Chapter 7

1593 Words
CHAPTER 7 "How's the interview? Hindi ko napanood eh." Nilagay ko yung bag ko sa desk tapos umupo ako don sa swivel chair while I'm massaging my temples. Tinignan ko si misy na naka-upo sa isa sa mga tables ng laboratory. "It went out fine." "And who's definition of fine?" "PJ's" Napapalatak si mishy na umiiling-iling pa. I know I look pathetic. Ngiti ako ng ngiti pero ang lungkot-lungkot ko naman. "Anyway may mission tayo ngayon kasama ko si Kuya." "Akala ko ba hindi ka muna mag mi-mission?" "Na bored ako eh at sa lower mission lang naman to."  Napalingon kami sa pinto ng bumukas yon at pumasok si Ethan at si PJ. Ngumiti si Ethan na kapatid ni MIshy at nag thumbs up sa akin. Mas naging masayahin ngayon si Ethan na kakakasal lang kay Maries, ang dati niyang nobya.  "Congratulations, Kat." bati niya sa akin. Nagtatakang tumingin sakin si mishy. Kawawang bata. Mukhang nawawala ang ang taong to sa limelight at lagi na lang huli sa balita. "What wedding?"  Nagkibit-balikat ako. "We're engage." Nanlaki yung mga mata ni mishy. "WHAAAAAT?!" Napatawa ako dahilan para mawala ang shock na ekspresyon na nakabalatay sa mukha niya. As usual she can read me like a book. Tumingin ito kay PJ pagkatapos ay bumalik sa akin ang atensyon niya. "Wow. Congratulations!" Pumapalakpak pa siya but I know mishy well and I can see that she's scrutinizing my reaction at alam ko din na hindi na kaligtas sa kaniya ang mga emosyon na nakita niya sa mga mata ko. "Well, my dear beautiful eyes, may mission pa tayo kaya maghanda na tayo." sabi ni Ethan na namimili na ng baril sa isang gilid. Lumapit ako sa kaniya at inabutan siya ng mic at LD o listening device. "Hindi ko pa nababasa yung file. Fill me up." sabi ko sa kaniya habang tinutulungan ko siya sa ginagawa niya. "It's easy. Tonight, Congressman Vallano will be assasinated. It will be our job to save him." "Congressman Vallano? As in Congressman Lucas Vallano? Bakit naman nila i-aasasinate yon?He's a good man, oozing with s*x appeal hunk, congressman, a lawyer-" "That's exactly the reason. Gusto siyang patayin dahil sa pagiging mabait niya. May source na nakalap na ngayon gagawin yung assasination, kada gabi kasi sumasakay ng elevator si congressman palabas ng law firm niya. Exactly 10 pm siya pumapasok sa loob ng elevator, doon siya papatayin." "Well, that sucks. Looks like I really need to focus tonight." "Because he's your favorite congressman?" "No. It's because he's a good man and he's also my ex." Ex na naiintindihan ako kung bakit ako nakipag hiwalay sa kaniya. Alam niya ang tungkol kay Pj. Naintindihan niya ako at tinanggap niya ang naging desisyon ko. Minasan hindi ko maiwasang isipin kung bakit mukhang may defect pa ang puso ko. Hindi kasi magawang gumana sa iba. "Woah! Ex mo pala yon?" nakatulalang sabi ni Ethan. Pinitik ko siya sa noo at inayos ko ang mic niya. "Cool! Ang gawapo non ah! Dapat hindi mo na pinakawalan." singit ni Mishy na kasalukuyang nakaupo na naman sa table. Tapos na siya sa paghahanda. "Yup. Kaya galingan niyo dahil tutusukin ko kayo ng syringe kapag may nangyari kay Luke okay?"  Sumaludo ang dalawa at kinuha na ang mga gagamitin nila. Kumaway pa sila sa amin ni PJ bago sila tuluyang lumabas ng laboratory. Nilingon ko si PJ pero bumalik na siya sa harapan ng computer. Hindi ako sigurado pero parang masama ang tingin niya sa akin kanina. Probelama non? "Malapit lang ang law firm ni congressman kaya meron pa kayong twenty minutes para makarating ron at makarating sa elevator, eagle." Sabi ko sa maliit na microphone sa harapan ng monitor ko. "Acknowledge." Sa tabi ko naririnig ko si PJ na kausap si agent strike. Si MIshy. "Drive a little faster, na hack ko na yung stop lights kaya safe kayo. Tinignan ko sa monitor ang mga dots na sumisimbolo kung nasaan sila mishy at ethan. Malapit na sila sa location. "Here's the plan, strike. Sa taas ka ng elevator papasok. Find a way to get there but before that kailangan mong isama sayo si congressman." "Copy." Mabilis na gumana ang utak ko. Animo naglalaro sa utak ko ang mga seneryo na mangyayari. That's why I love experiment department. I love the thrill of having an adventure without moving an inch from where I'm sitting. "Eagle, mag hihiwalay kayo ni strike. Get as fast as you can sa office ni congressman sa pinakamataas na palapag. May mga tao na aakyat diyan at hahanapin si congressman. If they find him then he'll die. Sasama siya kay mishy at ikaw ang sasakay sa elevator. Then its up to you what you want to do sa mga taong yon. You'll be the diversion." "And if I die?" "You won't. Malaki ka na, kaya mo na yan." "Aw, you break my heart, Book." "Shut it." Tumawa si Ethan. "Copy." "Book, hack the elevator." utos ni PJ na kaagad ko namang ginawa. Ganiyan kami kapag may mission. Walang pansin-pansinan. "Nasa labas na kami ng law firm." pagbibigay alam ni Ethan. Si PJ na ang sumagot para sa akin dahil busy ako sa ginagawa ko. "Good. Run." Rinig na rinig sa listening device ang pagtakbo nila. Mataas ang level ng stamina ko pero wala atang makakatalo sa magkapatid na ito. "Reaching the top floor." ani ni Mishy. "In position." Napangiti ako ng umilaw ang lahat ng lines sa harapan ng monitor ko. "Stick to the plan, guys. The elevator is succesfull hacked." Rinig sa listening device ang mahinang pakikipagtalo nila Mishy kay Luke na siguradong hindi sasama sa kanila. He's stubborn. Kahit pa na patayin siya paniguradong gagawin niya kung ano ang gusto niyang gawin. "Matatagalan kami. Kaladkarin ko na lang kaya to?" iritadong tanong ni Mishy.  Always the impatient one. Nagsalita ako. "No. Let me talk to him." "I'm not born yesterday, woman-" "Put it on!" Natawa ako. Magaling sa field si Mishy pero pinakaayaw niya ng mga mission na kainakailangan niyang makipag-interact na hindi niya kinakailangang patulugin sa sipa o suntok niya ang kausap. Wala naman siyang magagawa since lower mission lang ang nabigay sa kaniya. Not those dangerous missions that she always get for herself. "Eagle, go to the elevator. Your five minutes is up. Strike, let me talk to him." "O, ayan naka kabit na." boses ni Luke. Mukhang napapayag na siya ni Mishy sa gusto nito. Mabuti naman dahil hindi ko gustong makita siyang kinakaladkad ni Mishy papunta rito. Not a pretty sight. "Honey pie." Kumunot ang noo ni PJ sa narinig na sinabi ko. Pagkaraan ay natatawa na. Inirapan ko siya at binalik ko ang atensyon ko sa monitor. "Katherine?" "Sshh! Sumunod ka na lang kay agent strike, please?" "Agent what?" "I'll explain later. Since alam mo na ang tungkol samin kailangan kong i-explain sayo mamaya but for now, sumunod ka na muna." "Fine. Here, little girl, nakausap ko na si Kat." Maya-maya ay naririnig ko na si MIshy. "Pigilan mo ako, Book. Ako na mismo ang papatay sa isang to." "He's stubborn, I know." "I want to wring his neck." "You can't." "Bummer." Natawa ako. "Just hurry up." Tumingin ako sa monitor at nakita ko ang pagbabago ng numero ng elevator. Base narin sa dots na sumisimbolo kaila Mishy at Ethan ay iba ang dinaanan nila Mishy. Like I've said before, si Ethan ang magiging diversion. May pagsabog kaming narinig ngunit nanatili akong kalmado. They'll be fine. Mas kakabahan pa ako para sa sarili ko pero hindi sa magkapatid na iyon. "Everyone, okay?" tanong ni PJ. "Wew! Muntik na ako roon." narinig kong sambit ni Ethan. Nagsalita rin si Mishy na base sa naririnig kong ingay ay nakaalis na sila sa gusali ni Lucas. "I think I need stitches." Napalingon ako kay PJ ng biglang tumaas ang boses niya. "What?! Anong nangyari?" "I'm fine. Nasabit lang ako kanina." Tahimik na tumayo ako at inihanda ang mga gagamitin para i-treat ang wound ni Mishy. Ayokong marinig kung gaano nag-aalala si PJ sa kaniya. Minasna naiisip ko, parehas lang kami ni PJ. Nagpapakatanga parin siya sa taong hindi maaring maging sa kaniya...at ganoon din ako. Napangiwi ako ng wala sa sariling nasugat ako ng maliit na scalpel na nasa isang tabi. "Kat?" Kumuha ako ng bulak at idinampi ko iyon sa sugat ko. "What?" "I heard you winced." "Hindi ah." "Liar." Naramdaman ko ang paglapit niya at iniikot niya ako paharap sa kaniya. Napailing siya ng makita ang sugat ko at siya na ang nagtuloy ng ginagawa ko kanina. Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagamot niya ako. Ayokong umasa. Ayokong umasa na natututunan na niya akong mahalin. Pero isang bahagi ng puso ko ang hindi maiwasang isipin na unti-unti na niya akong nakikita. Hindi bilang si Kat, hindi bilang kaibigan niya at hindi bilang ang babaeng may responsibilidad siya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagtama ang mga mata namin. Like before, I couldn't manage to look away. Like he's casting a spell, a spell to keep me lost forever in his eyes. The things is, it doesn't matter. Because I'm willing to stop time at this moment. In the blink of an eye, his lips went down on mine. I parted my lips and accept his kiss. A kiss that I imagined countless of times. He lift me up and put me down on the laboratory table without breaking the kiss. I wrapped my legs around his waist while I answered his kisses hungrily. We we're both trapped inside our own bubble that we didn't notice that three pair of eyes were watching us. If not for the sound, one of them made, I don't think we will ever notice them. "Erm, balik na lang kaya kami mamaya?" Nag a-alinlangang sabi ni Mishy na namumula ang mukhang nakatingin sa amin. Ang dalawang lalaking kasama niya naman ay nakangangang nakatingin lang sa amin ni PJ. Mabilis na bumaba ako sa table at inayos ko ang damit ko. Nilingon ko si PJ na nakayuko at namumula. Tumikhim ako at seryosong tinignan ang tatlo. "Let's start the debriefing."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD