CHAPTER 11
Iinat-inat ako ng magising ako. Bumangon ako sa pag-kakahiga ko. Tumingin ako sa kanan ko ng maramdaman kong may kumilos don.
Nanglaki ang mga mata ko ng makita ko si PJ. Naka boxer shorts lang siya. Wag mong sabihin naulit na naman ang nangyari noon? May nangyari na naman sa amin ng wala akong naaalala? Damn the rotten luck!
"Morning."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Binabantayan ka."
"Erm, bakit?"
Tinukod niya ang siko niya sa kama at inunan niya doon ang kaniyang baba. Kinusot ko ang mga mata ko. Kumalma ka Kat. Hindi mo pwedeng basta na lang gahasain ang lalaking iyan. Kailangan may reason. Okie dokie?
"Nalunod ka kahapon."
Napanganga ako. "Omg! Nalunod ako? Nasa langit na ako ngayon? Ikaw ba ang isinugo para maging taga-aliw ko?"
He rolled his eyes. "Let me rephrase that. Muntik kang malunod kahapon dahil mukhang napagdesisyunan mo na gusto mo palang maging sirena."
"Joke ba iyon?"
"Hindi."
Napakamot ako sa ulo ko. Buti na lang pala at hindi ako natuluyan. Sa susunod nga hindi na ako mag ba-bath tub. Or rather isasama ko na lang si PJ para may taga-gising ako.
Lihim na napangisi ako sa iniisip ko.
Nawala lang ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang oras. Mag a-alas dose na ng tanghali. And it's my birthday! Marami pa akong aayusin para sa salo-salo naming mga agents mamaya-
"Relax. Naayos ko na lahat."
Nilingon ko si PJ na kasalukuyang may kinukuha sa drawer ng bedside table. Humarap siya sa akin at inilapag sa harapan ko ang isang parisukat na bagay na nakabalot sa kulay pink na gift wrapper. May mga ribbon pa iyon.
"What is this?"
"Bomba."
"Wow."
Iniangat niya iyon at mahinang pinukpok sa ulo ko. "Kung ayaw mo, hindi ko naman ipipilit. Ikaw na nga tong binibigyan ng regalo."
Mabilis na inagaw ko sa kaniya iyon. Bago pa siya makapagsalita ay mabilis na binuksan ko iyon. Nanglaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano ang nandoon.
"This..."
"Yep. Iyan ang ginagawa ko na muntik ng hindi matapos dahil lagi mo akong iniistorbo."
Tinitigan ko ang hawak ko na frame. Sa loob niyon ay naroon ang maliit na canvass na lagi niyang hawak. It's a drawing of me. Hindi ko alam na ganito siya katalanted sa pag guhit. Past time niya lang kasi iyan. Kuhang-kuha niya ang mga naglalarong emosyon sa mga mata ko sa larawang ito. Panahon ito kung saan ininterview kami ni Rhea. Panahon kung saan sinagot ko ang tanong niya ng hindi tinatago ang nararamdaman ko.
"Dapat sinabi mo sa akin."
Nagkibit-balikat siya. "Mag ayos ka na. Kailangan na muna natin pumunta sa headquarters. On process narin ang mga gadgets na ginawa mo na kailangang i-enhance. Mabuti na lang at pinatawag ka ni Poseidon kahapon."
Nakita ko ang pagtitiim bagang niya ng maalala ang nangyari. Ngumiti ako at tinapik ko siya sa balikat. "I'm fine, PJ."
"Don't use your tub again."
"Ayoko nga."
"Kat-"
"Bantayan mo na lang ako."
Tumayo ako. Kung hindi pa ako naalalayan ni PJ ay baka tumumba na ako. Nanghihina pa ang katawan ko.
"San ka ba pupunta?"
"I need to take a shower ng makapunta na tayo sa headquarters."
Inalalayan niya ako hanggang makapasok kami ng bathroom. Sinamahan niya ako hanggang makapasok kami sa shower stall. Bahagya ko siyang tinulak pero hindi niya parin ako pinakawalan.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "May balak ka bang samahan ako hanggang sa makaligo ako?"
"I won't look."
"Silly. Diyan ka na lang sa labas. Hindi ako makakagalaw kapag nandito ka sa loob."
Hindi ako kinakabahan na makita niyang walang damit dahil blurred lang naman ang makikita niya kung nasa labas siya. Though bahagya niyang makikita ang pigura ko,
"But-"
Itinaas ko na ang shirt ko. Natawa ako ng mabilis pa sa alas kwatro na lumabas si PJ ng shower stall at isinarado ang pinto. Nang-aasar na hinubad ko lahat ng suot kong damit at itinapon ko palabas ng stall.
"Katerina!"
Napahagikhik ako. Minsan lumalabas talaga ang pagkamanong ni PJ. Kaya nakakatuwang asarin eh.
Mabilisang paliligo lang ang ginawa ko dahil hindi ko pa nababawi ang lakas ko. Binuksan ko ang pinto ng shower stall pero pinigilan iyon ni PJ. Bagkus ay iniabot niya sa akin ang towel. Nakangiting ipinalibot ko iyon sa katawan ko bago ako lumabas.
Agad na umalalay sa akin si PJ na pulang-pula na ang mukha. Natatawang kumawala ako sa kaniya at lumapit ako sa sink. Nag tooth brush ako habang panakanaka ay tumitingin kay PJ sa salamin. Para siyang ma he-heat stroke.
Nang matapos ako ay nilingon ko siya. "Okay ka lang?"
"Yup."
"Sure?"
"Yes."
"Sigurado-"
Naputol ang sasabihin ko ng lumapit siya sa akin at bigla na lang akong hinalikan. Saglit na pagdampi lang iyon ng mga labi namin ngunit hindi matatawaran ang gulat na naramdaman ko.
"P-PJ?"
"I'm falling for you, Katerina Von."
Kulang pa ang sabihin na nagulat ako sa sinabi niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya na pilit inaarok ang utak kung totoo ba ang natanggap nitong mensahe. Na talagang sinabi ni PJ ang mga katagang iyon.
"Just wait for me, Kat. alam kong nag iba na ang tingin ko sa iyo, kahit ako naguguluhan sa sarili ko. Dahil ang alam ko, hindi na ulit ako magmamahal ng kahit na sinong babae. But I saw you, I saw how those smile of yours can make my day bright, naramdaman ko sa unang beses sa buhay ko ang takot na kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman ng makita kita sa estado mo kahapon, and for the first time...I'm fearing this feelings that I have because I know that if this turn out badly, it will wreck my whole soul."
"PJ..."
"Maiintindihan ko kung ayaw mo. You don't deserve someone like me. Hindi ka karapat dapat sa akin na hindi ka magawang mahalin ng buo. Just for a while, please wait for me. Ayokong may pagsisihan at ayokong masaktan ka. That's why I'm doing this."
Nakangiting pinalis ko ang mga luhang naglalandas mula sa pisngi ko. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang isa niyang kamay. "I understand, PJ. Pero sana sa susunod na magco-confess ka, iyon namang nakadamit ako."
Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Isang pasasalamat ang lihim kong ipinadala sa Poong Maykapal. Eto na ang best birthday gift na natanggap ko. May bonus pang ngiti mula sa masungit kong irog.
Yebah!