CHAPTER 8
Nang matapos ang debriefing at pumirma si Lucas o Luke sa kasunduang hindi siya maaring magbigay ng impormasyon tungkol sa BHO ay tumuloy na kami sa dining hall upang kumain.
"Maghanap ka na ng pwesto. Ako na ang kukuha ng pagkain mo."
Napakurap ako sa sinabi ni PJ na kasalukuyang nakatalikod na at naglalakad na papunta sa counter. Sumunod sa kaniya sina Ethan at Mishy na pabirong binibigyan pa ako ng flying kisses.
Nang makahanap ako ng puwesto ay umupo sa tabi ko si Luke at nangalumbaba. "Long time no see, Kat."
"Oo nga eh. Hindi ka na kasi nagpapakita sa akin."
"Do I need to remind you, woman, that you broke my heart."
Nag peace sign ako sa kaniya. Natatawang inakbayan niya ako. "But it's really good to see you, Kat. Kahit na sa ganitong sitwsyon pa tayo nagkita. And who would have thought that you have a dangerous job like this one. Kung hindi mo pa sa akin sinabi ang dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin ay baka isipin ko pa na dahil sa linya ng trabaho ko ang dahilan."
"Of course not, Luke. You know how I love it when you are in your I'm-A-Lawyer-And-I'm-Hot mode."
Napapitlag kaming dalawa ng walang babaang may nagbaba ng tray sa harapan namin. Napalakas iyon dahilan para magulat kami. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si PJ na mukhang bad mood.
Ang bipolar talaga ng taong to.
Nagsimula na kaming kumain ng bumalik narin si Ethan at si Mishy. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil panay ang tingin sa akin ni PJ at kay Luke na nagiging attentive masyado sa akin. Hindi ko naman masisisi si Luke. Ganiyan naman talaga siya sa akin.
Napatingin ako kay Luke ng hawakan niya ang gilid ng labi ko. "There's a smudge-"
Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay nahila na ako patayo ni PJ. Kinaladkad niya ako palabas ng dining hall hanggang makarating kami sa laboratory.
"Ano ba!"
Madilim ang anyo na nilingon ako ni PJ. "Engage ka na sa akin, Kat. Ikakasal na tayo, for pete's sake, wag ka ng magpayakap sa iba lalo na sa harap ko!"
"Alam nating parehong hindi totoo ang mga iyon. And a wedding? Wala ka namang balak ituloy iyon diba? I can be with any man I want. The engagement was just for a show nd you know it."
"No. Ikakasal tayo sa ayaw o sa gusto mo!"
Napaawang ang labi ko ng walang sabi-sabing lumabas siya. Nang mahimasmasan ako ay may sumilay na ngiti sa labi ko.
Akalain mo nga naman ang swerte. Akala ko mahihirapan pa akong gumawa ng paraan para maikasal kami. Malay ko ba namang siya pala ang magkukusa. Kung alam ko lang eh di sana ay matagal ko ng hinarap si Luke sa kaniya.
Now all I need to do is make him love me.