Ang sikip ng dibdib ko habang minamasdan si Aling Violy na abala sa pag-asikaso ng mga costumer niya. Tanaw ko lang siya mula rito sa loob ng sasakyan. Kating-kati na nga ang mga paa ko. Gusto ko na siyang lapitan at magpakilala bilang manugang niya. Pero hindi kasi ganoon ka dali. Naisip ko pa nga kung magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon na matawag siyang Mama. Baka kasi kamuhian niya ako dahil sa nangyari kay Vianna May. "Handa ka na ba, P're? Buo na ba talaga ang desisyon mo na kausapin si Aling Voily?" Sumulyap ako sandali sa kaibigan ko, saka mapait na ngumiti habang tanaw na naman si Aling Violy. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa backrest. Tinatantya ang sarili kung talaga ba'ng kaya ko nang harapin si Aling Violy. Halos dalawang linggo na rin kasi kaming pabalik-balik dito.

