Putok ng baril ang sumalubong sa amin hindi pa man kami tuluyang nakapasok sa gubat. Talagang hindi basta-basta si Romeo, pati na ang mga tauhan niya na handang sumalo ng bala maprotektahan lamang ang hayop na gaya niya. Pero sa pagkakataong 'to wala na siyang kawala. Wala na silang kawala. Sisiguraduhin ko'ng ililigtas at mabawi ang asawa ko mula sa mga kamay niya, kahit na anong mangyari. Sa dami ng mga pulis na sumama sa operasyon, kampanti ako'ng hindi na makakatakas si Romeo. Nakapalibot na sa buong resort ang mga pulis. Wala na silang mapagtataguan o mapupuntahan, sa dagat man o sa gubat. Ang ikinatatakot ko lang ay ang kaligtasan ng asawa ko. Hindi ko mapagil ang kabahan, ang mag-alala. Paano kung madamay siya? Paano kung hindi pa rin siya pakawalan ng demonyong si Romeo? Pa

