Brixton’s POV “Ahhhh!” Malakas kong sigaw bago hinagis ang isang babasaging baso na wala ng lamang alak. Nabasag ito at nagkalat ang bubog sa kung saan. Nanlilisik ang aking mga mata dahil sa matinding galit at gusto kong sakalin ang babaeng iyon o di kaya ay balatan ito ng buhay! Kung alam ko lang na ito ang magiging-tinik sa lalamunan ko dapat ay pinatay ko na rin ito kasama ng kapatid nito! “Huwag kayong titigil hanggat hindi ninyo nakikita ang babaeng iyon! Dalhin niyo s’ya sa aking harapan patay man o buhay!” Nanggigigil kong utos sa mga tauhan ko na nakatayo sa aking harapan. Pagkatapos marinig ang mga sinabi ko ay umalis na ang mga ito. Kinuha ko ang aking tungkod at paika-ika akong lumabas ng aking opisina dito sa loob ng bahay. Pumunta ako sa sala’s kung saan nakaburol a

