"Let the pain teach you to be strong." ISANG araw na naman akong pinasaya ni Arion at ngayon, balik na naman siya sa dating gawi. Abala na aman niya sa phone niya at hindi na ako natutuwa. My gosh! Pagkatapos niyang sabihin sa magulang ko na pakakasalan niya ako, ayan may ka-chat na iba. Punyeta siya. "Arion." "Hm..." Ang nalintikan, hindi man lang ako tinapunan ng tingin! Gusto ko nang agawin 'yung phone niya para makita kung sino ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan siya. Tapos sa gabi, inilalagay niya sa ilalim ng unan ang phone niya. May lock code pa. Bwisit siya. Is he cheating on me? Or baka iyon 'yung babaeng kalandian niya n'ong nagkasakitan kami? Sila pa rin ba?! O 'yung malaki ang dede? "Mahal mo ba talaga ako?" I asked while looking at the ceiling. Nakahiga na k

