Kinabukasan, sinikap ni Hiyasmen na gumising ng maagap upang maunahan niya sa pagluluto si Adrian, pero bigo siya dahil pagmulat niya ng kanyang mata ay wala nang Adrian sa kanyang tabi. Muli na naman napangiti si Hiyasmen, dahil mayroon na namang tatlong pink na rosas na naka patong sa kanilang maliit na mesa. "Good morning aking binibini. Tatlong rosas para sa iyo, sana muli kitang mapangiti sa pamamagitan nito. -Adrian-" "Ikaw talaga Adrian, alam na alam mo na talaga kung anong magpapangiti sa akin. Alam mo kung paano ako sasaya," bulong ni Hiyasmen sa kanyang sarili habang inaamoy ang bulaklak. "Good morning mommy, breakfast is ready. Kami ni daddy nagluto, sana magustuhan ninyo," masayang saad ni Adriana Angel na bumungad kay Hiyasmen ng makarating na ito sa dinning table. "K

