Ang umagang iyon ay isa sa mga pinakakaibang naramdaman ni Fina. Pagising niya, kaagad niyang naramdaman ang kakaibang panlasa at pagnanasa sa kung ano-anong pagkain na hindi niya normal na gusto. Normal ito lalo pa at nagdadalang-tao siya, at nararamdaman niya na nagsisimula na ang kanyang paglilihi na sa kung tutuusin nga ay parang kung kailan mas lumaki na ang kanyang tiyan ay doon sya nagsimula na maglihi. Dahil nga sa paglilihi niya ay naging pabago-bago talaga ang kanyang mood. Nasa kusina si Caleb, abala sa pagluluto ng agahan nang lumabas si Fina mula sa kanilang kwarto. Agad siyang nakaramdam ng kakaibang amoy mula sa niluluto ni Caleb na dati naman ay gustung-gusto niya. Inilagay niya ang kamay sa kanyang bibig, tila nagpipigil ng hindi magandang pakiramdam. Napansin ni Caleb an

