Hindi pa naman natatapos kumain sila Adrian ng tumunog ang kanyang cellphone. Isang unregistered number ang nag text. "How are you? Did you look paranoid, Adrian? How do you feel about the many guards and police guarding you? Are you happy!?" At kalakip ng text ang isang larawan na kanilang mansyon na kung saan makikita doon ang mga pulis at gwardiya na nakapalibot mansyon nagbabantay sa kanila. Mabilis na tumakbo si Adrian sa labas ng mansyon upang alamin kung sino itong nagpadala ng messages. Pero wala siyang naabutan o nakita man lang na tao sa labas ng mansyon. "Adrian!! Anong nangyari?" tanong ni Hiyasmen. "Pasok sa loob," tanging tugon lang ni Adrian. Nataranta muli ang buong tao sa mansyon dahil sa ginawa ni Adrian. "Sir.. Anong nangyari?" tanong ng isang pulis na nag

