"Sir Nelson," sigaw ng mga tauhan ni Nelson. Habang alerto nang nakaharang sa likod nila. Rinig ko pa ang pagwawala at pagsisigaw ni Romeo. Pero wala na kan'ya ang atensyon ko. Nasa asawa ko na at sa kaibigan kong mahigpit na yumakap sa asawa ko. Gaya ko na hinto rin sila paghakbang at animo'y napako sa kinatatayuan. Kita ko pa ang pagbaba ng kamay ni Nelson, mula sa ulo papunta sa balikat ng asawa ko. Kumawala ang hagulgol ko kasabay din ang paghagulgol ng asawa ko. Ang kaninang ngiti sa aming mga labi napalitan na naman ng nginig at takot. Mabilis ko'ng tinawid ang aming agwat at kaagad niyakap ang asawa ko. Habang yakap pa rin ito ni Nelson mula sa likod. Kumapit ang isa ko'ng kamay sa balikat ng kaibigan ko na hindi pa rin gumagalaw hanggang ngayon. "P're," mahinang tawag ko

