Demetriou’s POV Mahigit apat na araw na ang lumipas na nanatili sa hospital si Zoe at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa nakaka-awang itsura nito, lalo na ng makita ko ang braso nito na puno ng marka ng maraming beses na pag-inject ng drugs sa katawan nito. Nakatitig ako sa magandang mukha nito na ngayon ay payapang natutulog, medyo nawawala na rin ang pangingitim ng gilid ng kanyang mga mata ngunit namumutla pa rin ang mukha nito. Pagkatapos kong halikan ang kamay nito ay tumayo na ako upang sandaling iwan ito dahil kailangan kong pumunta sa nurse station. Hinalikan ko muna ito sa noo bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. “Excuse me, nais kong ayusin n’yo ang lahat ng papers ni Zoe Sullivan upang mailabas ko na ito mamayang gabi.” Ang

