CHAPTER 4
Nakasimangot na lumapit ako kay PJ na may kinakalikot sa computer niya. Nasa headquarters kami ngayon. Ilang linggo na ang nakalilipas mula ng maganap ang mga rebelasyon sa pagitan namin ni Eduardo Von, ang nakagisnan kong ama na ngayon ay bumalik na sa Spain.
"Paris James!"
"You're to loud, woman."
"Ewan ko sayo. Anyhoo, matanong ko lang."
"Ano?"
"Ipapaanounce na natin ang engagement kuno natin sa friday diba? Gusto ko lang itanong kung hanggang kailan natin paninindigan ang pagiging mag fiance."
Tinaasan ko lang siya ng kilay ng tumingin siya sa akin. Bumuntong-hininga siya. "Masyadong halata kung ititigil natin kaagad. Let's stay like this for a few months then we can make our break up public."
He is so not interested. Kaya pa Kat? Hmm. "So walang exact date?"
"Wala, pero sinabi ko naman sayo non, hindi natin pwedeng isa walang bahala ang lahat. Wala naman sigurong problema kung totohanin natin lahat."
Parang may mga anghel na tumutugtog ng harp ang nakapalibot sakin. "Walang problema sayo kahit totohanin natin?"
"I'm old enough to marry someone. Isa pa kailangan kong panagutan ang nangyari."
"We dont love each other."
A lie. Well, for me its a lie, dahil mahal ko siya.
"Does it matter? May mahal na naman ng ib-...I mean mag kaibagan naman tayo at wala namang magiging problema kung mag kasama tayo. I guess its a smart thing to do."
Tumango lang ako at tumalikod para kutintingin ang laptop ko na nasa isang gilid. Ngunit ang totoo, itinago ko lang ang emosyon na alam kong makikita sa aking mukha. Dahil alam ko ang nais niyang sabihin na hindi niya naituloy kanina.
Kung ako na lang sana ang minahal niya eh di sana hindi siya nasasaktan...at hindi ako nasasaktan.
Malalim na bumuntong-hininga ako at lumabas ng laboratory namin ni PJ. Tumuloy ako sa dining hall. Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad papunta roon.
"Kung ako na lang sana ang yong minahal di ka na muling mag iisa..."
"Kung ako na lang sana ang iyong minahal. Di ka na muling luluha pa!"
Nilingon ko iyong nagtuloy ng kanta. Si Hex! The super yummylicious Hex Kian Esmeria. Close na close kami dahil pareho kaming sawi sa pag-ibig. Siya lang din ang napagsasabihin ko ng mga hinaing ko sa buhay.
"HEX!" Tinalunan ko siya at sinalo naman niya ako.
Wala kaming malisya sa isa't-sa. Don't get me wrong. Hindi katulad ng sitwasyon namin ni PJ ang stado ng relasyon namin ni Hex. Sa katunayan may babaeng mahal si Hex. Ang kaso kailangan nilang mag hiwalay dahil sa isang aksidente, hinahanap niya iyong babae na iyon. And voila! Natagpuan niya iyon mismo dito sa BHO. Nag kausap na sila ni Hex pero mukang kailangan mag pakahirap si Hex para makuha ulit ang puso ni Zyth.
"Aray! ang bigat mo!"
"Ang kapal! Perfect ang weight ko no! Baka pumapalya na yang muscles mo."
Tumawa lang siya. Inalalayan niya ako at kumuha na kami ng table. SIya na din ang umorder na pagkain ko. Nang makabalik siya ay hinarap niya ako.
"So Katherine."
"Hmm?"
Siya lang ang tumatawag sakin dito ng english name ko. Mas maganda daw sa pandinig niya at ayaw niya daw na makigaya sa iba.
"I saw your picture with PJ...naked."
Muntik akong mabulunan. One of hex charms, his frankness. Kaya siguro naging magkaibigan kami. Ayoko kasi ng mga taong pinapaikot-ikot pa ako.
"Wala naman."
"Wala ba yon? You two looked like you had a wild love making."
Sinimangutan ko siya. "Ano ba sa tingin mo? We're naked and I look disheveled. Pj had a smudge of lipstick at kalat kalat din ang lipstick ko. Ano sa tingin mo ang ginawa namin at may picture kaming ganon? Nag photoshoot?"
Natatawang sinubuan niya ako ng nachos na kinakain niya .I wrinkled my nose ng nalagyan ako ng mayonaisse sa lips ko. Pupunasan niya na sana kaso may tumikhim sa likuran namin. Si PJ.
"Excuse me...puno na kasi yung mga table kaya dito na lang ako."
Basta na lang siya umupo habang si Hex naman ay nanunudyong tinignan ako. PInanlakihan ko lang siya ng mga mata.
Nilingon ako ni Pj at pinunasan ang labi ko pagkatapos ay kumunot yung noo niya na parang iniisip niya kung bakit ginawa niya iyon.
"Pare." untag ni Hex rito.
"Yes?"
"Kat and I we're just talking about your naked picture with her."
Napaubo ako. Inabutan ako ni PJ ng tubig na inunahan na si Hex napangiti-ngiti lang. Halatang nanadiya ang hudyo.
"What about it?"
"Wala naman, naisip ko lang na how wonderful that may be. I mean mag bestfriend naman kayo and maybe na in love kayo sa-"
"Nag kainuman kami. Lasing kami that time, Hex." singit ko sa usapan.
"Oww...so what are you're plans Roqas? Wag mong sabihin sakin na wala lang sayo yon?"
Tumingin sakin si PJ bago sinagot ang tanong ni Hex. "I'll send you a copy of the magazine. Nandoon ang details ng pagpaplano naming magpakasal. We just don't have an engagement party since wala kaming oras para roon."
Oras niya siguro pero hindi sa akin. Oh well, ang mahalaga hindi ko mabago ang isip niyang ituloy ang kasal.
"Good. Kat is like a sister to me and you're also my friend. I don't believe your the I'll-F@ck-You-And-Goodbye type of guy. So, good. Hey Kat, see you later, may pupuntahan pa ako."
Ngumuso ako at tumango. Siguradong kay Zyth pupunta iyon kaya nagmamadali. Halatado ang mama.
"Ngayon ko nalaman kung san mo nakuha ang makulay mong bokabularyo."
Nakasimangot na nilingon ko si PJ. "Matagal na akong ganto and you know that. There's nothing wrong in being honest pero hindi naman ako insensitive. Pag hindi kaya ng kausap ko ang sasabihin ko, hindi na ako nag sasalita."
"Yeh, Right. Kaya pala lagi mo akong sinasagot."
I gave him a sheepish smile. "Iba ka naman. I know you can handle my sword-like-words."
"Sabagay sanay na ako."
"Dapat lang. Since I'll be your Mrs Roqas."
Natahimik si PJ at nanatiling nakatingin lamang sa akin. I gave him a 'what' look pero hindi siya nagsalita. I rolled my eyes at him. Parang gusto ko ulit kantahin yung kinakanta ko kanina.
"Jeez old man! Its just a joke."
Hindi na siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nanggigigil na dinurog ko ang nachos sa harapan ko sa gigil ko sa kaniya. Kung hindi ko lang mahal ang isang to matagal ko na siyang nilason.
Bigla akong tumayo na ikinatingin niya.
"Gotta go."
"San ka pupunta?"
Magpapakamatay. Baka sakaling maisip mo na may isang dyosang katulad ko na nag e-exist sa mundong ibabaw.
"Kakain ng ice cream."
Ice Cream, I need you!