Maureen's point of view Tatlong oras na sila sa loob at hanggang ngayon wala pa ring lumalabas. Gusto kong pumasok at tignan ang anak ko, nahihirapan ang damdamin ko na isipin na lumalaban sa buhay ang anak ko at ako ay narito lang naghihintay ng balita. "Maureen, kumain ka muna. Magiging okay rin si Zyreen," sabi ni Manang Bel. Nuong dumating siya kanina naalala ko ang nangyari sa akin nuon, 'yung panahon na nawala sa akin sina Mama, Papa at ang kambal ko. Parehas ang ginawa ng kapitbahay ko at kay Manang Bel, tinutulak ko siya kanina dahil ayokong maulit ang nangyari nuon. Ayaw ko rin na may yumayakap sa akin ngayon dahil baka bumigay na talaga ako. Nagpapakatatag ako habang naghihintay kahit gusto kong umiyak lang sa tabi. Bakit? Kasi walang ibang aasahan. Sinubukan kung tawagan si

