“Dad wants to talk to you,” sabi ni Sir Rolf, walang emosyon. “D-Dad?” wala sa loob na ulit ko. “Ah…si Sir Amante—ngayon na po ba?” “Sa room niya. Ngayon na.” at tinalikuran na niya ako. Natagpuan ko na lang ang sarili na sinusundan ng tingin ang papalayo niyang likod. Nasaan ba si Kuya Aldrin, ang driver ni Sir Amante? O ang nurse? Bakit si Sir Rolf pa ang nagsadya sa silid ko? Nagmamadaling lumabas ako ng silid para puntahan si Sir Amante. “SIR AMANTE…” ang tanging nasabi ko matapos ang mahabang kuwento ni Sir Amante tungkol sa mga kaibigang nagmula sa iba’t-ibang antas ng pamumuhay na naging matagumpay sa buhay. Akala ko, gusto lang niyang magkuwento tungkol sa pangarap, sa mga naging karanasan niya noong nasa edad ko siya at sa ib

