Bigla akong nahiyang sumagot. Prito lang naman ang tama kong nagagawa, steamed na gulay na utos at turo ni Sir Rolf at isang putahe na natutunan ko kay nanay—tinolang manok. Bukod sa mga iyon, eksperimento na ang mga luto ko na kadalasan palpak kaya inuubos ko na bago pa man dumating si Sir Rolf at tikman iyon. “Fried chicken, Ma’am,” sagot ko. “Prito lang naman ang nagagawa ko nang tama pagdating sa pagluluto. Iba’t ibang klase ng prito.” Kasunod ang tawa. Tumawa rin si Ma’am Aireen. “Hindi naman ako kusinera, Ma’am, eh. Tagalinis lang. “Napagtitiyagaan naman ni Sir Rolf kaya hindi pa niya ako tinatapon pabalik ng Corazon.” Kuwento ko pa. “At pinakuluang mga gulay na ‘steamed’ daw ang tawag sabi ni Sir Rolf. Palpak ‘yong subok ko ng sinigang kahapon kaya hindi ko na inulit. I

