Matalim na titig ang pinukol ko kay Romeo na hanggang ngayon hindi pa rin nakakatayo matapos tumama ang kamao ko sa bibig niya. Matagal ko'ng hinintay ang panahong ito. Ang muling makaharap ang taong dahilan ng paghihirap ko. Paghihirap namin ng asawa ko. "Diego!" muli niyang bigkas sa pangalan ko, kasunod ang pagdura. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Pero nakuha pa rin niya ang tumawa. "Ako nga!" Madiin ang bigkas ko sa mga katagang 'yon. Gusto ko'ng ipamukha sa kan'ya, na oo buhay ako. Buhay na buhay para pagbayarin siya sa lahat ng kawalang-hiyaan niya. Para ipalasap sa kan'ya ang lahat ng kahayopan niya. Kung anong talim ng tingin na pinukol ko sa kan'ya gano'n din ang ginawa niya. Pinahid nito ang dugo sa labi, kasabay ang pagtagis ng bagang. "May sa pusa ka pala!" nakangisin

