Chapter 34

1721 Words

Zoe’s POV Naalimpungatan ako dahil sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha kaya inangat ko ang aking kanang kamay upang maging pananggalang sa liwanag. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napakunot ang aking noo dahil sa labis na pagtataka ng masilayan ko ang hindi pamilyar na paligid. Maaliwalas ang buong kwarto dahil sa puting kisame at puting pader, habang ang brown na sahig nito ay nangingintab sa kalinisan. Napatingin ako wall glass na natatakpan ng isang manipis na puting kurtina na bahagya pang inililipad ng hangin kaya nakikita ko ang malaparaisong tanawin mula sa labas. Lalo na ang mala asul na dagat na halos hindi maabot ng aking paningin ang lawak nito. Naipikit ko ang aking mga mata ng maramdaman ko sa aking mukha ang pag-ihip ng sariwang hangin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD