“Daday,” si Sir Amante nang tumayo na ako para iwan siya. “Join me.” Natigilan ako. Naudlot ang paghakbang palayo. Napatingin ako sa mga mata ni Sir Amante. “Samahan mo akong mag-breakfast.” “Papayagan n’yo ba akong tumanggi?” Nakangiting tanong ko. Hindi ako ang dapat niyang kasabay sa almusal pero hindi ko tatanggihan iyon. Gusto ko talagang samahan siya hanggang gustuhin na niyang magpahinga. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko kay Sir Amante. Siguro dahil may sakit siya. Siguro dahil nalaman kong may taning na ang buhay niya. Gusto kong pagbigyan lahat ng gusto niya, lahat ng hiling niya. “Hindi,” tugon niya. “Uupo ka sa silyang ‘yan at sasamahan ko akong mag-almusal.” “Ayaw n’yo akong bigyan ng pagpipilian? Sige, ‘sab

