KABANATA 63

2135 Words

DIEGO POV Takip ang palad sa bibig ni Danica habang pigil ang paghagulgol. "Diego... ano'ng nangyari sa'yo? Nasaan si Vianna May?" tanong ni Danica, habang yakap na ako. Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Bumaling ang tingin ko kay Nelson na pasimpleng nagpunas ng mga luha kasabay ng pag-iwas ng tingin. Gusto ko sana'ng magtanong kung bakit nandito ang pinsan ko? Kung bakit niya sinabi na nandito ako? Alam naman niya na ayokong mag-alala ang pamilya ko. Ayokong sabihin sa kanila ang kalagayan ko. Ang kalagayan namin ng asawa ko. Gusto ko'ng makuha ang sagot niya, mabasa man lang sana sa mga mata niya ang kasagutan, pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Niyakap ko na lamang ang pinsan ko'ng humahagulgol pa rin at ayaw na ako'ng pakawalan. Kasabay din

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD