Cinco

2116 Words
Maureen's point of view Nagising ako alas tres ng umaga at ang una kong ginawa ay tinignan ang kwarto nila Papa at Mama. Maayos pa rin ang kama at hindi nagalaw.  Kumuha ako ng jacket bago lumabas. Tahimik ang buong paligid. Nilalabanan ko ang antok ko at gusto kong maghintay hanggang dumating sila Mama. Tinawagan ko rin sila ng ilang beses at tulad kahapon nagri-ring lang ang kay Papa habang ang cellphone ni Mama at Ate ay unattended pa rin. Ilang minuto pa akong nasa labas ng hindi ko na mapaglabanan ang antok kaya bumalik ako sa sala para umidlip.   "MAUREEEEENNNNNNNN! MAUREEEENNNNNN!!!" Nagising ako dahil sa ingay sa labas at malakas na pagtawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa orasan alas singko na. Sino kaya yang maingay sa labas? Ang aga pa naman, tumingin muna ako sa kwarto nila Mama at Papa bago ako lumabas. Nakita ko sa labas ng gate si Aling Tisang. Pagkakita niya sa akin ay naiiyak itong tumingin.  "Maureeennnn . . . Jusko, Maureeennnn. Naku, jusko po!" natatarantang sabi niya na 'di mapakali kaya agad akong lumapit dito. "Bakit po? Ano pong nangyari? Aling Tisang. Kumalma po kayo," sabi ko rito. "Aling Tisang ano ba! Kailangan niyo po ba ang tubig? Bakit po?" Hindi ko na napigilang tumaas ang boses dahil sa kinikilos nito at hindi agad sabihin kong ano ang nangyayari. Bigla akong kinabahan dahil sa kanya.  "Nasaan ang papa mo?" nanginginig na sabi nito. " Ang mama mo? Nasaan sila? Maureen nasaan sila? Di ba umalis sila kahapon para pumunta sa kabilang bayan?"  "Po, bakit? Umalis po sila kahapon. 'Di pa sila nakakabalik hanggang ngayon, bakit po? " inis na sabi ko dahil kinakabahan na rin ako sa ginagawa niya. Ilang beses siyang nag sign of the cross kaya mas kinabahan ako sa kinikilos niya. " Aling tisang ano po bang nagyayari? Bakit ganyan ang mga tanong niyo at ginagawa! Natatakot na ako sa kinikilos niyo. Ano ba!" sigaw ko. Lumakas na ang boses ko sa kaba.  " M-may balita akong narinig sa radyo. May nahulog daw na truck duon sa bangin malalim na kakawayan. Dalawa raw patay. H-huwag naman po sana," sabi niya na 'di mapakali. Para akong statwa na hindi nakagalaw sa sinabi niya. Hindi-hindi sina Papa 'yun, walang patay sa Pamilya. Hindi pwede, ibang truck ang nahulog at hindi ang sinasakyan nila Papa.  "HA HA hindi sina Papa yun," pilit na tawa kong sabi. " Aling Tisang pauwi na po ang magulang ko. K-kasama si Ate, a-alam ko po na hindi sila ang nahulog sa bangin. P-pauwi na po ang pamilya ko."  Paulit-ulit na sabi ko at hindi alintana ang luhang tumutulo mula sa aking mata. Bumigat ang pakiramdam ko. Pati ang pagtibok ng puso ko ay sobrang bili. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang phone ko. "M-Maureen puntahan-" "ALING TISANG ANO BA!! HINDI SILA PAPA 'YUN!" sigaw ko habang umiiyak. Tinawag ko si Ate. "A-ate, sumagot ka please . . . Papa sagutin nyo ang tawag ko. S-sagutin niyo please, a-ano ba b-bakit hirap kayong sagutin ang tawag ko!" naiinis na sabi ko. Ilang beses kong tinangkang tumawag pero walang sumasagot. Kahit nanginginig na ang kamay ko 'di ko tinigilang tawagan ang cellphone number nila Papa, Mama at Ate.    "Hay jusko, Maureen. okay ka lang ba?" agap ni aling Tisang ng mapaupo ako sa lupa. "Iha! Hindi pa naman sigurado. Ikaw na ang nagsabi na pauwi na sila." "B-buhay sila. H-hindi nila ako pwedeng iwan. B-buhay sila, b-buhay sila at babalikan ako. H-hindi p-pwedeng may mawala sa k-kanila.K-kakauwi ko pa lang, h-hindi pa natatapos ang b-bakasyon ko. G-gusto pa nila akong m-makasama kaya h-hindi pwedeng sila yun," umiiyak kong sabi. Kahit nanginginig ang kamay ko at nanlalabo ang paningin dahil sa luhang patuloy na bumabagsak, pilit ko pa ring tinawagan si Papa. "Ipagdasal natin 'yan, iha." Rinig kong sabi ni Aling Tisang na nakaalalay sa akin. "B-uhay sila Aling Tisang. H-hindi pwedeng hindi. H-hindi sila pwedeng m-mamatay. Kakauwi ko lang," umiiyak na sabi ko. "S-sabi nila b-babalik sila, m-madami pa kaming p-plano sa n-natitirang dalawang buwan ko rito." .........  Awang awa ang matanda sa kalagayan ni Maureen. Nanginginig ang kamay nito habang nakasakay sila sa tricycle papunta sa naganapan ng aksidente. Naiwan si Zyreen sa isang kapitbahay sa paki-usap na rin ni Aling Tisang.   "Maureen, kumalma ka. Tatagan mo ang loob mo," sabi ng matanda kay Maureen na walang tigil ang pag-iyak. Hindi na alam ni Aling Tisang kung paano ito papakalmahin. Pagdating nila sa bangin na binagsakan, madaming tao na nakiki-usisa. Sakto ring pag-akyat ng isang bangkay na pinagtulungan iakyat ng mga tao at pulis.  "H-hindi. H-hindi pwede ito, p-parehas lang pero h-hindi ang p-pamilya ko 'yan. H-hindi sila 'yan," mahinang sabi ni Maureen na bumubuhos pa rin ang luha. Nakatingin si Maureen sa bangin at kita niya ang truck na sinakyan mismo ng pamilya niya. Tumalikod siya at maglalakad na sana ng pinigilan siya ni Aling Tisang. "Maureen-" "A-alis na ako, h-hindi sila Papa 'yan. M-maniwala k-ka sa akin, p-parehas lang ang truck p-pero. . . pero h-hindi si Papa 'yan," hirap na sabi ni Maureen na basang basa na ang mukha at magulo na rin ang buhok. "M-maureen pakatatag ka. K-kailangan mong tignan-" "B-BAKIT KO TITIGNAN KONG ALAM KO NA H-HINDI SILA YAN. A-ANG KULIT MO, H-HINDI ANG P-PAMILYA KO YAN!" sigaw ni Maureen na itinutulak pa palayo si Aling Tisang pero wala itong ginawa kundi hawakan si Maureen. Napatingin si Maureen sa isang bangkay na nai-akyat at natulala siya sa telang nakalabas sa isang bangkay. Ito ay ang kakulay ng regalo niya sa kanyang Papa. " H- hindi. H-hindi pwede sila Papa 'yan," paulit-ulit na bulong niya habang hindi maalis ang tingin sa bangkay na natatakpan ng maliit na kumot. "Iha-" Dahan dahan siyang lumapit sa bangkay na kakaakyat pa lang. Dahan dahan niyang binaba ang kumot na nakabalot dito. "Pa---P-papa ko. Pa- hindi. H-hindi pwede. N-nananaginip l-lang ako. H-hindi ito pwedeng mangyari. S-sabi mo uuwi k-ka. Papa, gumising k-ka na. S-sabi mo i-ipapasyal mo pa ako, s-sabi mo s-susulitin mo ang mga b-buwan na k-kasama n-niyo ako. . . P-papa!"  Kahit ang mga nanunuod ay hindi kinaya ang eksena at ang iba ay naiiyak sa nakikita nilang itsura ng dalaga.  "H- hindi pwede. Papa- papa gising na." Humahagulgol na sabi nito. Habang sinusubukang bigyan ng hangin sa bibig ang ama. " Pa-papa, please. 'Di mo ako pwedeng iwan. Papa! P-papa naman eh. H-hindi m-magandang biro ito. Papa ko!g-gising na kasi, p-papa k-ko h-hindi mo ako pwedeng iwan."  Umiiyak na sabi nito habang niyuyugyog ang Ama. Hindi alintana ang ayos at dugo sa suot niya. Lumapit ang matanda dito. " Maureen magpakatatag ka, iha." Kukunin na sana ang bangkay ng niyakap ito ni Maureen nang mahigpit habang umiiyak. Walang nagawa ang mga kukuha sana ng bangkay.  "H-HINDI!! BUHAY PA ANG PAPA KO. M-MAKAKASAMA KO PA SIYA! " sigaw nito at niyugyog ang ama. " Papa gising na. Papa ohhhh 'di ba ayaw mo kong makitang umiiyak Papa ko. G-gising na po, please. G-gumising ka naman na ohhh h-hindi magandang biro ito. A-ayoko nito, P-papa imulat mo yung mata mo." Walang tigil sa pag-iyak ang dalaga.  Awang awa naman ang mga nasa lugar sa nakikitang eksena. "AHHHHHHHHH HINDI PWEDE!P-PUTCHANGENAAAA NAMAN, H-HINDI PWEDE. P-PANAGINIP LANG ITO!!" sigaw ni Maureen ng makita niya ang ina na wala na ring buhay at itinabi sa bangkay ng ama. "H-hindi. H-hindi ito pwedeng m-mangyari. H-hindi niyo ako iiwan. N-nanaginip lang ako," sunod sunod na iling ang ginawa niya. Nilapitan niya ang ina at niyakap. "M-mama---- ano ba? Bakit ayaw niyong gumising. Mama . . . M-Mama ko. Gumising ka na oh gisingin mo si P-Papa. Mama please. G-gising ka na." Nagmamakaawa si Maureen habang niyuyugyog ang katawan ng ina. "M-mama ang d-Daya niyo naman. K-kakauwi ko pa lang oh. D-di ba susulitin pa natin ang tatlong buwang bakasyon ko dito. M-ma, nakaka isang buwan pa lang oh, isang buwan niyo pa lang ako nakakasama. G-gising na," hagulgol ni Maureen ang naririnig sa buong lugar. Ilang beses na rin lumapit ang mga pulis para ilayo ang dalaga pero ayaw nitong umalis. "M-mama please gising ka na. Mama.... P-papa gising na kayo oh. 'Di ba hihintayin ko pa pagbalik niyo. B-bakit ganito? Papa naman, eh, 'di magandang biro ito. Tangeena naman eh, edi sana hindi na lang ako umuwi kung ganito lang pala. S-sabi niyo m-mahal niyo ako b-bakit iiwan niyo ako." Walang tigil ang pag-iyak ni Maureen hindi alintana ang dugo na kumakapit sa kanya.  "Maureen, nasabi sa 'kin na ang kambal mo raw naidala sa hospital," sabi ni aling Tisang kay Maureen. Naawa ang matanda sa itsura ni Maureen ngayon.  "Si ate... Kamusta ang ate ko?" umiiyak pa ring sabi niya. Walang maisagot ang matanda. "AAAHHHHHH AYOKO NITO. HINDI ITO TOTOO. NANAGINIP LANG AKO. GUSTO KO NG BUMALIK SA CANADA. Pa-papa gising ka na. Sige ka pag 'di pa kayo gumising ni Mama. Uuwi na akong Canada. 'Di nyo na makikita ang maganda niyong anak. Ma- mama please gising na."  Dahil sa nanghihina na rin ang dalaga. Nakuha na ang bangkay ng magulang nito para dalhin sa morgue. Ang matanda naman ay sinamahan ang tulalang si Maureen sa hospital kung nasaan ang kambal nito. " Anak, Maureen. Magpakatatag ka. Makakaya mo 'to. Tahan na iha," sabi ni aling Tisang kay Maureen, na hindi alam kung paano pagagaanin ang loob.  "B-buhay pa sila. Alam ko buhay pa sila. N-nananaginip lang ako," mahinang sabi ni Maureen na patuloy ang pagtulo ng luha at wala ng paki-alam sa paligid. " Kaya mo 'to. Malalampasan mo 'to. Manalig ka, Iha."  Pagdating nila sa hospital ay nakita nila ang kambal niya na napapalibutan ng ilang doctor.  Agad tumakbo si Maureen dito. At hinawakan ang kamay. Sinubukang paalisin siya ng mga nurse pero mahigpit din ang hawak ng pasyente kay Maureen. Hindi binitawan ni Maureen ang kamay ni Zaureen.  "A-ate, please. 'Di ko na k-kakayanin. Ate, mamamatay ako. A-ate huwag mo kong iwan. Kambal kita 'di ba, m-may pangako ka pa sa akin na magsasama tayo. S-sinabi ko sayo na alagaan si M-mama at P-papa. . . b-binabawi ko na, a-alagaan mo na lang si Zyreen, wag kang sumunod kila Papa. 'D-di ba yung anak mo naghihintay sayo.... Ate please 'di ko na kakayanin pag pati ikaw mawawala sa akin." Pagmamakaawang pakiusap ni Maureen sa kambal. "A-ate Zaureen." "A-alagaan m-mo a-ang anak ko," nahihirapang sabi ni Zaureen na habol ang hininga. "Ate 'wag ka ng magsalita please lumaban ka," pagmamakaawa ni Maureen habang walang tigil sa pag-iyak.  "M-mahalin m-mo s-siya parang i-iyo. H-hwag m-mong i-bibigay kay Y-yzekiel. M-mahal na m-mahal ka namin, k-kambal." Huling sabi ni Zaureen bago dahan dahan na bumitaw ang kamay na nakahawak sa kakambal.  Nakita naman ito ni Maureen kaya umiiling siya. "H-hindi. A- ate, WAIT LANG ANG ATE KO. ATEEEE, ATE PLEASE WAG MO AKONG IIWAN. ATE. LUMABAN KA, PLEASE. HINDI KO NA KAYA PAG PATI IKAW IIWAN AKO! ATEEEE!" sigaw niya dahil hinihila na siya palayo sa kambal niya. " TANGEENA NIYO, ANG ATE KO!! ATEEE, H-HINDI KA PWEDENG MAWALA, H-HINDI KO NA KAKAYANIN. TANGEENA B-BITAWAN NIYO AKO, K-KAKAUSAPIN KO PA ANG ATE KO NA WAG AKONG IWAN. ATEEEE!" "Iha kailangan nilang gamutin si Zaureen," sabi ng matanda at hinila palayo si Maureen. "ATEEEEEE---- ATE MABUHAY KA PLEASE. ILIGTAS NIYO ANG ATE KO. AHHHHHHHHHHHA AYOKO NA. AYOKO NA. A-ATEEE! PUUTTAAAA-P-PUUUTTTANGEENANG BUHAY ITO!" sigaw ni Maureen na napasandal sa pader at hinayaan ang sariling bumagsak sa semento.  "A-ayoko na. D-di pwedeng mawala sila. B-babalikan pa nila ako. 'Di pa nila ako nakakasama ng matagal. B-bakit n-nangyayari sa akin ito, a-ang tagal kong n-nawala. H-hindi ko sila nakasama ng matagal t-tapos pag-uwi ko ganito na lang, a-anong kasalanan ko b-bakit kailanagn niyang k-kunin ang magulang ko. B-bakit sa akin p-pa, n-naging mabuti naman akong anak at k-kapatid. H-hindi ko n-na alam nkakagagoo," mahinang sabi ni Maureen habang patuloy ang pagbuhos ng luha nito. Niyakap ito ni aling Tisang, hindi alam ng matanda kung ano ang kailangang gawin dahil awang awa na siya kay Maureen.  "Iha lahat ng nangyayari may rason, hindi mo pwedeng sisishin ang nasa taas. Nadyan pa ang pamangkin mo, magpakatatag ka. Hindi ka pwedeng sumuko. Hindi magugustuhan ng Mama at Papa mo pag nakikita kang ganyan," sabi ni Aling Tisang. " Ang unfair po. K-kakauwi ko lang- hindi pa ako nagtatagal. Bakit iiwan na nila ako. A-ayoko po. D-di ko kaya.. aling Tisang please sabihin mo buhayin ang Ate ko. Please po," pakiusap ni Maureen sa matanda. "H-hindi niya pwedeng iwan ang a-anak niya, h-hindi niya pwedeng iwan si Zyreen. A-ang bata pa ng anak niya para mawalan ng ina."  Patuloy na umiiyak ang dalaga hanggang sa mawalan siya ng malay dahil na rin sa pagod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD