KAMA at dalawang paintings sa dingding ang agad nadaanan ng mga mata ko pagkapasok sa silid ni Sir Rolf. Ang isang larawan ay hindi ko maintindihan at ang isa naman ay portrait ng mag-ama. Sa bandang kaliwa ay pinto na sa hula ko ay banyo habang sa kanan kung saan naroon si Sir Rolf ay mukhang ‘opisina’ nito sa loob ng silid—patung-patong na files, laptop, telepono at iba pang kailangan sa pagtatrabaho. Hindi na ako nagtataka kung hanggang sa pagtulog ay baon niya ang mga hindi tapos na trabaho. Sabay nang pag-angat ni Sir Rolf ng tingin ay paghinto ng mga paa ko. Para akong estatwang nakatayo humigit kumulang dalawang hakbang mula sa puwesto niya. Tahimik na tahimik si Sir Rolf pero ramdam kong nakatutok sa akin ang mga mata niya. “Ilang linggo ka na rito?” bas

