Doctor Jessa gave me a wide-eyed look. Her face was filled with fear and surprise. She did nothing but stare at me, as if she was frozen. Humakbang ako palapit sa kanya. Wala siyang ginawa kun'di ang sundan ng tingin ang bawat hakbang ko. Hanggang sa ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa kan'ya saka siya animo'y natauhan. Tumayo ng maayos at tumikhim. "Mr. Fabriano," bigkas niya, pinipilit maging kalmado pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanginginig niyang mga labi at mga matang mapagkunwari. " 'Vianna May?" patanong na bigkas ko sa pangalan ng asawa ko. "Po?" nasambit niya, kasabay ang paghawak sa backrest ng link chairs. Tila doon siya kumukuha ng lakas para hindi tuluyang bumagsak. "Nasaan ang asawa ko?" walang paligoy-ligoy ko'ng tanong. Hindi na naman nakaligtas sa

