Zoe’s POV Pinagmamasdan ko ang buong kabahayan, nagmukha na itong isang haunted house dahil sa tagal na walang nakatira. Puno ng alikabok ang lahat ng gamit at makikita rin ang ilang mga sapot ng gagamba mula sa kisame. Sa sobrang abala ko kung paano makaganti kina Brixton ay hindi ko na napagtuunan ng pansin ang bahay ng pamilya ko. Hindi ko magawang ibenta ang bahay na ito dahil nandito ang lahat ng ala-ala ng pamilya ko. Pakiramdam ko ay para akong nasa loob ng isang kahon na walang laman habang nangangapa sa dilim dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. “Z-zoe?” Natigilan akong bigla ng may tumawag sa pangalan ko, nasa tinig nito ang labis na pagkagulat at hindi inaasahan na muli akong makikita nito. “My God ikaw nga! Zoe, buhay ka!” Mabilis itong lumapit sa akin at niya

