapat dadaan. Si Kat lang naman ang pasaway na hindi marunong mag shortcut.
Nang makarating kami sa bahay niya ay kaagad na pinapasok kami ng mga kawaksi niya. Akmang aakyat na ang isa sa mga ito para tawagin si Kat pero pinigilan ko siya at sinabing ako na. Nanunudyong tinignan ako ng magkapatid na nakaupo lang sa sofa.
Hindi ko na sila pinansin at tumuloy na lang ako sa kwarto ni, Kat. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong bukas ang pintuan nito.
"Kat?"
Inilibot ko ang paningin ko. Wala si Kat dito. Lumapit ako sa pintuan ng banyo at kumatok ako roon.
"Kat? Kailangan ka sa headquarters."
Kumunot ang noo ko ng may mapansin ako sa paanan ko. Basa. My head snapped up at walang babalang sinipa ko ang pinto.
Pakiramdam ko ay nanglaki ang ulo ko ng makita kong umaapaw ang tubig ng bath tub. Mabilis na lumapit ako roon at nanglaki ang mga mata ko ng makita ko si Kat na nakalubog roon.
"God, no!"
Iniangat ko siya mula sa tubig at inilapag ko siya sa sahig ng banyo. Kaagad na ginamit ko ang nalalaman ko sa CPR. "Mishy!"
Narinig ko ang nagkukumaho na mga yabag mula sa baba. Sinentro ko ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"You can't leave me, Kat. Marami pa akong kailangang sabihin sayo. Please, Kat. Open your eyes."
Tiim ang bagang na nagpatuloy ako sa ginagaw ko. Narinig ko ang pagsigaw ni Mishy ng makita ang estado ni Kat. Mabilis na lumabas siya. She's probably calling an ambulance.
"Kat, open your eyes. I need you. You can't do this to me."
Nanatiling walang epekto ang ginagawa ko. Ibinaba ko ang mukha ko upang bigyan siya ng mouth-to-mouth resuatation.
"I'm falling for you...so please, don't leave me. I need you, Kat."
Animo hinugot lahat ng lakas sa akin ng bigla siyang umubo. Unti-unting dumilat ang mga mata niya. Hinapit ko ang katawan niya palapit sa akin at niyakap siya. Hindi ko ininda na nababasa narin ako.
"Thank, God. Don't scare me like that, again."
"P-PJ?"
"I'm here. I will always be here."