Cuatro

2752 Words
Maureen's point of view Pagkatapos kong marinig ang kwento ni Ate hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Kay Ate ba na marupok at nagpakatanga sa pag-ibig? o sa lalaking makapal ang mukha para sabihing ipa- abort ang pamangkin ko. "Kambal-" "Wait lang, Ate. Prina- process pa ng utak ko ang mga kwento mo. . . pero fvck shet lang Ate ang Tan-g-a mo! Maganda ka, matalino at sexy bakit nakuha mong humabol ng lalaki at nakuha mo pang gapangin," inis na sabi ko at hinarap ito na naiiyak na naman. " Ate wag kang umiyak hindi ako galit. Hindi ko lang mai-imagine ang nagawa mong pagpapakabaliw isang walang balls na lalaki." Lumapit ako rito at inakbayan siya. "Shoot to kill na ba natin ang lalaking 'yun? Kapal ng mukhang magpahabol, ano siya boto na- ARAY ATE BAKIT KA MAPANAKIT!" gulat na sabi ko ng hampasin niya ng malakas ang left leg ko. "Kung siya boto, anong gusto mong palabasin? Aso ako?" may kalakasang sabi nito kaya ngumisi ako at lumayo ng konti sa kanya. "Hindi sa akin galit 'yan, Ate. Hahaha, " sagot ko.  Natigil ako sa pagtawa ng makita kong sumeryoso ang mukha nito na nakatingin sa kin. "Salamat Kambal sobrang laki talaga ng naitulong mo sa akin at sa Anak ko. Huwag kang mag-alala pag pwede ng iwan si Zyreen at malaki na siya, babalik ako sa Manila para magtrabaho. Tutulungan kita na magbigay kina Mama at Papa, pwede ka na ring manatili rito sa Pilipinas dahil ako naman ang magttrabaho para sa atin. Pangako 'yan," saad nito. Ngumiti naman ako rito, "alam mo Ate hindi naman ako nagrereklamo. Kung ano man ang naibibigay ko sa inyo na 'yun. At hindi naman ako papayag na bumalik ka sa Manila para magtrabahi at iwan si Zyreen. Kailangan ka niya at kailangan ka rin nina Mama at Papa. Hindi ako matatahimik sa Canada pag iiwan mo sila. Isa pa kaya ko pa namang magtrabaho." "Paano ka?" tanong ni Ate. "Okay naman ako sa trabaho at may mga kaibigan ako ruon. Masaya rin ako na nakakatulong sa inyo. Isa lang ang hiling ko," sabi ko at tinitigan siya sa mata. "Kausapin niyo ako pag may problema at wag kayong maglihim sa akin. Gusto kong malaman ang mga nangyayari rito, mas nag-aalala ako pag hindi kayo sumasagot sa tawag ko." "Oo, hindi na kami maglilihim. Salamat kambal," sabi nito at siya na mismo ang yumakap sa akin.  Masaya na ako at naka-usap ko si Ate. Na-miss ko siya lalo na at iniwasan niya ako ng ilang taon at ayaw niya akong kausapin kahit sa telepono man lang. Sabay sabay kaming kumain ng dinner na pinaka na-enjoy ko. Matagal tagal rin kasi akong nawala. "Anak wala ka bang boyfreind? HIndi mo ba ipapakilala sa amin?" tanong ni Mama habang kumakain kami. "Wala po Mama. Hindi pa tumitibok ang puso ko nang malakas," natatawang sagot ko. "Sa ganda mong 'yan, wala pa? Nasa tamang edad ka na Anak, kailangan mo rin maranasan ang magpamahal ng-" "Mama hindi pa ngayon. Tsaka kung mag b-boyfriend ako gusto ko 'yung kasing spag at gwapo ni Papa," sabi ko na ikinatawa nila. Si Ate ay tinanong rin kung may natitipuhan ako sa Canada 'yung foreigner, sinabi ko na wala. Gusto ko naman Pinoy ang maging boyfriend ko. Naging masaya naman ang unang araw ko sa bahay. At dahil para akong bata at sobrang namiss sina Mama at Papa duon ako sa kwarto nila natulog. Pauwi na ako. Maaga akong nagising kanina kaya naisipan kong mag jogging. Para na rin makapag- ikot sa lugar. Marami na ang pingabago ng lugar mula ng umalis ako. Kung dati kita ang hirap ng buong sitio, ngayon naman ay nagpapagandahan na ng bahay ang mga nakatira rito.  "Ang sexy mo na Maureen!" sigaw ni aling Tisang nang madaanan ko ang karenderia niya. "Thank you po!" sigaw ko pabalik bago muling tumakbo.  Unang umaga ko sa Pilipinas. At kahit madami akong nalaman kahapon pinili kong huwag isipin ang mga 'yun. Tatlong buwan lang ang bakasyon ko rito sa pilipinas bago ako ulit bumalik sa Canada dahil nanduon ang trabaho. Pinili kong sulitin ang bawat araw na nandito ako kasama ang pamilya ko. Naisip ko rin na nangyari na ang mga bagay-bagay kahit siguro umiyak ako o magalit wala ring mangyayari. Kaya mas mabuti pang tangapin at magpatuloy sa buhay. "Tita, goodmorning!" bati ni Zyreen sa akin. "Goodmorning din sayo, Zyreen baby. Anong ginagawa mo rito sa labas mag-isa?" tanong ko at inakay siya papasok ng bahay. "Hinihintay po kita, Tita. Di ba sabi mo po ipapasyal mo ako sa bayan at bibilhan ng mga dress na bagay sa 'kin," masayang sabi nito. Ang cute at ang ganda talaga ng pamangkin ko. Sigurado akong may itsura ang ama nito. Di naman siguro mababaliw ang kambal ko sa pangit. Kambal kami nun malamang magkamukha kami at parehas kaming maganda. "After nating mag almusal aalis agad tayo. Stay ka muna kay Mommy mo, huh. Magpapalit lang si Tita," sabi ko rito.  Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako at nakita ko na sila sa hapag kainan. Habang nag-aalmusal kami ay may binigay ako kay Papa. "Ano 'to anak?" sabi niya at binuksan ang laman ng envelop.  Ngumiti naman ako ng tumayo siya at yumakap sakin. "Maraming salamat anak, salamat talaga. Napakahalaga nito sa akin. Salamat at naibalik na."  "Walang anuman po. Sabi ko naman sa inyo Papa na akong bahala sa inyo. Lakas niyo kaya sa akin," sabi ko. Kumindat pa ako kay Papa na ikinatawa niya. Ang binigay ko ay ang titulo ng lupa na naisangla ni Papa nuon. Ang laki na ng interest bawat taon kaya nahirapan akong tubusin. 'Yun din ang pinag-ipunan ko ng mahabang panahon, hindi birong halaga na umabot ng milyon. "Ma, Pa at ikaw Ate. Bihis kayo labas tayong lahat kasama si Zyreen. Sagot ko," aya ko kaya napapalakpak pa si Zyreen. " Yehey ang bait mo po, Tita!" bola pa sakin ni Zyreen. Naging masaya ang kwentuhan namin, marami rin akong nalaman na nangyari habang wala ako. Naikwento sa akin ni Ate ang isang beses na pagkaka-hospital ni Papa dahil sa tumaas ang blood pressure at ang pagka-hospital rin ni Zyreen nung bata ito. Duon daw napunta ang perang pinadala ko na para sana sa pang-interest ng lupa, sabi ni Mama ayaw raw ipasabi sa akin ang nangyari para hindi na makadagdag sa alalahanin ko. "Papa naman. Pag may problema kayo rito o may nangyari at nasa Canada na ako. Huwag kayong magdadalawang isip na ipaalam sa akin, hindi kayo makakadagdag sa alalahanin ko. Kung may kailangan kayo sabihin niyo lang sa kin, kaya nga ako nagttrabaho para hindi kayo mahirapan. Ako ang bahala sa pamilya natin," paalala ko. "Kakapadala mo lang naman sa araw na 'yun Anak, kaya hindi ko na pinasabi baka mag-alala ka pa. At baka wala ka ng magastos sa sarili mo kung ipapadala mo pa ang natitirang pera mo. Mag-isa ka lang duon kailangan mo ng pera sa pangangailangan mo at pagsasaya rin pa minsan minsan," sabi ni Papa. "Mag-aalala talaga ako Papa kasi anak mo ako, sa susunod wala ng lihiman ah. Wag rin kayong mag-alala sa akin pag nanduon ako may mga kaibigan naman ako na malalapitan," seryosong sabi ko na sinang-ayunan nilang lahat. Nakarating kami sa bayan at agad kaming naglibot. Bukod kay Zyreen ay binilhan ko rin sila mama ng damit at kung ano ano pang kailangan sa bahay. Hinayaan ko rin si Mama na mag-grocery ng kahit na ano mang kailangan niya. Si Ate naman ay puro pangangailangan ni Zyreen ang pinili. Okay na raw 'yun sa kanya kaya hinayaan ko siya. Bago kami umuwi ay napagpasyahan naming kumain sa isang restaurant dito sa lugar namin. Makita ko lang na masaya ang pamilya ko, okay na ako. Sila lang naman ang dahilan kung bakit nakakaya kong magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa kanila. Para rin sa kanila ang ginagawa ko. Gusto ko hindi na nila problemahin ang pera. Sa panahon kasi ngayon malaking bagay sa buhay ang pera. Umuwi kami sa bahay at agad nakatulog sila Mama, Zyreen at Ate. "Anak, napagastos ka masyado. Sigurado ka bang may tira pa sayo?" tanong ni Papa na umupo sa tabi ko rito sa sala.  "Huwag po kayong mag-alala, Papa. Sabi ko naman 'di ba. Akong bahala sa inyo," sagot ko. Nagpasalamat siya sa akin sa lahat daw ng naitulong ko sa pamilya. Hindi naman showy o sa akin lang kasi hindi naman nila ako nakakasama. Minsan gusto kong manatili na lang para makasama sila lagi pero iniisip kong maghihirap lang kami pag hindi ako aalis at magttrabaho. "Papa, kamusta po ang kambal ko nang umuwi siya rito galing Manila? Kamusta po ang pagbubuntis niya? Wala bang naging problema?" sunod-sunod na tanong ko. Ayoko kasing magtanong kay Ate baka mag-iyakan pa kami. Ganun din kay mama, iiyak lang siyang magkkwento. "Ang hirap niyang makita na nasa ganung kalagayan, Anak. Umiiyak siyang umuwi rito at humingi ng tawad sa nagawa. Ilang araw rin siyang nagkulong sa kwarto. Tuwing gabi naririnig ko ang iyak niya. Masakit para sa 'kin 'yun bilang ama. Pero wala akong magawa dahil ayaw magkwento ng kambal mo. Nang nalaman namin na buntis siya pinilit kung paaminin siya kung sino ang ama ng bata. Pero ayaw niyang magsalita. Ang tanging magagawa ko lang ay alagaan siya at siguraduhing okay sila ng magiging apo ko. Ang nasa isip ko nu'n, tanggapin siya at wag ng magalit kasi nanduon na eh. Wala ng magagawa ang galit ko, hindi na maibabalik ang nangyari. Sino ba naman ang tatakbuhan ng kambal mo 'di ba. Tayo-tayo lang. Hindi ko man matanggap na nabuntis siya, pinili ko na lang na manahimik at 'wag ipakita sa kanya para hindi maapektuhan ang pagbubuntis niya," kwento ni Papa. "Sinasabi ko sa sarili ko na nagkulang ako ng paalala sa kanya at hindi ko siya nagabayan ng maayos. Yun na lang para hindi ako magalit sa kambal mo, sa sarili ko na lang isinisi ang nangyari." Nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya.  "Bakit di niyo sinabi sa 'kin? Papa karapatan kong malaman 'yun!" mahinang sabi ko kay Papa. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin bakit walang nagsabi sakin ng nangyayari rito. Pamilya din naman ako.  "Anak ayaw ka naming mag-alala. Nasa malayo ka at mag-isa ka lang duon. Pasensya ka na, Anak. Alam kong ubos din sa 'min ang sahod mo dahil sa kakapadala mo. Kung sana malaki ang kit---"  "Papa walang kaso sa 'kin 'yun. Kaya nga ako nagttrabaho para sa pamilya natin. Nagtratrabaho ako duon para sa inyo, " sabi ko at hinayaan ko ang ulo kong sumandal sa balikat ni papa. "Papa bakit mas pinili mong unawain siya at hindi magalit? Ang laki ng expectation niyo sa kanya di ba? Alam ko naman na pantay ang pagmamahal mo sa min pero bilang Ama bakit ang dali sayong tangapin kasi kung sa iba yan baka napalayas na," tanong ko. "Nagalit ako syempre. Sabi ko naman sa inyong dalawa na wala akong maipapamana na malaki kaya kailangan niyong maging maayos bago man lang kami mawala ng Mama niyo," madamdaming niya sabi, "sayang lang kasi nagkamali siya, pati na rin sa pagpili ng mamahalin. Ama ako eh kaya kailangan kong intindihin ang kambal mo, hindi pwede na magalit ako sa kanya habang buntis siya. Yung galit ko sa akin na lang 'yun." "Huwag kayong mag-alala, Papa. Lagi akong nakasuporta sa inyo ni Mama kahit kay Ate at Zyreen. Sabi mo nga 'di ba tayo-tayo lang din ang magtutulungan sa huli dahil pamilya tayo. Mahal na mahal ko po kayo Papa," paglalambing ko. "Salamat anak. Mahal din kita." Huling narinig ko bago ako makatulog. .....  Isang buwan na rin ako rito sa Pilipinas. At walang naging problema. Araw-araw kaming masaya. "Kambal pwede bang ikaw muna ang magbantay kay Zyreen? Sasama kasi ako kina mama at papa sa kabilang baryo. Ibabagsak kasi dun ang mga inani ngayong buwan," Sabi ni Ate Zaureen.  "Gusto mo Ate, Ako na lang sasama kina Mama para maalagaan mo ang Anak mo?" offer ko pa rito. "Ay naku, dumito ka na lang. 'Di ka sanay sa ganun. Tapos mainit pa baka mamula lang yang balat mo. May aasikasuhin din kami ni Mama," sabi ni ate Zaureen sakin na tinanguhan ko na lang.  " Sige ingat kayo," sabi ko kay Ate. " Thank you. I love you, kambal." sabi nito kaya napangiti ako. "Love you too."  Lumapit naman si Papa at Mama sa 'kin. "May makakain na dyan pag nagutom kayo ni Zyreen, nakahanda na sa mesa. Kung gusto mo namang mamasyal tawagin mo lang si Ambo dyan sa kapitbahay natin at ipagd-drive ka niya kasama si Zyreen. Mahal kita, Anak." Sabi ni Mama sakin at niyakap pa ako.  "Hanla si Mama ginawa akong bata. Haha mahal din po kita, Mama. Ingat po kayo. Ako na ang bahala sa cute kong pamangkin," sabi ko. Nakita kong lumabas si Papa. "Naks ganda ng suot ni Papa. Bagay na bagay, ahh. Poging pogi ang datingan, Papa. Bumata ka ng sampong taon Papa, kamukha mo na si Piolo PAscual. Ang gwapo," puna ko kay Papa.  "Gwapo na ba, Anak? Isinuot ko na, binili kaya ito ng napakaganda kong Anak. Ganda ng pinili para sa akin," sabi niya kaya natawa ako. "Syempre naman Papa pipili ba ako ng pangit eh ikaw magsusuot. Dapat pang gwapo lang ang isusuot mo.I love you, Papa. Hehe," panlalambing ko rito at yumakap pa ako ng mahigpit. "Naglalambing ang bunso ko. Mahal rin kita Anak," tugon niya bago ako bitawan sa pagkakayakap. Tinukso pa nina Mama at Ate si Papa dahil naging madrama na raw ito mula nung umuwi ako. Natawa na lang kami ni Papa at hinalikan pa ako nito sa noo bago humiwalay ng tuluyan sa akin. "Ingat sa pag ddrive, Papa. B-bye Mama, Bye ate." Sumakay na sila sa malaking truck na pinaglalagyan ng mga inaning gulay. "INGAT PO!" sigaw ko pa. Masaya naman silang nagpaalam sa 'kin.  Wala kaming ginawa ni Zyreen buong araw kundi mag bonding at kumain. Nanuod din kami ng mga pambatang video sa youtube. Nagkweto rin ito tungkol sa mga madalas nilang gawin nina Ate, Mama at Papa. "Sinong maganda si Mommy mo o ako?" brong tanong ko rito. Natawa pa ako ng cute na nilagay nito ang isang kamay sa baba habang nakatingin sa taas na animoy nag-iisip. "Hmm. . . dalawa naman po kayong maganda Tita kasi magkamukha kayo ni Mommy pero po mas maputi ka po sa kanya at sexy po, hehe. Tumataba na kasi si Mommy," cute na sabi nito. "Mataba si Mommy mo? Hanla lagot ka isusumbong kita sa kanya, sinabihan mo siyang mataba haha-" "Tita, totoo naman po. Sabi nga ni Mommy sa akin bawal magsinungaling," inosenteng sabi nito kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Siguro para sa iba isang pagkakamali ang mabuntis si Ate. Pero para sa akin blessing yun, si Zyreen kasi napapasaya niya si Mama at Papa. Nakita ko kung paano nila alagaan ang pamangkin ko. Lagi rin itong pinapasyal ni Papa tulad ng ginagawa niya sa amin ni Ate Zaureen dati, kta sa mga mata nina Mama at Papa na masaya sila kapiling ng kanilang Apo at hindi nila ito nakikita bilang pagkakamali ni ate.   "Tita, inaantok na po ako. Sleep na po tayo," sabi ni Zyreen kaya napatingin ako sa orasan.   11 na ng gabi bakit wala pa sila Papa. Sabi nila sa akin bago maggabi nakauwi na sila. "Tara tulog ka na sa room muna ni Tita. Paparating na din sina Mama at Papa kasama si Mommy mo, ipapalipat na lang kita sa Mommy mo mamaya. Tatabihan ka na muna kita," sabi ko at inakay siya papuntang silid ko. "Tita kwentuhan mo po ako about princesess yun po kasi ang ginagawa ni Mommy sa akin para makatulog po ako," sabi nito. Kumuha ako ng isang libro sa gilid ng kama at binasa ko 'yun kay Zyreen. Nang makatulog si Zyreen ay bumaba ako sa sala para duon hintayin sina Papa. 2 am bakit wala pa rin? Sinubukam kong tawagan si Ate pero walang sumasagot. Pati ang cellphone ni Mama unattended. Hindi ko alam kong anong nangyayari, kinabahan ako. Tinawagan ko rin ang cellphone ni Papa pero puro ring lang ito at walang sumasagot. Ilang beses ko pang tinawagan bago ako huminto. 'sh!t! Maureen easy lang baka traffic. Tapos lowbat sila o hindi masagot ni Papa dahil siya ang nagmamaneho.' 'Pag gising ko nandito na sila." Bulong ko at nahiga sa sofa. At hinayaan ang sarili kong makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD