Natuwa naman ang magulang ni Hiyasmen at ang doctor sa naging feedback ng katawan ni Hiyasmen dahil sa pagkagising nito agad. "Adrian... Salamat. Hindi ko alam paano magpasalamat sa iyo, sa pagiging mabuting asawa mo sa anak ko." Yumakap ang ama ni Hiyasmen sa kay Adrian. "Paulit ulit ko pong sasabihin sa inyo, kung gaano ko ka mahal si Hiyasmen. Wala ho akong ibang inisip kundi ang makasama ko siya sa aking pagtanda na kahit kailan na alam kung hindi na matutupad. At patuloy akong umaasa sa himala, himala na sana hindi ko sila malilimutan, hindi ako mawawala ng maagap sa kanila." Yumakap din ng mahigpit si Adrian sa ama ni Hiyasmen. Pagkatapos niyakap ng ama ni Hiyasmen si Adrian ay ang ina naman ni Hiyasmen ang yumakap kay Adrian. "Tama ako, tama ako na ikaw ang lalaking nararap

