"Ma'am, may nagpaabot po ng package, para sa inyo raw po," saad ng gwardiya nila Hiyasmen at agad naman itong inabot sa kanya. "Saan daw galing?" tanong naman ni Adrian. "Wala pong nakalagay kung saan at kanino galing sir. Basta, pinapaabot na lang po kay ma'am Hiyasmen," tugon ng gwardiya. "Ah ok, salamat," saad ni Hiyasmen. At ngumiti pa ito sa gwardiya. "Mukhang may secret admirer ka pa rin ah. Hmm..." Pag bibiro ni Adrian. "Admirer ka diyan, baka isa sa mga fans ko ito. Alam mo na, malapit na birthday ko. Kahit naman wala na ako sa pagmomodelo ay may sumusuporta pa rin sa akin," pagmamalaki ni Hiyasmen. "Di ikaw na." Napatawa na lang si Adrian. Excited naman na binuksan ni Hiyasmen ang package na pinaabot sa kanya. Pero, laking gulat ni Hiyasmen ng makita niya kung ano

