Twenty

1839 Words

“Sir Amante,” nakangiti akong lumapit. “Totoo na talaga ‘to, magkokolehiyo na ako.” “Totoong totoo, Daday. Mag-aral kang mabuti.” Sabi ni Sir Amante, hindi ko alam kung ano ang emosyong iyon na nasa mga mata niya nang ilahad ang mga braso. Ang alam ko lang, nag-init ang dibdib ko at namasa ng luha ang mga mata ko. Pumaloob ako sa yakap niya. “Salamat. Salamat, Sir Amante…” Magaang tumawa siya. “Inuulit mo na naman. Ilang beses mo na bang sinabi ‘yan?” Tumawa ako kasabay ng mga nalaglag na luha. Tinuyo niya ang mga luha ko. “Tandaan mong ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana,” mababang sabi niya. “Binuksan ko lang ang pinto para sa ‘yo, Daday. Ikaw pa rin ang pipili ng buhay na gusto mo kapag nakita mo na ang malawak na mundo. Mangarap ka. Iukit sa isip ang isang magandang bukas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD