Sesenta Y Cinco

1965 Words

Author's point of view Napadpad si Maureen at si Zyreen sa probinsya ng dating katulong ni Zyreen. Nasa liblib na lugar kung saan malayo ang pamilihan, hospital at mga kainan. "Manang, ako na lang ang mamimili mamaya para bilhin lahat ng pangangailangan natin. May ipapabili ka?" Tanong ni Maureen kay Manang Bel. Si Manang Bel ang dating katulong ni Zyreen na kinuha ni Robert. Ito ang pinuntahan ni Maureen nuong lumayo siya. Wala itong contact sa lahat dahil nagpalit ng simcard at hindi nag open ng kahit anong social media account sa loob ng ilang buwan. "Baka mahirapan ka," sabi ni Manang Bel. "Ano ka ba naman manang kaya ko na. Pangatlong buwan ko na rito at nakakahiya naman at kayo lagi ang bumaba sa pamilihan," nakangiti naman na sabi ni Maureen. "Sigurado ka ba?" Tanong ni Bel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD