Pagkalipas ng isang linggo ay tuluyan ng gumaling at pwede ng lumabas si baby junior sa hospital maging si Hiyasmen. Kaya, tuwang tuwa ang buong pamilya dahil sa pangyayari. "Adrian.. Pwede ba tayong mag usap?" Niyakap ni Hiyasmen si Adrian habang nakatalikod ito. "Yes, anong paglalambing iyan mahal?" Hinarap ni Adrian si Hiyasmen at hinaplos nito ang pisngi ng asawa. "Ahm... Si manang kasi, paano ba ito. Ahm.. Pwede bang e-urong natin ang demanda sa kanya at ilagay natin siya sa pagiging witness? Naawa kasi ako sa pamilya ni manang, at saka alam naman natin na biktima lang din siya ng sitwasyon diba?" saad ni Hiyasmen. "Oo naman. Ako nga dapat ang magsabi niyan sa iyo eh, naunahan mo lang ako. So, ano punta na tayo sa pulis station kung nasaan si manang, pero bago iyon kausapin muna

