NAPAHINTO ako malapit sa kusina nang makarinig ako ng tawanan. Bumagal ang mga hakbang ko. Sina Ate Mimay na naghahanda ng almusal, si Manang Lelita na nagkakape at si…si Sir Rolf? Huminto na ang mga paa ko sa paghakbang. Napatitig ako sa tatlong nagtatawanan. Pangalan ng artista ang narinig kong binanggit ni Manang Lelita. Komontra naman si Mimay. Mali raw ang pagkakaintindi ni Manang Lelita sa palabas. Hindi ko alam kung ano eksakto ang pinagkukuwentuhan nila. At hindi ko rin inaasahang makita ang ganoong eksena. Nakikipagkuwentuhan rin pala sa dalawa si Sir Rolf gaya ni Sir Amante? “O, Daday!” si Mimay na napansin na ako. Sumenyas ako pero hindi niya nakuha ng tama ang mensahe. “Ha? Ano? Hay! Ano’ng ginagawa mo riyan? ‘Lapit ka na rito. Magkape ka na bago pa bu

