CHAPTER 5
Actually hindi ko naman kailangang lumabas pa para bumili ng ice cream kaso wala lang, napag tripan ko lang mag aksaya ng gasolina para mag hanap ng 7/eleven at bumuli ng over rated na ice cream na uso ngayon..
Habang naglalakad ako sa hallway ng BHO dala-dala ang plastic bag ng 7/eleven ay kinakausap ko ang hawak kong ice cream.
"Napakamahal mo naman, fifty pesos para sa maliit na ice cream na katulad mo? Galing ka daw ng belgian. Ano namang pinag kaiba ng ice cream dito at ng sa belgian?"
Binuksan ko ang pinto ng laboratory habang kumakagat-kagat sa ice cream. "Sabagay masarap nga."
Naabutan ko si PJ na kaharap na naman ang asawa niyang computer.
"HOY!"
Hindi man nagulat na pinagpatuloy niya lang ang ginagawa. Kung sabagay puno ng monitor ang laboratory namin ni PJ. Laboratory lang ang tawag namin pero ang totoo laboratory c*m control room ito.
"Sungit."
Inikot ni PJ ang swivel chair at humarap sa akin. Napakagat tuloy ako sa ice cream ng wala sa oras. Aray! Ang lamig.
"Magnum ba yan? Yung mahal na ice cream?"
"Oo, wala pa silang tinda na ganito sa dining hall eh."
Kumagat na naman ako don sa ice cream. Tumingin ako don sa monitor ng computer while I continued biting and licking the ice cream.
"Hmm."
Napatingin ako kay PJ. Problema nito?Nakakunot yung noo niya habang nakatingin sakin. "What? Makatingin naman to."
"Wala."
Tumayo ako at lumapit kay PJ. "O, ayan tikman mo na. Hindi ko naman kinagatan yung isang side."
"Ayoko."
"Arte nito. Kanina ka pa naka tingin eh."
Bumuntong hininga siya tapos kumagat don sa isang side. Napakagat-labi ako. Ang gwapo talaga ng lalaking to. Walang itatapon. Parang mas yummy pa siya kesa sa ice cream.
Hindi sinasadiyang nagtama ang mga mata namin. Tumayo siya ng hindi naghihiwalay ang aming mga paningin...at dahan-dahang bumaba ang kaniyang mukha. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin, like we're under a spell. Our lips starts to get closer and closer.
Naputol lang ang aming pagtitigan ng walang babalang bumalibag pabukas ang pintuan. Parang gusto ko ng pumalaw ng iyak. Iyon na yon eh! Konting-konti na lang!
Napasimangot na lang ako ng makita kong si Boss ang nandoon. Nanunuduyong nakatingin siya sa amin na mukhang alam kung ano ang balak sana naming gawin.
"Kat." untag sa akin ni Poseidon.
"Yes, MASTER?"
"May pag-uusapan tayo. Come with me to my office."
Nakasimangot na sumunod ako. Nang nasa labas na kami ay pinalo ko ang braso ni Poseidon. Ganiyan lang kami. Hindi naman kasi kami itinrato ni Poseidon na parang iba sa kaniya.
"I hate you! ang lapit lapit na tapos ng istorbo ka pa!"
"Aba anong malay ko? At saka may naked picture na nga kayo, para halik lang yung naudlot."
"Wala akong maalala sa nangyari sa amin."
Tatawa-tawa siya hanggang makapasok na kami sa loob ng office niya. Umupo ako sa katapat na upuan ng upuan niya. Nang maupo na siya roon ay nagsalita ako.
"Anong pag-uusapan natin?"
"Its about the picture. I'm afraid you need to talk to the media immiediately. We can't take the risk of them digging further information about you though wala naman talagang informations about you being here in BHO, mas mabuti parin ang mag-ingat."
"I'll take care of it."
"Anyway, itutuloy mo pa ba ang feild training mo?"
"Yes, though mas gusto ko parin sa experiment department. But I think I can handle the field.
Nagpaalam na ako sa kaniya pagkaraan at lumabas na. Hindi na ako tumuloy sa laboratory namin ni PJ at dumiretso na lang ako sa personal kong office. Pagpasok roon ay nilapitan ko ang robot na nasa isang tabi.
Its a humanoid. Ang ibang details na lang sa mukha ang hindi ko pa natatapos. Para lang akong gumagawa ng 'life like baby'. If you research it makakakita kayo ng mga dolls ng mukang baby talaga.
Ang pagkakaiba lang ay adult version ang ginagawa ko and it's not a doll. I inserted a chip to it so it can follow my commands. Bihira lang ang gumagawa ng mga ganito dahil may kamahalan ang materials na kailangang gamitin.
Gumawa ako nito hindi para ibenta kundi para lamang sa BHO. It's my project. Sa ngayon nga ay kinakailangan ko na lang siyang pintahan. I need to blend different colors para magmukhang skin ng human ang ginagawa ko.
Poseidon knows what I'm doing. Since wala naman siya sa aking binibigay pang project ay gumawa na lang ako ng sarili kong gagawin.
May isa pa akong nakastand by lang ngayon dahil hinuhuli ko talaga ang paggawa ng details ng mukha ng mga humanoids ko. Ayoko naman kasing magmukhang bara-bara na lang ang itsura nito.
"KATERINA VON, PLEASE GO TO THE LAB."
Napakamot ako sa noo ko at lumabas na ako. Tuloy-tuloy na pumasok ako sa laboratory at naabutan ko don ang iba pang mga agents.
"May mission kayo?"
"Yup." sagot ng isa sa mga agents.
Nilapitan ko si Marie Axel at tinulungan ko siyang mag-kabit ng listening device. Bumulong ako sa kaniya. "Pag katapos niyo ng mission bili mo naman ako ng magnum ice cream ha? Babayaran ko mamaya."
Nakangiting tumango si Marie Axel.
I'm so stressed out at ice cream lang ang maaring makawala noon. Kung paano nagagawa iyon ng pobreng ice cream ay ako na lang ang makakaalam. Walang basagan ng trip.