CHAPTER 6
It's one in the afternoon. An another boring afternoon. Kasalukuyan akong nasa hallway habang tulak-tulak ko ang isang cart. May dalawang malaking rectangular stainless na lalagyan don. Pumasok ako sa loob ng isang pintuan na nasa dulo ng pasilyo.
May conference ang mga agents.
"Hi guys." bati ko sa kanila. Inirapan ko lang si PJ na imbis na tulungan ako ay ibinalik sa binabasa niyang libro ang atensyon. Napaka gentle man talaga ng asyong na ito.
Lumapit sa akin si Poseidon na siyang nagtayo ng mga stainless rectangular container. Nilapag ko sa harapan nila ang dalawang remote na maliit na magkasama sa isang key chain. May dalawang button lang yung remote, simple on and off.
"This two are the remote of my two robots..Graciella and Gabriel."
Nakakunot noo na nag salita si PJ. "What kind of robots? At saka bat hindi namin alam na gumagawa ka pala? And what it is for?"
"Wow, hindi ka ba hiningal niyan? Chill ka lang lolo." Nang sumimangot siya ay nag peace sign lang ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "It's a humanoid. Para lang ito sa BHO and I don't have plans on selling it."
"Humanoid?"
"Julit julit tayo?"
Napatingin ako sa boss ko ng makita kong napapangiti na lang siya. Nag pout ako at masama ang loob na sumagot ng maayos. "Yup, it's a humanoid."
Binuksan ko ang dalawang rectangular stainless at pagkatapos ay pinindot ko ang 'on' button. Kaniya-kaniyang layo ang ginawa ng mga agents ng lumabas sa rectangular container ang dalawang humanoid na ginawa ko. Si PJ lang ata ang nanatili sa kinauupuan niya.
Nang mukhang maka-move on na ang mga agents sa pagkagulat ay lumapit na sila kay Graciella at Gabriel upang usisain ito.
"Anong kaya nilang gawin?" tanong ni PJ na nilalaro sa kamay niya ang isang ballpen. Napakurap ako. Bakit ba lahat ng gawin ng taong ito ay nakakapagpawala na lang sa akin sa sarili?
"Dahil sa chip na nilagay ko sa kanila, nakakaregister sila ng mga commands, so anything na i-utos mo sa kanila basta posibleng magawa ng tao, magagawa nila. Of course because they don't need bones they're quite stronger than us. They are pure metal. But they cannot be use as weapon."
Marami pa silang mga itinanong at matiyaga ko namang sinagot ang mga iyon. Nang matapos ang meeting bumalik na ako sa room ko kasama sina graciella at gabriel na nakasunod sakin.
Mabilis na nag ayos ako ng makarating ako sa loob ng kwarto. Nang matapos ay tumuloy ako sa parking lot ng headquarters. May interview pa kami ni PJ dahil napagdesisyunan naming gawin na ito. Wala din namang saysay na patagalin pa namin lalo na at alam naman naming pareho na kailangan parin dumating sa puntong ito.
"Ang tagal mo."
"Alangan namang pumunta ako sa interview na nakasuot ng jeans at saka t-shirt?"
He just rolled his eyes. Pinaandar na niya ang sasakyan habang ako naman ay sumandal sa bintana at tinignan siya.
"Where do you two met each other?" tanong ko sa kaniya.
Bumuntong hininga si PJ. Ilan araw na naming kinakabisado ang mga tanong na alam kong tatanungin sa interview. Kaibigan ko kasi ang host ng show na iyon.
"We went to the same university. We dated and the rest was history."
"So how long do you know each other?"
"7 years or longer than that. I don't kep tabs."
"How did the picture get out on the media?"muling tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa kami sigurado ngayon pero hinahanap na namin ang taong iyon. Maaring isa lang iyon sa mga kalaban sa negosyo o marahil ay may gustong sumira sa relasyon namin ni Kat."
"What's your future plan? Are you serious about her?"
"Yes, you can say that...actually we're planning to get married."
I smiled sadly. Kung sana totoo na lang ang lahat. Kung sana totoong may nararamdaman siya para sa akin. Ayokong sumuko, pero hindi ibig sabihin non sanay na ako sa sakit na dinudulot ng katotohanan.
"Okay na?" nababagot na tanong niya.
"Yes."
Nang makarating kami sa studio ay kaagad na tinulungan kami ng mga guard na makapasok ng hindi nalalapitan ng mga tao. Karamihan sa mga iyon ay lalaki na malamang ay isa sa mga fans ko.
Pagpasok ng pagpasok namin ay sinalubong na kami agad ng aking manager na si Natalie. "Good, nakarating ka narin."
"Relax, natalie."
"Paano ako mag re-relax? Alam mo ba kung gaano ako nagulat ng maklita ko yung picture? Ni hindi ko ng alam na may dinedate ka."
Napatingin ako kay PJ ng marinig namin ang intro ni Rhea na bumati sa mga tao sa labas. Mukhang kailangan na naming mag handa.
"We have a very special guests today. Maraming nag tataka kung ano talaga ang score between this very beautiful woman and this super handsome mysterious guy...and now they decided to break their silence."
"You're up in five seconds."
Tinanguhan ko ang manager ko at hinila ko na palapit sa akin si PJ na mukhang nag a-alinlangan na. He's not used to this and I do.
"Lets welcome, Katherine Von with her handsome and yummy mysterious guy."
PJ hold my hand then lumabas na kami. Lalong nag-ingay ang mga tao. Umupo kami sa sofa na katapat ng upuan ni Rhea.
"Hi Katherine."
"Hi, Rhea."
"Nervous?"
"A little." I staged a laugh. "Well, maybe more than a little."
Nagtawanan ang mga tao. Tumingin ako kay PJ na mukhang pinipigilan na lumabas ang masungit look niya. Hindi ko naman siya masisisi. Napapaligiran siya ng mga pekeng tao. It's part of the bussiness.
"So Katherine, introduce mo naman kami sa katabi mo na super handsomeness."
Tinignan ko si PJ then I smiled a nervous smile. He squeezed my hand reasurringly. "His name is Paris James Roqas."
"Oooohh...I think I heard his name before. Mr Roqas, are you the owner of the Roqas Technology?"
"Yes I'am and call me PJ."
"PJ, okay. Well, Pj, here is my first question for you."
Gaya ng inaasahan ay ang mga praktisado naming mga tanong ang tinanong ni Rhea. Madali naman naming nasagot ang mga ito. PJ is a natural. Hindi mahahalata ang kaba sa kaniya, kung meron man.
"What's your future plan? Are you serious about Katherine? Cause if you're not marami dito ang ha-huntingin ka."
Nag close up pa sa mga guys sa audience ang camera. Ngumiti lang si PJ. HIs handsome and dazzling smile.
"Yes, you can say that, actually we're planning to get married."
Napuno ng sigawan ang buong studio. Kahit ang mga staff na ilang beses ko naring nakita ay nagsisitilian narin ngayon. NAng humupa ang ingay ay nakangiting nag salita ulit si Rhea.
"Wow! Katherine Von is getting married! So that clears everything everyone. Officially taken na si Katherine Von kaya boys, back off."
Binaba ni Rhea ang hawak niyang card. May kung anong bumundol na kaba sa dibdib ko. Kilala ko siya at alam kong kapag ganito ang kilos niya ay may susunod na tanong na wala sa hawak niyang card.
"I have another question for you, PJ."
"Yes?"
"How much do you love her?"
Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni PJ. Nilingon ko siya at nakita kong hindi parin nawawala ang composure ng mukha niya. But I knew better.
"Yes I do love her, I can't tell you how much..but all I know is I love her."
I tried to control my emotion. Gaano na ba katagal na hiniling ko na marinig kay PJ lahat ng to? Pero ang sakit lang kasi alam kong hindi naman para sa akin ang sinabi niya. Alam ko ang totoo. It's for mishy. It can never be for me. I'm just a woman who's wishing that it was for me.
"That's so sweet! How about you Katherine? How much do you love PJ?"
Sumagot ako ng walang pag-aalinlangan "Hindi ko din masasabi kung gaano ko siya kamahal. But what I do know is that I love him more than anything....maybe even more than life itself."
Mukhang may nabasa si Rhea na kung ano sa akin dahil pilit ang ngiti na humarap siya sa audience. "Let's thank this two sweet couple for visiting us here on Chitchat. Stay tune for more!"
Nang mag on na yung commercial tumayo na kami ni PJ at kinamayan si Rhea. "I'm so happy for you katherine!"
"Thank you Rhea."
Nagpaalam lang ako sa manager ko at pagkatapos ay tumuloy na kami sa sasakyan ni PJ. Tahimik na pinaandar niya iyon. Hindi ko na siya kinulit dahil wala na naman akong ganang magsalita.
"Kat?"
"Hmm?"
"Yung sinabi mo kanina..."
"What about it?"
"Gusto ko lang itanong kung may tao ka bang mahal? Kasi the way you said those words, parang may tao kang minamahal."
"Kailangan ba may special someone ako para lang masabi ko yon?"
"For me, yes."
Hindi ko na siya inusisa sa sinabi niya at nagkibit-balikat na lang ako. I dont want to hear it now. Ayokong malaman ang tungkol sa nararamdaman niya para kay Mishy.
"Ano nga?" untag niya sa akin.
"Meron."
"And?"
"He belong to someone else."
"May asawa na or girlfriend?"
"Wala pa."
Kumunot ang noo ni PJ. "So bakit sabi mo 'he belong to someone else'kung single pa naman siya?"
Tumingin ako sa kaniya. And knowing that he can't look at me because he's driving, hinayaan kong bumakas sa mukha ko ang mga emosyon na hindi ko maipakita sa kaniya.
"Because his heart belong to someone else. How can I compete with that?"