Chapter 12

406 Words
CHAPTER 12 Napapangiti ako ng magkatinginan kami ni PJ. Kasalukuyan kaming papunta sa labas ng bahay ko kung saan niya pinark ang kotse niya. Hindi na daw niya nagawang ipasok ang kotse dahil ng mula sa ospital ay ibinalik ako rito sa bahay ay ang dami daw agents na naghihintay dito. "Para tayong tanga." Napailing siya. "Ikaw lang." Sumimangot ako. "Ikaw kaya!" "Course not." Napasigaw siya ng bigla ko siyang kinurot sa braso. At least nawala ang awkwardness sa pagitan namin. Para kasing hindi ako mapalagay kanina. Iba pala ang pakiramdam kapag alam mong may unawaan na kayo ng taong matagal mo ng hinintay. He patted my head. "Dito ka muna, i-iikot ko lang ang kotse." "Anong akala mo sa akin? Aso?" "Nah. Just the woman that I adore." Nalaglag ang panga ko habang nakasunod ang tingin ko sa papalayong likod niya. Pasipol-sipol pa siya na parang walang sinabing kakaiba. Ibang klase din pala itong si PJ. Hanep humataw sa banatan. Wala sa sariling napalingon ako sa malalaking bonsai plant sa tapat ng bahay ko. Napakunot ang noo ko ng masilaw ako sa sinag ng araw na nireflect ng lense ng isang camera. Hindi ako pwedeng magkamali. Ilang taon kong buhay ang humarap sa mga camera. "Hey!" May naaninag akong tao pero mabilis siyang nakatakbo paalis. May dala-dala siyang may kalakihang tool box. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kinaroroonan ni PJ na nakasakay na marahil sa kotse. Nanglaki ang mga mata ko ng may maisip ako. It's not impossible. Mabilis na tumakbo ako patungo sa kotse. "PJ!" Napadapa ako ng wala sa oras ng isang malakas na ingay ang umalingawngaw sa paligid kasabay ng pagsiklab ng kotse ni PJ. Nanginginig ang mga kamay na tumayo ako. "N-No! PJ! Pj!" Napasigaw ako ng mula kung saan ay may dumamba sa akin. Nagpapasag ako pero hindi siya natinig sa ibabaw ko. "Kat, relax! It's me!" Tumigil ako sa pagpupumiglas ngunit tuloy-tuloy parin ang pagdaloy ng mga luha ko habang nakatingin ako kay PJ na ngayon ay nag a-alalang nakatingin sa akin. May sugat sa gilid ng noo niya. "W-What...how?" "Hindi pa ako nakakapasok sa kotse. May nakita kasi akong netbook sa gilid sa may dulo. Kinuha ko muna iyon dahil nakakapagtakang meron non doon. May nakita pa akong ilang mga chips na para bang may magdamag na nagkampo dito." "I was so scared!" "Shh, I'm fine. We're both fine." Tinulungan niya akong makatayo. Kipkip-kipkip niya ang netbook na nakita niya. Seryosong tinignan ni PJ ang kotse niya na kasalukuyang nagliliyab. "This is serious. We need to go to the headquarters."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD