"Stay with me no matter how hard I am." NAGISING ako sa ingay sa paligid. Pakiramdam ko ay mahaba ang tulog ko ngayon pero alam ko rin namang saglit lang ako nakatulog. Kumunot ang noo ko nang mapansing nasa isang kwarto na ako. Bumangon ako saka nilibot ang tingin sa buong kwarto. "Punyetang Aries 'yon. Dinala pa talaga ako sa kwarto." Napailing na lamang ako saka tumayo mula sa kama. Naglakad ako patungo sa pinto at pagbukas ko niyon ay mas kumunot ang noo ko dahil walang ni isang tao sa living room. E anong ingay iyong narinig ko kanina no'ng magising ako? Hinanap ko si Aries and there he is. Kaya pala maingay. He's standing at the kitchen at may ka-videocall sa iPad niya na nakapatong sa kitchen counter. "f**k, so you're saying that I should fry the egg first before puting it

