Brixton’s POV Hindi ko na napigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa aking mga labi, nakaramdam ako ng kasiyahan ng marinig ko ang balita na patay na si Drakos Aragon. Tulad ng inaasahan ko, nagsisimula pa lang ako at alam ko ng mga oras na ito ay kumikilos na ang matandang Aragon dahil ito na ang papatay kay Zoe para sa akin. Sino bang mag-aakala na kaya kong paglaruan ang kanilang mga buhay? Baka sa mga susunod na araw ay isa na sa kanila ang mamamatay. Para tuloy kaming nasa isang malaking game show na nag-uunahan na mapatay ang isa’t-isa. “Hahaha! Hahaha!” Walang tigil ang pagtawa ko dahil sa labis na kasiyahan, nasasabik na ako sa mga susunod na mangyayari sa kanila. Dinampot ko ang alak sa lamesa bago ko sinalinan ang aking baso, kailangan kong icelebrate ang simula ng aking t

