Demetriou’s POV Matinding pagdadalamhati ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito habang pinagmamasdan ang lapida ng aking kapatid. Nailibing na lang ito ng hindi pa rin nahuhuli ang pumatay dito kaya labis akong nagngingitngit sa galit. Nakaalis na ang lahat ng taong nakiramay at kaming mag-ama na lang ang naiwan dito sa sementeryo. Tahimik na nakamasid lang ang aking ama sa puntod ni Drakos, ilang sandali pa ay kumilos ang aking ama, pumihit ito patalikod sa puntod ng aking kapatid na akmang aalis na. “Ikaw na ang bahala sa lahat Demetriou dahil mawawala ako ng ilang linggo.” Sabi nito bago ito humakbang palayo na hindi na hinintay pa ang magiging sagot ko. Alam ko na lubha itong nasaktan sa nangyari kay Drakos hindi man nito ipinapakita ang totoong saloobin ngunit ramdam ko sa baw

