bc

Just Closer

book_age18+
1.7K
FOLLOW
10.2K
READ
fated
popstar
heir/heiress
drama
twisted
sweet
others
first love
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Sabi nga nila ang love walang pinipiling tao, lugar at sitwasyon. Kung tatamaan ka, tatamaan ka. Na kay Hiyasmen na ang lahat ng katangian na makaka pa ibig sa mga lalaki. Rich, pretty, sexy, at higit sa lahat ang pagiging famous model. Ngunit kahit nasa kanya na ang lahat hindi pa rin niya makuha kuha ang lalaking pina pangarap niya mula pagkabata. Ang kanyang personal driver na sampong taon ang tanda sa kanya. Ano ang gagawin ng isang sikat na modelo upang ma angkin ang isang coldman na driver?

Tunghayan ang kwento ni Hiyasmen at Adrian na magkalayo ang edad ngunit pag lalapitin ng tunay na pag ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nasa ikasampung taon pa lamang na baitang si Hiyasmen ngunit hindi mahahalata ito sa kanya dahil sa angking kagandahan, at tangkad na hindi maipag kakailang maituturing na isang modelo. Nasa lahi kasi nila ang matangkad, mistisa, at maamong mukha. May dugong bughaw kasi ang kaniyang ina kaya dito siya nag mana na may mala artistang quality ng physikal na pagkatao. "Yasmen, ano sasama ka ba mamaya?" tanong sa kanya ng isang kamag aral niya. May outing kasi ang buong grade 10 students dahil na rin sa nalalapit nilang moving up. "Hindi na, gusto kong umuwi ng mansyon. Alam mo na mas gugustuhin ko pang tumambay at sumama sa tourist bus kesa kasama kayo," diritsahang tugon nito. "Hay naku! Paano naman kasi in-love na in-love ito sa isa sa mga tourist bus driver nila. Kung ako ang tatanungin baka isipin ko na ginayuma itong babaeng ito, bukod kasi na matanda sa atin ng sampung taon ang lalaki hindi pa ganoon ka gwapo. Ewan ko ba bakit humaling na humaling siya doon," wika naman ng isa niyang kamag aral. "Alam n'yo guys, wala naman kasi sa edad at katangiang pagkatao iyan kung magusgustuhan mo ang isang tao. Kung tatamaan ka, tatamaan ka. Kung mai-inlove ka mai-inlove ka," muling tugon ni Hiyasmen at ngumiti pa ito sa kanyang mga kamag aral. "Hi Adrian," bati niya sa isang driver nila na kasalukuyang nag lilinis at nag che-check ng bus na dinadala nito. Isa kasi sila sa mga nagmamay ari ng ilang bus company sa buong Baguio na ginagamit sa mga turista. "Ma'am Yasmen kayo pala, huwag po kayo dito at baka marumihan kayo." Taboy ni Adrian sa kanya. "Ayan ka na naman Adrian pinag tatabuyan mo na naman ako. Alam mo bang mas pinili ko ang umuwi dito sa mansyon at pumunta dito sa iyo kesa sumama sa outing ng buong klase." At umupo si Hiyasmen sa tabi ni Adrian. "Kayo talaga Ma'am pinag titripan nyo na naman ako." Ngumiti ito sa kanya. "Ewan ko sa iyo, lagi mo na lang sinasabihan ng ganyan. Hindi naman ako mukhang nagluluko at wala sa mukha ko ang nag sisinungaling bakit ba kasi hindi ka naniniwala sa akin na gusto kita. Alam mo ang swerte swerte mo nga, kasi ako itong babae pero ako itong unang umaamin sa iyo," wika ni Hiyasmen habang pinag mamasdan si Adrian. Agad namang tumayo si Adrian at humarap sa kanya ngumiti ito at bahagyang pinisil pisil ang kanyang pisngi at ilong. "Baby girl, ang cute cute mo talaga. Ilan taon kana ba ngayon katorse diba? Kaya huwag mong seryusuhin ang mga bagay bagay lalo na kung totoong humahanga ka. Hayaan mo lilipas din iyan at i'm sure kapag dumating ang panahon na iyon pag tatawanan mo lang ang sarili mo dahil humanga ka sa kuya mo at isa pa sa mga tauhan n'yo," wika ni Adrian, habang pinipisil nito ang pisngi ni Hiyasmen. "Hindi na ako bata Adrian. Oo, katorse lang ako pero alam ko hindi lang ito basta paghanga kasi ramdam na ramdam ko na mahal na mahal na kita at totoong totoo iyon, at 100% sure ako na kahit dumating ako sa hustong gulang ay hindi mag babago iyon Adrian mahal talaga kita." Pag amin ni Hiyasmen. "Mahal din naman kita baby girl kaya umuwi kana dahil gumagabi na oh," tugon nito sa kanya at bahagyang tinapik pa ang kanyang balikat. "Ano? Mahal na naman bilang nakakabatang kapatid?" Tumalim naman ang tingin niya dito dahil lalo lang siyang nangliliit dahil sa pag tawag sa kanya ng baby girl. "Ma'am Yasmen, sampong taon po ang tanda ko sa iyo alangan naman po na nakakatanda ang tingin ko sa iyo. At saka kahit saan tingnan pangit po, bukod sa bata pa kayo ei isa lang ako sa mga empleyado n'yo." At muling pinisil nito ang kanyang pisngi at ilong at umalis na ito sa kaniyang harapan. Laglag ang balikat ni Hiyasmen na umuwi sa kanilang mansyon. Hindi lang kasi iyon ang unang pag amin niya sa binata at unang pag re-ject sa kanya nito. "Hi Mom, hi Dad," bati niya sa kaniyang magulang na kasalukuyang nasa garden malapit sa receiving room. "Anak saan ka naman ba galing?" tanong ng kanyang ama. "Saan pa ba doon naman iyan galing sa parking lot ng mga bus," tugon ng kanyang ina. "Kaya pala malungkot kana naman." Bahagya namang ngumiti ang kanyang ama. "Daddy naman kasi pag bigyan n'yo na ako. Kunin n'yo na kasing maging personal driver ko si Adrian, please Daddy." May pag papacute pa si Hiyasmen habang nag rere-quest ito sa kanyang ama. "Anak ayaw nga niya, alangan naman pilitin ko eh ayaw talaga niya," tugon ng kanyang ama. Alam na alam ng kanyang ama at ina na humahanga siya sa isa sa mga driver nila at hindi nila minamasama iyon. Likas na walang lihim si Hiyasmen sa kanyang magulang kaya kahit ang paghanga niya kay Adrian ay alam na alam ng kanyang magulang. Bukod kasi sa nag iisang anak si Hiyasmen ay spoild ito kaya kahit anong hilingin nito ay naibibigay ng kanyang magulang. "Mom!" singhal niya sa kaniyang ina dahil tanging pangiti-ngiti lamang ito kahit seryuso siya sa kaniyang hinihiling. "Anak, hindi namin minamasama na humahanga ka at nagpapasalamat kami kasi hindi mo iyan nililihim sa amin. At nagpapasalamat din ako na si Adrian ang unang lalaking hinahangaan mo, bukod kasi sa mabait eh mabuting tao si Adrian, na alam na alam namin na mapag kakatiwalaan namin siya kahit umaamin ka sa kanya na hinahanggan mo siya. Alam din namin na hindi niya iyon gagamiting advantage upang pag samantalan ka, dahil alam namin na kapatid ang tingin niya sa iyo." Mahabang paliwanag ng kanyang ina. "Pati ba naman kayo Mommy! Ewan ko sa inyo lahat na lang kayo bata ang tingin sa akin. Hindi na ako bata Mom, tingnan n'yo kahit katorse lang ako 5,2 na ang height ko, sexy din ako ang ganda ng kurba ng katawan ko. Eh ang alam nga nila bente na ako," naka simangot na wika ni Hiyasmen. Tanging iling-iling lang ang naging reaksyon ng kanyang daddy sa kanya habang pangiti ngiti. Kaya umalis na lamang siya sa garden at tumungo sa kanyang kwarto. "Bakit ba kasi paulit ulit ang sinasabi nila sa akin. Sabing hindi na ako bata, hindi na ako imature. Dalaga na ako, dalagang dalaga na ako. Alam kong katorse pa lang ako pero ramdam na ramdam ko hindi lang ito simpleng paghanga totoo na ito. Mahal ko na talaga si Adrian," sambit ni Hiyasmen sa kanyang sarili habang naka higa sa kama at umiiyak. Kinabukasan ay maagap siyang nagising ito na rin kasi ang naka sanayan niya. Dahil weekend ay sumasama siya sa tourist bus upang maging isa sa tour guide kahit hindi niya iyon trabaho. Basta ang alam niya masaya siya dahil nakakasama niya si Adrian buong weekend sapat na sapat na iyon sa kanya. Pinili niyang suotin ang croptop na damit at maikling palda na kitang kita ang magaganda, at makikinis niyang legs. Pangiti-ngiti si Hiyasmen ng tinitingnan niya ang kanyang replika sa salamin. Bagay na bagay sa kanya ang croptop na damit na kitang kita ang kurba ng kanyang sexing katawan na alam niyang lahat ng lalaki ay mapapasulyap sa kanya dagdag pa nito ang pag pares niya ng maikling palda. Halos lumuwa ang mga mata ng mga driver habang papalapit siya sa kinaroroonan nito kasama na rito si Adrian ngunit tanging si Adrian pa lang ang hindi naka pansin sa kanya. "Alam ko sa pagkakataong ito mapapansin mo ako Adrian, at alam kong magugustuhan mo ang suot kong ito," bulong ni Hiyasmen sa kanyang sarili habang naka ngiti. Ngunit nang mapansin siya ni Adrian ay kumunot lamang ang noo nito sa kanya at pa iling-iling kaya ang ngiti niya ay napalitan ng pagka inis. "Ma'am Yasmen saan po kayo, at bakit ganyan ang suot ninyo?" tanong nito sa kanya. "Sasama ako sa iyo, ako ang tourist guide mo ngayon. Diba weekend ngayon? Kaya naririto ako. Bakit hindi ba maganda ang suot ko?" tugon nito at umikot-ikot pa ito sa harapan ng binata. Napasapo ng kanyang ulo si Adrian at agad niyang hinila si Hiyasmen sa likod ng parking lot. "Aray ko bakit ba!? Mukhang ikaw lang ang hindi natutuwa sa suot ko ah," naiiritang sabi ni Hiyasmen. "Ma'am kung sasama kayo sa akin at ganyan ang suot n'yo mabuti pa po umuwi na lang kayo at hinding hindi ako papayag na sumama kayo sa akin. Malilintikan ako sa daddy mo baby girl ei." Kumamot kamot pa si Adrian sa kanyang ulo habang pinag mamasdan siya. "Bakit pangit ba suot ko, hindi ba bagay sa akin? Maganda naman ah." Pagmamalaki ni Hiyasmen. "Maganda, at bagay na bagay sa iyo Ma'am pero hindi ako papayag na ganyan ang suot n'yo, kapag sumama kayo sa akin. Eh, mukha kayong pupunta ng bar at mag pa-party party sa ganyang kasootan at hindi mag to-tour guide ng mga bisita natin. Mabuti pa po umuwi muna kayo at mag palit ng damit kung gusto n'yong sumama sa akin." Ngumiti ito sa kanya. At bahagya siyang tinulak. Bumuntong-hininga naman si Hiyasmen at muling umuwi ng mansyon ang akala niyang matutuwa si Adrian ngunit kabaligtaran, hindi rin niya nagawang makuha ang attention nito. Dahil imbes na maakit niya ay lalo lamang siyang iniiwasan nito at sinasaway ang paraan paano niya akitin ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook