Tuluyang nawalan ng malay si Zoe dahil sa nalanghap niyang chemical mula sa panyo na nakatakip sa kan’yang ilong. Bumagsak ang katawan ng dalaga sa mga bisig ni Demetriou. Binuhat nito si Zoe at ipinasok sa loob ng sasakyan. Maingat niyang inilapag ito sa driver seat bago nagmamadaling pinulot ang baril at sumakay ng kotse minaniobra niya ang sasakyan at nag-drive patungo sa isa sa mga rest house niya na matatagpuan sa Batangas. “Flashback” “DRAKOS!” Galit kong tawag sa pangalan ng aking kapatid na siyang bumulabog sa buong Mansyon dahil sa lakas ng boses ko. Nag-aalalang mukha ng mga katulong ang sumalubong sa akin at sa takot na huwag madamay ang mga ito ay mabilis silang umalis at tumakbo patungo sa kusina. Ilang sandali pa ay nakita ko ang magaling kong kapatid na pababa ng hag

